Signs

23 3 0
                                    

Tapos na kumain ang tatlo. Pagkatapos naman nila magligpit ng kinainan pinagpatuloy naman nila ang kwentuhan sa sala ng apartment ni Franchelle.

Hillary: I smell something fishy dito kay Rico at Rain hah. Parang type ka bebegirl!

Wendy:  Alam mo, Ating yan din sinabi ko dyan nung kinuwento niya sa akin yung nangyari.

Wendy's Narration

     After the day na lumabas silang tatlo nila Rico, ang friendsis ko naguilty ata. Inaya ba naman ako kumain sa labas. Nilibre ako sa Mcdo. Of course natuwa naman ako. Tapos ayun nga kinuwento nya sa akin yung nangyari sa team outing nila.

Franchelle: Alam mo ba friendsis, ang saya ng team outing namin. Nakakatakot umakyat pero nung narating na namin yung taas grabe sobrang ganda. Nakakawala ng stress..Sumigaw nga kaming lahat eh. Yun nga lang medyo minalas ako. Nung pagbaba namin ng bundok natisod ako. Tapos gumulong gulong. Buti na lang nandoon si Rain tapos nasalo niya ako. Yung hindi na ako makalakad binuhat niya ako. Actually,  nandoon din naman si Rico binuhat niya mga gamit ko. Grabe bait nga nung dalawa na yun di nila ako pinabayaan.

Wendy: Uyyyy.... Baka naman may gusto na sayo yang si Rain. Diba great enemy mo yun?? Si Rico di na ako magtataka simula't sapul naman may gusto na yun sayo..Kaya lang alam naman natin na hanggang kuya lang tingin mo sa kanya haha.

  Franchelle: Alam mo okay naman pala si Rain mabait din. Pero sira ka walang gusto sa akin yun.

   Wendy: Kase based sa kwento mo parang lang naman. Malay mo may gusto siya sayo di lang inaamin.

    Franchelle:  Hala siya niligtas lang may gusto na? Ikaw dumi ng utak mo. May gf na yun hoy! Loyal pati yun. Tska di ko naman siya trip. Alam mo ba sinong crush ko??

   Wendy: Hmmm.. Sabagay, sino naman ang crush mo ha? Kilala ko ba yan?

    Franchelle: Oo. Kilala mo hahaha.

    Wendy: Ayy landi! Sabihin mo na magsesecret ka pa ba sa akin?

     Franchelle: Wag mo ko sasabihin ha? Crush ko kasi si Martin.

    Wendy: Hala yung ka-team ko? Kaya naman pala panay punta mo sa team ko. Nagpapansin ka siguro kay Martin haha. Akala ko pa naman ako talaga sadya mo.

     Franchelle: Ano ka ba? Syempre  ikaw naman talaga. Pero, sadyang kasama na din si Martin sa motibo haha. Ewan ko ba since training crush ko na sya. At alam mo ba kinikilig ako pag nakikita ko sya.

      Wendy: Alam mo ba sabi sa akin ni Jen. Yung best friend ni Martin may crush din daw sayo si Martin.

       Franchelle: Owwwss?? Bakit ngayon mo lang sinabi? Haha. Pero alam ko joke time mo lang yan.

     Wendy: Promise! Ask mo pa si Jen. Kinikilig ka din naman eh noh??

    Franchelle: Di naman masyado.. Pero bakit ayaw niya akong ligawan? Hahaha joke lang friendsis!

      Wendy: Hahaha sabi na eh. Eh syempre torpe din yun si Martin. Nahihiya sayo yun malamang. Dami mo kasing manliligaw.

Ang dami namin napagkwentuhan ni Franchelle noong araw na yun. 7pm na kami nakauwi. Mas malayo ang inuuwian ko kumpara sa kanya kaya ayan hindi ako nakapasok kinabukasan haha. Pero alam ko talaga crush na crush niya si Martin. At swerte niyan kasi crush din siya ni Martin. Yun nga lang sobrang torpe ni Martin hindi siya makausap. Para silang high school hanggang tinginan lang.

Nung una nasabi ko kay Friendsis na baka may gusto sa kanya si Rain. Navibes ko kasi. Kaya lang sabi nga nyan may gf daw si Rain kaya hindi ko kinulit at isa pa alam ko din naman na hindi magugustuhan ni Friendsis yun rivals nya kasi yun. So kaya dinedma nalang namin yung sinabi ko sa kanya.

-

Hillary: Hahaha dun pa lang ramdam na ni Wendy na may gusto sayo si Rain ano? So after that naging close ba kayo umamin na ba sya? Teka may gf nga pala siya. Yun ba si Gwen??

She already moved onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon