Reveal

10 1 0
                                    


Hillary:  Weirdo ng pag-ibig no. Pero for sure naguluhan lang si Rain. Hirap din kasi multuhin ng nakaraan. What he feel about Gwen is just about ng fallacies. I don't know ha. Again,,, di ka naman magmamahal ng iba kung di mo mahal yung nauna.

Wendy: Ay, agree ako jan sa sinabi ni Ating, Friendsis. Alam mo kasi minsan nalilito ang tao sa love and appreciation. Minsan akala mo, love mo na. Nappreciate mo lang pala yung mga ginagawa nya. So you get used to it na parang hindi mo kayang wala yon. But love is different. Love should be different. Unexplainable kasi yun.

Franchelle : Alam nyo kayong dalawa, may point naman kayo eh.

Hillary: yeah, so what happened? Kinausap mo naman ba sya? O what??

FRANCHELLE'S NARRATION

Of course di nya pa din naman ako tinitigilan eh. Pero kinausap ko na sya. Yun na siguro yung pinaka matinding pag uusap namin. I mean, hindi naman kami nag aaway or sigawan. Never naman namin yun ginawa. Matindi sya in a way na parang alam mo na ito na. Kahit saan man tutungo yung usapan eh handa ka na, handa ka na sa magiging resulta. Masakit man o masaya. 

Nag usap kami kamustahan muna ganun, actually sa lobby lang muna sa work kami nag-usap. Kaso ang awkward kaya lumipat kami sa tambayan. 

Pinakita  ko na lang yung text ni Gwen. Nanahimik sya habang binabasa nya. At hanggang pag katapos nyang basahin.

Tumahimik kami pareho ng ilang minuto. Walang may gustong magsalita. Hindi ko din gusto magsalita. Wala din ako masabi at pakiramdam ko parehas kaming hindi kayang magsalita.

Ako nalang bumasag ng katahimikan.

"Uwi na tayo, pagod nako. It such a long day. Pakiramdam ko kailangan ko ng pahinga." Ang malumanay kong sabi at tumayo na ko kinuha yung bag ko.

Hinatid naman ako ni Rain sa sakayan at niyakap nya ako ng mahigpit. Hanggang sa huli wala syang nasabi kundi "I love you."

I never replied, I never hugged him back. Sumakay nalang ako pauwi.

Pagdating ko sa bahay, wala akong nagawa ni hindi ko hinawakan yung cp ko. Nahiga na lang ako sa kama at nakatulog.  Kinabukasan pumasok na lang ako na late pa nga ako for the first time.

At syempre, inaasahan ko makita ko sya sa office. Kaso wala, nakaleave pala sya. Nakaleave sya ng di ko alam.

Nagfocus nalang muna ako sa trabaho. Hanggang sinabihan ako ng leader ko ng isang matinding balita na lalong nagpalugmok sakin.

"Franchelle! Mr. Tan, your biggest client, cancelled all his deals." Ang banggit ni Leader sakin at paulit ulit nag eecho sa utak ko.

Sobrang lugmok ko, kasi yun yung inaasahan kong deal na magpapasa sakin. Pag na close ko yun sure na sure na ko na promoted. Kaso wala 4 na deals ang nawala ng nag back out si Mr. Tan. At final na daw ang desisyon nya. Ang sakit, sobrang sakit nadagdagan lang lahat.

Sasabog na ko anytime, wala akong mapagsabihan. Kaya that time chineck ko na yung phone ko 10x na palang tumatawag sakin si Rain simula pa kahapon. Di ko din napigilan nag reply ako.

   "HUHU I HAVE A VERY BAD NEWS."
   -Franchelle.

Di sya nagreply, pero tumawag sya agad.

   "HEY!! Chelle, tell me ano nangyari?"
Pag alalang tanong ni Rain.

  "Diba sure na promoted na dapat ako? Isa na lang hinihintay. Yung kay Mr. Tan." Ang maluha luha kong sumbong sa kanya.

  "Oh, ano nangyari? " tanong ni Rain.

  "Nag back out sya... huhuhuhuhuhu." Hindi ko napigilan ang pag hagulgul ko ng malakas at sunod sunod parang nalugi.

   Hindi din naman nakapagsalita si Rain ng mga dalawang minuto.

  "Uy, Chelle... tama na wag ka na umiyak. Ayoko makita ka ng ganyan nadudurog puso ko. Chelleeee naman pls. I'm so sorry." Ang sabi ni Rain.

Umiiyak lang ako at hindi nagsasalita.

"Ikaw talaga, pagdating sa work iniiyakan mo. Pero kahit iwan ka ng ex mo di ka umiyak ng ganyan. May sayad ka talaga. Tigil mo na yan Chelle. I know how you work hard for it. Pero baka hindi yun yung for you or maybe not now." Ang sabi ni Rain habang sinusubukan nya akong patahanin.

Nagpaalam na ko at binaba ang phone para bumalik sa trabaho. Hinintay ko na lang matapos yung oras para makapag out.

Akala ko dahil hindi ako okay, pupuntahan ako ni Rain. Susunduin, at susuyuin ganun kasi sya. Pero nagbago na pala hindi ko alam yun na pala ang sign na ayaw na nya.

Nag-iwan na lang sya ng msg sa phone ko.

   "I'm sorry Franchelle, I am such  a jerk. Di mo deserve to. Di mo ko deserve, napakabuti mong tao. Di mo deserve masaktan. I'm sorry magulo ang utak ko."
    -Rain

    "Anong ibig mo sabihin??"
    -Franchelle

     "Inaamin ko na lahat ng kasalanan ko, nung panahon na akala ko di ka sigurado sakin. Na hindi ako ang pipiliin mo, nagdecide ako na dun na lang ako sa sigurado. Pinilit ko ulit na ligawan sya, pinilit ko ulit na maging okay kami. Alam na nga ulit ng family nya yun. Ayokong mapahiya ulit sa kanila at magalit ulit sila sakin. Kaya heto hanggang ngayon pinanindigan ko nalang sinabi ko. Kahit alam ng puso ko na mahal kita. Pero Franchelle, you deserve someone better. Pinapalaya na kita."
  -Rain

Sobra sobrang bigat ang nararamdaman ko ng araw na yun.
It is double whammy for me. Totoo nga sabi nila noh? "When it rain, it pours." Tangina naman eh!! Bakit ako pa? O sige kahit di nalang yon. Bakit ngayon pa?? Bakit sabay sabay? bakit kung kelan mag isa ako at wala ng makausap, makasama?? Walang masabihan.

Sobrang alone ko ng mga araw at oras na yon. Busy din kasi si Wendy nun.
At for the first time in the history, hindi ako pumasok. Umabsent ako ng araw na yon. Hindi ko kinaya yung lungkot, yung kirot. Para kong napaglaruan ng tadhana. Hindi pa naman ako marunong lumaban. Kaya hinayaan ko nalang lahat. Eto ang mahirap, pag masyado kang mapagbigay. Lahat pinaraya mo na sumaya lang sila.

Sige na! Deserve naman nila yon. Ang sumaya, siguro ako. Hindi.
Hanggang dito na lang ako. Pinilit ko naman. Wala talaga, mahirap ang pinipilit lang.

Buong maghapon akong iyak ng iyak ng araw na yon hindi nagchecheck ng cp kasi alam ko masasaktan lang ako. At for sure hahanapin nila ako ayoko din namang lumabas.

Hindi din ako kumain buong araw pakiramdam ko isusuka ko lang. Iyak lang ako ng iyak at walang kausap. Nakahiga lang hanggang makatulog tapos gigising muli. Tapos ganun nanaman. Paulit ulit buong araw.

_____________________

Hillary:  Nakakaloka, ganyan talaga noh pag nasasaktan. May kanya kanya tayong kabaliwan. So ano naman ginawa mo para maging okay? At ilang days ka hindi pumasok?

She already moved onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon