Valentines day

20 2 0
                                    

Franchelle's Narration

Umaga ng February 14 nagka yayaan kaming buong team mag inuman sa Casa. Linggo yun wala kaming pasok kaya game ang buong team. Lahat kami during that time broken hearted at si Rain siya ang pinaka bagong miyembro ng team Sawi. Si Rico naman siya ang nag-iisang hopeless romantic sa aming lahat.

Boss: Cheers! Para sa mga pusong sawi. Welcome to the club brader!!

All of us: Cheers!!! Para sa mga pusong sawi.

Nagpatuloy kami sa inuman nagkaroon ng iba't-ibang topic. Si Cloe at Aiko ang katabi ko. At katapat naman namin sina boss, Rico at Rain. At sa gilid naman yung iba. Mga isang oras lang itinagal ni boss at umalis na siya. Nagyaya na din akong umuwi kaso hindi nila ako pinayagan malapit lang naman daw ang bahay ko kaya hindi daw muna ako dapat umuwi agad. Kaya napilitan ako magstay at makipagkwentuhan sa kanila.

Cloe: Oy Rain! Bakit naman pala kayo nagbreak ng jowa mo? May iba na siya noh? hahaha.

Hindi naman nakasagot si Rain napailing lang siya sa sinabi ni Cloe. Nagkatinginan naman kami ni Rain at tinaasan ko siya ng kilay.

Rain: Oh bakit, Franchellang bansot??

Franchelle: CHE!! Shut up babs! haha. Ako alam ko kung bakit.... Hahaha. Beh!

Rain: Ano nanaman yun?

Franchelle: Eh kasi "Tang ina mo kasi!" Hahaha. Grabe makamura siya sayo noh?

Pangungulit ko. Nakainom na din kasi ako kaya medyo makulit na ako nun.

Cloe: Bakit Rain? Minumura ka ba ng Gf mo? Ay ex pala ha?

Rain: Ganun talaga yun mahilig magmura pag galit may pagkamaldita kasi yun.

Cloe: Eh gago pala yun. Bakit ka naman minumura, akala ko ba mahal ka niya? Dapat hindi ka minumura, dapat minamahal ka nya. Tama ba? haha isang tagay pa!

Makulit na rin nun si Cloe dahil mas lasing na siya. Kung broken kami mas malala naman si Cloe ilang beses na kasi siyang pinaasa ng iba't ibang lalaki hanggang ngayon wala padin siyang jowa. Masyado kasi siyang choosy at liberated.

Narinig naman nila Aiko at Rico ang usapan naming tatlo kaya nakisali nadin sila.

Aiko: Ay grabe naman pala yang jowawa mo. Diba may pinagaralan naman siya? Bakit ganun siya mag mura ang dumi ng bibig. Pakipaliguan at pakisabon hahaha.

Rico: Oo nga, brother! O di kaya pasuin mo ng kumukulong tubig haha.

Franchelle: Hoy Babs! Ang swerte mo samin mga kaibigan mo noh? Kinakampihan ka naman kahit sira ulo ka haha.

Mga lasing na kami kaya makukulit na. Ako nga namumula na nun.

Rico: Nagkausap na ba kayo Rain?

Rain: Oo tol, pero wala na talaga eh. Ayoko na! Nakakasawa na kasi brad. Yung ganung ugali. Hindi ko alam kaya ko pa ba.

Rico: Tama yan! Pabayaan mo na lang siya magenjoy na lang tayo sa pagka binata natin. At maghanap ng chicks. Cheers naman jan!!

Enjoy lang kami sa kwentuhan nun birthday din kasi ni Aiko kaya nanlibre din siya ng lunch.

After lunch time naman nag uwian na kami nakatulog din ako nun. Nagising ako hapon na. Pag gising ko nag text pala si Rain.

Happy Valentines day!
~Rain

Salamat! Sayo din happy valentines day.
~Franchelle

Psst! Bans. Ikaw nalang ka-date ko. Wala naman akong ka-date kaya no choice!
~Rain

Che! Tumigil ka nga Babs! I don't wanna have a date with you.
~Franchelle

Ang arte mo naman. Sige na, gusto ko lang naman mag unwind. I know naiintindihan mo ko in this situation. Parehas lang tayo ng pinagdadaanan.
~Rain

Bla.bla.bla!! Busy ako!
~Franchelle

Sayang naman. Nandito na ako sa labas ng apartment mo. Silip ka pa sa bintana eh.
~Rain

Pagkabasa ko ng text niya tumingin agad ako sa bintana. Pagsilip ko nandoon nga siya. May dala pang flowers. Pagtingin niya sakin nagsalubong naman ang kilay ko. At maya maya pa pinuntahan ko siya sa labas.

Franchelle: Ano to?? Bakit may paflowers flowers pa??

Rain: Eh Valentines kasi ngayon. Naiisip lang kita baka walang nabibigay sayo ng flowers kaya tanggapin mo na. Tska suhol yan para pumayag ka na makipagdate today.

Franchelle: K. Fine! Dapat chocolate na lang. Haha joke.

Rain: Ayan! Ang takaw mo talagang maliit ka eh noh di ka naman lumalaki at tumataba saan ba napupunta kinakain mo?

Franchelle: Sa toilet haha. sige wait lang magbibihis lang ako. Sorry hindi kasi pwede magpapasok ng lalaki dito kaya jan ka lang muna mabilis lang to.

Rain: Sige dito lang ako. Wait kita.

Umalis kami nun ni Rain nagpunta kami sa mall, kumain sa fine dining restaurant, nag videoke at ang mga kantahan namin puro pang sawi. Nung mga oras kasi na yun parehas kami ng pinagdadaanan. Sa mga oras na yun hindi namin pinaguusapan ang mga pinagdadaanan namin basta gusto lang namin makalimot. Nagshopping therapy kami. Bumili kami ng mga damit. Tinulungan ko siya bumili ng mga damit na bagay sa kanya at ganun din naman siya sa akin. Nanuod kami ng dalawang movies nung araw na yun. Hanggang inabot na kami ng closing ng mall. Pero hindi pa dun natapos kasi nagpunta kami sa food park sa tambayan namin. Hanggang 3am magkasama kami. Open field yung food park kaya nakikita namin yung mga stars. Nakatingin lang kami sa langit at nagstargazing habang kumain ng chips at ice cream. At nag uusap tungkol sa mga bagay bagay. Siya talaga tong makwento. Nung inaantok na ako umuwi na kami exactly 3am. Hinatid niya na ako pauwi samin.

Rain: Thank you for this day I enjoy this moment with you.

Sobrang antok ko pumasok na agad ako sa apartment at nagwave na lang ako ng kamay bilang pag papaalam sa kanya at sinara ko na ang gate. Kinabukasan pumasok kaming puyat 4 hours lang ang tulog.

.....

Hillary: Ayy hokage naman na pala! Dun palang hindi mo nahalata nanliligaw na siya sayo? hehe.

Franchelle: Ating, ayun na nga problema sa akin eh. Sobrang naive ko. As in hindi talaga ako nagbibigay ng motibo para sa akin wala lang yun. It's just a friendly date. It seems he needs someone to talk to. Who can understand him that's why sinamahan ko siya.

Hillary: Pero hindi pa siya agad umamin sayo??

Wendy: Hindi pa agad umamin yang si Rain kay friendsis. Alam mo bang inabot pa ng 2 months para makaamin tong si Rain?

Hillary: Ay, parang ang hirap naman ata nung itago.

Wendy: Correct!! Lalo na araw araw silang magkasama.

Hillary: As in? Totoo ba bebegirl???

She already moved onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon