Doomed

14 2 0
                                    

Napainom ng tubig si Franchelle at pinagpatuloy nya ang pag kwento.

Franchelle: Pero, bakit ganun. After and during that making love moment never nya sinabi na mahal nya ko. Hindi ko alam. Dun na ako simula masaktan.

Hillary: Masakit talaga yun bebegirl, parang iba lang talaga habol nya sayo ano ba yan.

Wendy: oo sobrang sakit nyan. Tangina!

Franchelle's Narration


Pero parang may mali kasi, parang may kulang.
He never tell me he loves me during those time. I was actually just waiting. Am I taken for granted, hindi ko alam.

When he decided to take a bath, naiwan ako sa sala and I saw his phone sa ibabaw ng cabinet. Hindi ko alam, pero there's an evil whispered me para pakelaman ko yung phone.

Nabasa ko yung msg, meron dun msg from unsaved number. Binasa ko.
Si Gwen pala pero si Rain yung una nag msg.

"Musta?" Text ni Rain

"Eto, maganda pa din. Haha, bakit miss mo ko?" Reply ni Gwen.

Yun lang nabasa ko pero nasaktan na ako. I mean hindi ko alam may contact na pala sila ulit. Nag uusap na pala sila ulit. Nilapag ko na ulit pabalik yung phone nya bago pa sya lumabas. Hindi ko na inopen up yung bagay na yon. Hinayaan ko na lang, kunwari wala akong alam. Kunwari wala akong nabasa kahit tangina ang sakit,

Tama nga sila the things you don't know wont hurt you. So hinayaan ko na lang, hinintay ko sya matapos maligo ihahatid nya ako pauwi samin. Nagtaxi kami papunta sa bahay ko pero bago pa umuwi dumaan muna kami sa fast food para kumain. Ang sweet nya pa nga nun, he kissed me sa forehead nung nasa loob kami ng taxi. Sobrang amo ng mga mukha nya. Mga mukha nya na parang akin na nga talaga sya. I mean, he seems so thankful for everything. But then, pinipilit ko maging okay. Pinipilit kong walang mali.

Pero after ng mga ilang araw hindi na sya nagparamdam. Naging parang busy na sya. Na hindi ko alam nagdadate na pala sila ulit ni Gwen. Nakita ko na lang sa mga post nya lalo na nung birthday ni Gwen nagcelebrate pala sila bahay ni Rain.

Nagpost sila ng pictures na magkasama at masaya sila. Actually hindi ko yun nakita agad, sinabi lang sakin ng isang friend namin. Hanggang sa chineck ko, totoo nga.

Bakit ganon? Ang gulo, naguguluhan ako. Nasasaktan na din at the same time. Gusto nya ba talaga ako? O Mahal nya ba ko? O si Gwen.

Nag post na nga ako ng status sa fb nun.
"You love me you like her, or should I say. You like me you love her. T_T "

Tangina naman, ang hirap lumaban. Lalo na kung hindi mo alam kung saan lugar mo. Ang sakit, sobrang sakit.

Mga ilang araw na din hindi ko sya pinansin. Hindi na ko umasa, feeling ko talaga wala na. Taken for granted na lang talaga ako. Hindi na ako aasa pa. After ng lahat hindi na nya ako kinausap ulit.

Hanggang sa nakita nya ko kumakain mag-isa sa pantry.

"CHELLE!!, Kamusta ka na?" Tanong ni Rain.

"Okay lang, ikaw kamusta na? Mukhang masaya ka na ha. Bilis mo makalimot." Tugon ko naman.

"Chelle, I'm sorry. . . . . Namiss kita. Can we fix it again?" Ang tanong ni Rain.

Ako naman si tanga, pumayag ulit. Mahal ko sya eh. So nagdate kami sa park, naglakad at umupo. Nag-usap, nakatulala sa ulap.

"Rain! Salamat. Salamat bumalik ka sakin." Ang sabi ko sakanya. At hinalikan nya yung mga kamay ko nung sinabi ko sakanya yun.

"Masaya ako pag kasama kita Chelle" ang sagot naman ni Rain.

"Simula ngayon di na ako matatakot, simula ngayon I take the risk. Rain, sa araw at oras na to. Tayo na! Tayo na ulit." Ang sabi ko sakanya sabay hinalikan ko sya sa pisnge.

Hindi umimik si Rain, nakatulala lang sya na parang nakokonsensya.

"Okay ka lang ba, Rain?" Ang tanong ko.

"Bakit ganun, Chelle? Diba dapat masaya ako. Pero bakit ganun? Hindi ko maintindihan. I'm sorry." Sagot naman ni Rain.

"Ayaw mo ba? Sige binabawi ko na." Ang sabi ko naman.

Hindi sya umimik kaya sabi ko "Tara na, uwi na tayo."

Hinatid nya na ako pauwi samin. So pag uwi nag pahinga muna ako. Hanggang nagtext ulit sakin si Gwen.

TANGINA! Sinasabi ko na nga ba, magkasama nanaman kayo. Alam ko naman eh. Huhu para ipaalam ko sayo Franchelle, nililigawan ako ulit ni Rain. Sabi nya ako na daw talaga. Sabi nya mahal nya pa daw ako. At sabi nya gagawa na kami ng baby at magpapakasal. Franchelle, wag mo na kaming guluhin pls. Pakiusap, madami pang magmamahal sayo. Palayain mo na sya. Wag mo ng habulin si Rain.
-Gwen

Nanlaki yung mata ko sa nabasa ko, at kumirot yung puso ko. Para bang, tangina! Ako ba naghabol? Nagmomove on na ko babalik pa sya? Grabe naman. Ang sakit nun, wala syang sinabi sakin about kay Gwen. Kaya pala hindi sya masaya nung sinabi kong kami na lang ulit.

_____________________

Hillary: obviously, Rain is territorial and confused at the same time. Maaring gusto ka nya at mahal ka nya, but you are not enough. Kasi nakatali sya sa magandang relasyon, pangarap, pagsasama at memories nila ni Gwen. Hindi naman ganun kadali mag let go.

Franchelle: Alam ko naman yun. Kaya nga handa akong bigyan sya nga time o palayain sya. Pero he can't have it all. Kailangan nya pumili.

Wendy: at.... hindi ikaw yun, friendsis.

Franchelle: Alam ko, ano bang laban ko sa 6 years? TANGINA. wasak na wasak na ko. Ang hirap sana na lang kasi ako una nya nakilala o hindi kaya hindi sya galing sa magandang relasyon. Sana niloko na lang sya nung babae para may galit sya at hindi na sya bumalik. Kaso hindi eh, sobrang mahal din sya ni Gwen. Alam kong mahirap ilet go yun. Kaya ako. Ako ang napili nyang ilet go. Sobrang sakit nun.

She already moved onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon