CHAPTER 15: DEAD

58.3K 2.5K 537
                                    

Chapter 15: DEAD

~VICTORIA~

MASYADONG ABALA ngayon sa coffee shop. Marami-rami rin ang pumunta rito kanina kaya kahit papaano ay nawaglit din sa isipan ko ang tungkol sa problemang kinakaharap namin. Nang malapit nang matapos ang shift ko kinagabihan ay napaupo ako matapos hubarin ang suot kong hairnet at apron.

"Haaay! Nakakapagod!" bulalas ng kasamahan kong si Aila. Umupo siya sa upuang nasa harapan ko at nag-inat. "Buti ka pa, kahit pagod ay hindi man lang naging haggard."

Simpleng ngiti lamang ang itinugon ko sa kanya at muli siyang nagsalita. "Kung mayaman lang talaga ako, hindi ako magtatrabaho rito! Hahay, magnakaw kaya ako?"

"Ano?"

"Joke lang!" wika niya at binato ako ng isang pirasong mani. "Pero kung hindi lang talaga ako makukulong, aba! Uunahan ko ang Lupin III sa pagnakaw dun sa mga ginto."

Napatingin ako sa kanya ng seryoso. "Alam mo ang tungkol sa kanila?"

Nalukot ang mukha niya. "Ano ka ba? Syempre, oo! Laman sila ng balita, 'di ba?"

Oo nga pala.

"Jusko, ang mamahal kaya nung mga ninakaw nila at eto pa ha, ang gagaling nila! Imagine, sa dami na ng ninakaw nila, hindi man lang sila nahuli!" tila humahangang wika niya. "Sana may makilala akong isa man lang sa kanila, magpapaturo talaga ako kung paano maging katulad nila."

"Gusto mong maging katulad nila?"

Dahan-dahang tumango si Aila. "In some way, oo. Kasi naman kahit magnanakaw sila, wala namang kahit sinong nasaktan, at hindi rin naman sila nandadamay ng mga tao."

Tama si Aila. Sa lahat ng mga proyekto namin ay wala pa kaming taong napinsala dahil iyon talaga ang gusto namin.

"At ito pa, Victoria, ayon sa lola ko, mas mabuti na rin daw na ninakaw nila ang mga ninakaw nila dati," wika niya sa mahinang boses at tumingin sa iilang mga customer na naroon. "Kasi, sabi ni lola, hindi naman talaga yung mga mayayamang iyon ang tunay na may-ari nun, eh. Ninakaw lang din nila, at what's worst ay pinatay pa nila ang mga tunay na may-ari."

Kahit alam ko ang tungkol doon ay nagkunwari akong nagulat sa sinabi ni Aila. "Ano? Totoo? Paano naman niya nalaman?"

"Kasi witness ang lola ko dati noong dalaga pa siya. Alam mo ba yung dyamanteng napakalaki na ninakaw dati sa pamilya Braganza? Nakita ng lola ko kung paano pinatay ni Manuel Braganza ang tunay na may-ari nun. Mahirap lang si Lola at kakampi ng mga Braganza ang pulis kaya dinala na lamang niya hanggang sa pagtanda niya ang karumal-dumal na krimeng iyon," wika niya at bahagyang nalungkot.

"Pasensya ka na, nalungkot ka tuloy."

"Okay lang, Victoria pero secret lang yun, ha?" sabi niya at tumango ako bilang tugon. "May customer oh."

Agad naman akong lumapit sa counter at hindi man lamang nag-abalang tingnan ang mga bagong dating na customer.

"Isang espresso at dalawang Americano please," wika ng isang customer na nakatayo sa harap ng counter. Nang magsalita ito ay saka pa lamang ako nag-angat ng tingin sa kanila. Maganda ang babae at napakaputi. May kasama siyang lalaki na medyo moreno ang balat at isa namang lalaking...

"Kukunin mo ba ang order namin o tititigan mo lang siya?" wika ng babae. Malambing ang boses nito ngunit may halong panganib. Hindi ko alam kung bakit ko naisip na mapanganib siya kahit na balingkinitan ang katawan nito. Maputi ang balat at tila isang hawak lamang ay magkakasugat siya.

"Stef, you're being rude again," wika ng kasama nitong lalaki na may morenong balat. Kaswal lamang ang tinging itinapon nito sa babaeng tinawag nitong Stef at sa isa pang lalaking kasama nila.

Catch Me If You Can (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon