Chapter 25: Forgotten
~VICTORIA~
Hindi mawala sa isipan ko ang tungkol sa huling misyon namin. Hindi ako lubos na naniniwala kang Mimo nang sinabi niyang wala siyang alam kung sino ba talaga ang nasa 'taas' ngunit wala rin naman akong makitang dahilan para itago niya iyon. Nagpapakahirap din si Mimo para sa Lupin.
Muli akong napasinghap at marahang tinanggal ang suot kong nameplate na may nakasulat na 'Victoria' Library Staff.
Victoria...
Hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni Margaret. Ang tungkol sa batang si Victoria na pinalaki ni Sherlock. Hindi kaya si Gia ang hinahanap niya? Naalala ko dati, sinasabi ng mga kapitbahay namin na magkaiba ang hitsura namin ni Gia kay Mama at Papa. Hindi rin kami magkamukha ni Gia. Pero ang alam ko ay tunay na anak nina Mama at Papa si Gia.
Naisip ko rin nang tingnan ni Margaret ang likod ko. Ano ang hinahanap niya?
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. May tattoo sa likod si Gia! Bata pa lamang kami ay napapansin ko na iyon sa tuwing sabay kaming naliligo! Mukhang mga letra na hindi ko mawari. Hindi ko iyon lubos na pinagtuonan ng pansin dahil nga bata pa lamang kami at nang lumaki kami ay hindi ko na nakikita ang likod ni Gia.
Nakapagpasya akong bisitahin sila pagkatapos ng trabaho ko ngayon. Umayos ako ng upo at sinulyapan ang malaking relo na nasa dingding. Mag-aalas tres na at iilan lamang ang nandito sa library ngayon. Bigla na lamang akong napatalon sa kinauupuan ko at nagkubli sa ilalim ng mesa nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Hay buti na lang wala 'yong instructor natin ngayon Math!"
Boses iyon ni Calvin. Boses na minsan ay sanhi ng kaligayahan ko ngunit ngayon ay nagdudulot lamang sa akin ng sakit at pagsisisi.
"Ano ba kasi ang hihiramin mong libro Jeremy?" boses ni Math.
"Kahit ano. Teka, alam mo ba kung anong time nakakawala ng stress?" tanong ni Calvin.
"Anytime!" sagot ni Math. "Jeremy, it's just a matter of time management. Syempre kapag poor ang time management mo at mahilig ka mag-cramming, nakaka-stress talaga but if it's otherwise, syempre anytime rin, hindi ka na-iistress.
"Ang dami mong sinabi Maya, eh mali naman! Syempre ang sagot 3'oclock."
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa tuhod ko habang nagtatago. Bakit ba palagi na lang ganito ang ginagawa ko kapag nandiyan si Calvin? Kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob na harapin siya?
"3'oclock? Bakit naman ganoon?" narinig kong tanong ni Math.
"Kasi ALA STRESS! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Napalakas ang boses ni Calvin at tinakpan ko naman ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko sa pagtawa. Mabuti na lang at wala ang librarian dahil malamang ay pinagalitan na sila.
"Ewan ko sa'yo! Iwan mo na nga 'yang library card mo at pumasok na tayo," wika ni Math. Nang marinig ko na ang mga papasok na mga yabag nila ay saka lamang ako tumayo at umayos ng upo.
Napabitaw ako ng isang malalim na buntong hininga. Sa sulok ng isipan ko ay nag-iipon ako ng lakas ng loob na harapin si Calvin at magkunwaring hindi na lamang siya kilala.
Alam kong kasalanan ko ang lahat. Espesyal si Calvin para sa akin at gayundin ako sa kanya. Ngunit sinira ko ang tiwala niya. Pinapasok ko sa bahay nila ang grupo nina Gia upang magnakaw.
Isa iyon sa mga bagay na lubos kong pinagsisisihan ngunit kahit anong pagsisisi man ang gawin ko ay hindi ko na maibabalik pa ang lahat ng mga nangyari.
BINABASA MO ANG
Catch Me If You Can (Completed)
Mystery / ThrillerSo you wanna be a thief? Here's how: √ Keep to the shadows √ Plan accordingly. √ Come prepared. √ Be a master of disguise. √ Take what you planned to take. √ Flee when needed. √ Don't fall in love with your mark. Catch Me If You Can (Detective Files...