Chapter 17: Math
~VICTORIA~
Masakit rin ang daplis ng bala na nasa paanan ko. Mabuti na lamang at hindi ako napuruhan kaya't nakapag-isip pa ako ng paraan upang mapaniwala si Detective Sean na sa braso ako natamaan. At sa kabutihang-palad ay nangyari ang naisip ko. Sumugod siya kahapon sa coffee shop sa pag-aakalang sa braso ako natamaan.Kahit na nakalusot ako roon ay alam kong hindi niya ako tatantanan. Ewan ko ba sa kanya kung bakit mainit ang dugo niya sa akin. Marahil ay dahil kay Sa-el. Iniisip niyang may relasyon kami ni Sa-el kaya iyon marahil ang ayaw niya. Para sa kanya, walang ibang nababagay kay Sa-el kundi si Suzy, ang kanyang kapatid.
Natatawa ako kapag naiisip kong may relasyon kami ni Sa-el. Kaya lang naman palaging nakabuntot iyon sa akin ay dahil natatakot siyang gumawa ako ng bagay na ikakapahamak namin. May pangalan siyang iniingatan kaya kailangan naming mag-ingat para na rin sa kanya.
Hindi ko pa rin lubusang maisip ang nangyari nang gabing iyon. Bago pa lamang ako dumating ay may tama na ng baril ang pulis sa ulo at nakasentro pa sa kanyang noo. Kung sino man ang gumawa niyon, marahil ay isa siyang mahusay na sniper. Ngunit hindi kaya sinadya ni Detective Sean ang bagay na iyon upang i-frame up ako?
Kahit tila tunay ang kanyang gulantang na reaksyon, hindi ko pa rin maiwasang magduda. Paano na lamang kung desperado na talaga siyang mahuli ako kaya ginawa niya iyon?
Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ako ng malakas na tapik sa mesang pinupunasan ko.
"Hindi ka pinapasweldo rito upang tumunganga!"
Napaangat ako ng tingin sa nagsasalita. Iyon ay ang manager ng coffee shop. Nakapameywang na nakaharap siya sa akin habang kinikilatis ako mula ulo hanggang paa.
"Hmmm. Wala naman sa hitsura mo pero aba! Ganyan ang modus ng mga tao ngayon," wika niya. "Nakarating na sa akin ang nangyari kahapon."
Hindi na ako nagsalita pa. Ano pa ba ang sasabihin ko? Normal na iyon dahil may pakpak ang balita. Yumuko na lamang ako sa harap niya at humingi ng paumanhin.
"Pasensya na po."
Inilapag ng manager sa harapan ko ang isang sobre. "We need to do something about it. Pasensya ka na, Victoria, ngunit nais ng main na paalisin ka sa trabaho."
Tango at buntong-hininga lamang ang isinagot ko. Sa isang bahagi ng utak ko ay nag-iisip ako ng mga pwedeng pag-apply-an na trabaho. Magiging mahirap iyon sa akin dahil wala akong pinag-aralan. Hindi naman sa literal na walang pinag-aralan. Ang ibig kong sabihin ay hindi ako pormal na pumasok sa isang paaralan upang matuto.
"It may not be true ngunit lumikha iyon ng masamang impresyon para sa coffee shop," wika niya. "See? Konti na lamang ang narito."
Hindi iyon totoo. Kapag ganitong oras ay ganito talaga ang bilang ng mga customers. Kinuha niya ang sobre at inilagay iyon sa kamay ko.
"Pasensya na talaga," wika niya at tumalikod. Nang makalayo siya ay ilang segundo kong tinitigan ang sobre sa kamay ko bago bumalik sa counter.
Naiintindihan ko ang ibig nilang sabihin kaya hindi ako nagpumilit pa. Sinalubong ako ng isang kasamahan ko.
"V, okay ka lang ba?" tanong ni Mary.
Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Ayos lang ako."
"Pasensya ka na, ha? Maliban sa ini-report ka ng guard, may CCTV eh," wika niya at hinawakan ako. "Ano na ang plano mo ngayon?"
"Maghahanap ng ibang trabaho."
"Pasensya na talaga," wika niya at napayuko. Maya maya ay bigla siyang napatingin sa akin. "Sa tingin ko ay may maitutulong ako!"
BINABASA MO ANG
Catch Me If You Can (Completed)
Mystery / ThrillerSo you wanna be a thief? Here's how: √ Keep to the shadows √ Plan accordingly. √ Come prepared. √ Be a master of disguise. √ Take what you planned to take. √ Flee when needed. √ Don't fall in love with your mark. Catch Me If You Can (Detective Files...