Chapter 19: Que (Part 2)
~SA-EL~From my peripheral vision, I saw V clenched her jaw. Kung ibang pagkakataon ay malamang nasapak na niya ang lalaking ito. But not now. I saw how she held and controlled herself. Naramdaman ko ang pagkuyom ng kamao ko ngunit kinalma ko ang sarili. Sasagutin ko na sana si Fabio na hindi maari ngunit naunang magsalita ang hacker.
"Everything has no exceptions. You'll have the girl and we will close the deal." Umupo siya na nakadekwatro, while his hands were stretched to his side with slyness.
"No—"
"Sounds good."
I saw Mimo who was about to protest at napatayo rin ako. I punched the table real hard ngunit wala sa akin ang atensyon ng lahat kundi nasa hacker.
"But since stakes are that high, let's change the game rules. Everyone out except the two of you, me and the stakes."
"Ayokong malayo ang aso ko—"
"You mean the dog with the spy camera?" wika niya at inabot ang suot na collar ng aso.
"H-hindi ko alam kung bakit merong ganyan diyan!"
Tumayo ang hacker at lumapit sa mesa. He picked a poker card and raised it. "Poker is a game of skill and luck. In your case, you've got skills in cheating and all these time you've been lucky dahil hindi ka nila nahuhuli. Your luck ends here. Rely on your skill. I want this to end fast so you two play three-card brag instead of poker."
Nanlaki ang mata nina Mimo at V. Is that hacker trying to mess up our plan? Three-card brag? The hell. Alam namin kung paano nandadaya si Fabio sa poker, how could he change the game right now especially V is at stake?! And without OUR consent!
"No! Hindi ako papayag!"
Hindi nila ako narinig. Inutusan ni Fabio na lumabas ang lahat maging si Mimo na dala-dala ang aso ni Fabio. Alam kong nagtatalo rin ang kalooban niya kaya binabato niya ng masamang tingin ang hacker na pinaglalaruan sa kamay ang isang poker chip. Ibinaling ko ang paningin kay V. Mula sa kaninang gulat na ekspresyon ay wala na akong mabasang reaksyon sa mukha niya.
"I will deal to be fair," wika ng hacker. Humakbang siya patungo sa isang rack na naglalaman ng maraming hindi pa nabubuksang mga baraha. Nang mapansin niyang nakatayo pa rin doon ang magandang babaeng kasama niya ay pinasadahan niya ito ng tingin.
"Get out, Mnemosyne," puno ng autoridad ang boses nito. So her name is Mnemosyne. Wow, she's named after the goddess of memory. Is that even her real name?
"Apollo, alam mong—" she stopped the moment the hacker glared at her. Alright, nakokontrol niya ang mga tao sa pamamagitan ng tingin niya. Not me neither V. Lumabas si Mnemosyne matapos na libutin ng tingin ang loob. "I will stay behind the door."
Nang masara ang pinto ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako at natatakot. Ayoko na ring isipin pa kung ano ang mga posibleng iniisip ni V. She's at stake and I know right now she's in turmoil.
"Ang usapan ay usapan," Fabio said and rubbed his palm together na tila ba nasasabik na siyang manalo. Panay rin ang labas ng dila niya habang nakatingin kay V. Hindi naman iyon nagustuhan ng huli kaya niyakap nito ang sarili at inayos ang coat na suot. Damn, I'll roast this pig later!

BINABASA MO ANG
Catch Me If You Can (Completed)
Mystery / ThrillerSo you wanna be a thief? Here's how: √ Keep to the shadows √ Plan accordingly. √ Come prepared. √ Be a master of disguise. √ Take what you planned to take. √ Flee when needed. √ Don't fall in love with your mark. Catch Me If You Can (Detective Files...