Chapter 22: INTRODUCTION

53.1K 2.2K 611
                                    

Chapter 22: Introduction

~VICTORIA~

Natapos ko na ang pang-umagang rounds ko upang suriin ang kabuoan ng library. Maaga pa lamang at wala pang estudyante sa loob. Bumalik ako sa pwesto ko at umupo sa high chair na nasa dulong bahagi ng library kung nasaan ang counter na pwesto ko. Sa entrada ng library nakapwesto ang librarian samantalang nasa dulo naman ako. Inilabas ko ang librong kinuha ko sa shelf kanina upang basahin. Tungkol sa public speaking ang libro at hindi ko alam kung bakit iyon ang napili ko.

Maya maya lamang ay may mga estudyante nang pumasok sa loob ng library. Nakasubsob sila sa kani-kanilang mga pinag-aaralan kung kaya't manaka-naka lamang ang pagsulyap ko sa mga naroon at itinuon na lamang muli sa aklat ang atensyon.

Bigla na lamang akong nakarinig ng pamilyar na boses na naging sanhi kung bakit napababa ako mula sa kinauupuan ko at nagtago sa ilalim ng counter. Malakas ang kabog ng dibdib ko lalo na't narinig ko ang paghila ng upuan mula sa 'di-kalayuan ng pwesto ko.

"Mababaliw na ako sa Trigo, Maya," narinig kong himutok ni Calvin. Mahina lamang ang boses niya ngunit dahil nasa kalapit na mesa lang sila ay dinig na dinig ko sila.

"Ano ka ba, Jeremy? Pansit lang kaya ang Trigo," sagot ng kasama niyang si Math. Aba? Bakit tunog nagmamayabang siya sa pandinig ko?

"Pansit nga pero mala-alambre sa tigas! Ayoko na! Titigil na ako sa pag-aaral, mag-aasawa na lang ako— oops! Wala nga pala akong girlfriend! Hahahahaha!" Eh? May nakakatawa ba kung wala kang girlfriend? Buti nga na wala siyang girlfriend!

"Why did you take Chemical Engineering then? Sana ay mechanical na lang din para magka-block tayo," wika ni Math. Hindi ko alam bakit hindi ko mapigilang ipaikot ang eyeballs ko dahil sa sinabi niya. Nahahawa na yata ako sa madalas na gawin ni Amber.

"Ayaw ko. Nakakasawa ang pagmumukha mo."

Bigla na lamang akong nakarinig ng tunog ng paghampas. "Ang sama ng ugali mo," wika ni Math.

"Ang sama ng mukha mo!"

"Che!"

"Che ka rin!"

"Saba!" wika ni Math na ikinakunot ng noo ko. Ano raw?

"Saba ka rin!" sagot ni Calvin. "Teka, ano ang saba?"

"Ibig sabihin no’n mabait ka," natatawang wika ni Math. Malaki ang hinala ko na hindi iyon ang ibig sabihin ng salitang sinabi niya.

"Ah, saba nga ako," sabi ni Calvin. "Teka, pinagloloko mo yata ako, Maya, eh! Alam ko kung ano ‘yang saba!"

"Ano?"

"Island yan! Dating pinag-agaw— Aray!" Isa na namang tunog ng paghampas ang narinig ko. Teka, binubugbog ba niya si Calvin? Aba, hindi ko nga siya halos pinapadapuan ng lamok, tapos parang lamok lang siya kung hampasin ni Math?!

Catch Me If You Can (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon