CHAPTER 12: CAUGHT

46.6K 2.2K 284
                                    

Chapter 12: Caught

~VICTORIA~

"You're not getting away," wika ng isang boses na ikinagulat ko ngunit saglit lamang at agad na pinalitan ng ngiti ang pagkagulat. Ang mga tulad ko ay madaling palitan ang reaksyon dahil bahagi iyon ng pagbabalat kayo. Mas madaling makita ng tao ang tunay mula sa reaksyon.

"Anong sadya mo?" tanong ko sa kanya at sinubukang kumawala mula sa pagkakahawak niya ngunit sa ginawa ko ay mas lalo lamang na hinigpitan ni Gray ang pagkakahawak. Oo, si Gray nga.

"The shroud that you steal," sagot niya at hinila ang buhok ko at napansin ko ang tila kakaibang ngiti niya nang matanggal ang suot kong wig. Ang ngiting iyon ay nagsasabing alam na niya ang mangyayari bago pa man niya hinila ang buhok ko. Nag-iba rin ang ngiti niya na para bang may naalala siya.

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon at agad na ngumiti kasabay ng pagsipa ko sa tuhod niya, dahilan upang mabitawan ako. Agad akong pumasok sa kotse at tinangkang isasara ulit ang pinto ngunit isang kamay ang pumigil doon.

"Not that fast," wika ng isang baritonong boses na nagmamay-ari ng kamay na nakapigil sa pinto. Ang boses na iyon ay sapat upang saglit akong matigilan na sinamantala naman nito at hinila ako palabas ng kotse. Hindi ko alam kung malakas nga ba ang taong iyon o sadyang nanghina lamang ako nang marinig ko ang baritonong boses nito.

"What's with this girl, Gray?" tanong niya kay Gray at saka lamang tila bumalik ang katinuan ko at nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak niya. Mula sa pagkakatingin kay Gray ay lumipat sa akin ang kanyang tingin. Perpekto ang hubog ng mukha nito. Matangos ang ilong at mapula ang labi na nakakalokong ngumisi. Lumipat ang tingin ko sa mga mata niyang maitim at kung makatingin ay tagos hanggang kaluluwa. Masama ang tinging ibinabato niya sa akin at sapat iyon upang mapatigil ako sa pagpupumiglas.

"She stole something from the museum but that's not the case. We are tracking her, not Amber," sagot ni Gray at napansin ko ang kakaibang reaksyon ng lalaki. Nanlaki ang pares ng itim nitong mga mata ngunit ilang saglit lamang ay naging normal na iyon.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng lalaki kay Gray.

"Amber is not here but it's possible that she knows where Amber is," sagot ni Gray at hinawakan ako sa pulso. "Alam mo ba kung nasaan si Amber?"

"Hindi ko alam! Paano ko naman malalaman kung nasaan siya. Kayo ang magkaibigan, 'di ba?" wika ko at bahagyang sinulyapan siya. Hindi ako komportable sa presensya ng isa pang lalaki sa tabi ko. Ilang pulgada lamang ang tangkad niya sa akin at nakikita ko ng maigi ang ekspresyon ng mukha nito.

"So you really don't know where she is?" panghuhuling tanong ni Gray.

"Ang kulit din ng lahi mo, ano? Sabi nang hindi ko alam kung nasaan siya eh! Dapat kayo ang nakakaalam-" sagot ko na agad naman niyang pinutol.

"You're lying. You know where she is. You could just simply say no without being so defensive. Your pulse is irregular, too. I just did a basic lie-detecting technique."

Pilit kong iniignora ang tingin ng isa pang lalaki. Ramdam ko ang init ng palad niyang nakahawak nang mahigpit sa braso ko. Sa halip na maging apektado ay hinarap ko na lamang si Gray.

"Hindi ko sabi alam kung nasaan siya eh! Hanapin niyo na lang kaya siya sa halip na-"

"So paano, ihahatid na ba natin siya sa presinto?" wika ng isa pang boses. Agad ko naman itong nakilala. Iyon ang lalaking kasama ni Amber nang minsang tinulungan ko sila sa bangko. Ano nga ba ang pangalan niya? Zy- Zywon. Tama, Zywon ang pangalan niya.

Binuksan niya ang kabilang pinto at inilabas ang telang dala ko kanina. "Wow, you managed to get this? Hindi ba ito naka-frame at nakalagay sa loob ng glass case?" tanong nito.

Nais kong paikutin ang mga mata ko ngunit pinili kong huwag magsalita. Napipikon ako sa pag-iingles ni Amber sa bahay ko ngunit mas nakakapikon ang pag-iingles ng tatlong ito. Wala ba silang pagmamahal sa sariling wika?

"I guess she unscrewed the frame beforehand. So as the glass case, probably she made some manipulations. Napansin ko kanina ang mga maliliit na dents sa case. It were so small that you will never notice unless you closely examine it," sagot ni Gray at kahit na napipikon ako sa pag-iingles niya ay hindi ko maiwasang mamangha. Tama ang sinabi niya. Bago pa magsimula ang exhibit ay tinanggal na ni Sa-el ang mga screw ng frame at pinutol iyon. Pagkatapos ay ibinalik niya ang mga ulo ng screw upang magmukhang naka-screw pa rin iyon mula sa paningin ng mga tao.

Dahil ang feature lamang ng burglar alarm ang meron kami, kailangan naming gumawa ng ilang paraan upang mabuksan ang glass case. Marahil ay napakahusay ng paningin nito upang mapansin ang mga napakaliit na marka mula sa glass display.

"Victoria, kailangan naming malaman kung nasaan si Amber. Jeremy's life is at stake."

"Hindi ko sabi alam kung nasaan si Amber," pagsisinungaling ko. Una nang ibinilin ni Amber sa akin na kailangang walang makakaalam ng plano namin.

"You know you're an excellent thief but not an excellent liar," sabi ni Gray.

Aba! Ito marahil ang madalas na sinasabi ni Sa-el sa tuwing may bago siyang babae. Soulmate. Soulmate niya ang isang tao kapag sa ilang bagay ay may mga pagkakatulad sila. Kung gayon ay soulmate nga sila ni Amber. Nasabi na rin niya sa akin ang katulad niyon. "Parehas pa kayo kung magsalita," bulong ko at hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Gray.

"Alam kong nanatili siya sa bahay mo the past days. At kung nasaan man siya ngayon, we need to talk to her and plot a plan to save our friend," pagsusumamo niya. Puno ng sinseridad ang kanyang boses at alam kong nag-aalala siya para sa kaibigan.

Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Sige na nga! Papunta siya ngayon doon upang iligtas si Calv-Jeremy." Oo nga pala. Jeremy. Mas kilala nila si Calvin sa pangalang Jeremy dahil mula nang pinapasok ko ang kaibigan kong kapwa magnanakaw sa bahay nila, Jeremy na ang nais niyang itawag sa kanya na mula na rin sa pangalan niyang Calvin Jeremy Martinez.

"What?" gulat na bulalas ni Gray at napatingin sa mga kasamahan. "Sabi niya hindi na niya mahihintay na mailigtas si Jeremy kaya gumawa na siya ng sariling plano."

"And what is that?" tanong ng lalaking hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa braso ko. "She'll be caught. That place is fully secured with alarm system and CCTV cameras. She should have asked us to manipulate their footage or crash their system."

Bahagya akong natigilan nang marinig ang sinabi ng lalaki. Iyon din ang madalas sabihin ng... Hindi. Hindi iyon posible. N-ngunit hindi nga ba?

"Sigurado ka ba?" paninigurado ni Gray.

Tumango ako bilang tugon at agad namang tumakbo si Gray patungo sa isang sasakyan. Ganoon din ang ginawa ng lalaking nakahawak sa akin ngunit isang matalim na tingin ang iginawad nito bago ako binitiwan. Hindi naman ako nag-aksaya ng panahon at agad na pumasok ng kotse at ini-lock ang lahat ng pinto. Gaya ng inaasahan ko ay bumalik si Gray sa akin ngunit mabilis na pinaharurot ko ang kotse paalis doon bago pa niya ako isuplong.

Tinanaw ko sila mula sa sidemirror ng kotse. Malakas ang kutob ko na marahil ay SIYA nga iyon.

#

Catch Me If You Can (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon