CHAPTER 15-Shopping with MY LOVE and HIS FIANCÉ

5.9K 98 16
                                    

jebemonster:hindi sana ako mag-uupdate kaso, sobrang kinukulit ako ng bestfriend ko, kasi kahapon lang niya nabasa tong story ko na to... hahahaha kalurkey yung babaeng yun...hindi ako tinantanan kala mo naman ang daling gumawa ng update kung wala ka sa mood.hahahaha

kaya kung lame po yung update..ito ay dahil sa medyo pilit at wala pong mood si writer na gumawa hahahahaha...bahala na po kayo..oh siya basa na!

**************

CHAPTER 15

Dumating kami sa mall. Lumabas si Darius ng sasakyan at naglakad na papasok ng entrance ng mall. Hindi niya kami pinansin ni Chrizza eh di hindi rin namin siya pinansin…

Bumaba kami ni Chrizza mula sa sasakyan ni Darius at kami ang nagsabay na naglakad. Eh kasi, kami naman talaga ang magkasama, sabit lang tong si Darius eh… ano naman ngayon ang alam nun sa shopping? Pssh at least ako, kahit hindi ako mahilig sa shopping babae ako,  natural sa isang babae ang sense ng shopping hindi na kailangan ng mastery.

So pumasok narin kami ni Chrizza sa loob ng mall. Si Darius? ewan kung nasaan na… malaki na yun hindi na yun maliligaw…

“Janica hindi mo ba tatanungin kung bakit ko napapayag si Darius na pumunta dito?”-biglang tanong sakin ni Chrizza habang naglalakad kami at nagtitingin tingin ng kung anu-anong palamuti sa katawan.

“Sino naman ako para itanong yun?”-tama naman diba? Eh ano naman kung susundan ni Darius ang fiancé niyang magshopping? Hindi ko naman na kailangang tanungin yun… at mas lalong wala akong karapatang malaman. (hindi ako bitter----medyo lang)

“you’re not interested to know ah? okay eh di hindi ko nalang sasabihin”-then pinagpatuloy nalang namin ang pagtingin-tingin…..honestly gusto kong malaman, pero as I said…huwag nalang…wala akong karapatang malaman..tsaka mamaya masaktan pala ako sa malalaman ko

“Janica you should wear something like this, ang cute oh bagay sayo”-tapos itinapat niya sa tenga ko yung isang pair ng earing sa sobrang laking pabilog na kulang nalang ng lorong lumalambitin..

“I don’t wear those kinds of stuff”-ang totoo niya hindi ako ma-accessories na tao, ewan nabibigatan ang katawan ko. Wala nga akong earrings na suot eh, kasi, nangangati yung tenga ko… basta I don’t feel comfortable wearing accessories roaming around…hindi ako makahinga…feeling ko maiistop ang daloy ng dugo ko…

“tsk, sayang ang ganda mo sis kung kung ayaw mong dekorasyonan yang gandang yan? Hay ewan ko nalang”-ako? maganda? Tignan niya kaya muna mukha niya sa salamin at maidentify niya kung ano ang ibig sabihin ng maganda

“eh sa ayoko ng mga kung anong palamuti na nilalagay sa katawan, actually marami akong ganyan sa bahay, regalo ni mommy at ng mga tita ko pero hindi ko ginagamit, pangdisplay lang sila sa kwarto ko”

“Ahy sayang naman, naluluma nalang ng hindi nagagamit…I’m sure mahal yung mga yun”

“Tsk mahal nga eh, kaya nga dinidisplay diba para at least nagiging colorful yung kwarto ko? Oh eh di may pakinabang parin, tsaka para naman hindi maoffend yung mga nagbibigay, siyempre ina-accept ko parin”

YOUNG DAD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon