CHAPTER 54 part 1-The Doll's Secrets

4K 63 13
                                    

jebemonster: hahaha tinapos na ko na manonood na ako ng Xfactor. HAHAHAHA tuloy ko mamaya yung part 2

**********************************************

CHAPTER 54

Nakatitig ngayon si Janica sa mataas na gate ng bahay nila. Hindi pala. Sa bahay ng mga magulang niya, matagal na pala nila itong kinalimutan at itinakwil.

“Ma, are you sure about this?”-tanong ng asawa niya habang tinigtignan siya. Nakasandal siya sa bandang harapan ng kotse.

“may kukunin lang ako”-sagot ni Janica nang hindi linilingon si Darius “and this is the time to face them”

Naglakad si Janica paunta sa gate at pinindot yung doorbell. Sumunod naman si Darius sakanya.

Bumukas yung gate

“Ma’am Janica?”-parang nakakita ng multo na ang security guard nila.

“Nandiyan po ba sila Dad?”-tanong ni Janica dun sa security guard na hindi parin nakakabawi sa pagkatulala.

“Opo Ma’am nasa loob po sila”-sagot ng guard kay Janica saka niya ini-uwang yung gate para papasukin sila.

Pumasok si Janica, nakasunod naman si Darius sakanya.

Hindi sigurado ni Janica ang dahilan kung bakit gusto niyang bumalik ngayon sa bahay nila, sinabi nalang niyang rason kay Darius na may importante siyang kukunin kahit sa totoo wala naman.

Napatigil muna si Janica sa harap ng main door ng bahay habang nakahawak na siya sa doorknob ng pintuan.

Huminga muna siya ng malalim saka niya niya tuluyang binuksan yun.

Bago siya pumasok, nilingon muna niya si Darius, ngumiti lang ang asawa niya, with the assurance that he’ll never leave her and that he’ll always be there.

Hinawakan ni Darius ang kamay niya at sabay silang pumasok.

Walang tao sa living room, wala ring tao sa kitchen.

Tinungo muna ni Janica yung hagdan papunta sa dati niyang kwarto, nakaalalay lang si Darius sa paghawak parin ng kamay niya.

Pagkapasok nila sa kwarto, pinagmasdan lang ni Janica ang kabuuan ng kanyang dating kwarto.

Walang nagbago dito, yung huling ayos kung paano niya ito iniwan noong debut party niya, ganun parin. Walang nabawas sa mga gamit niya, sa perfume collection niya, yung mga gamit sa side table niya, sa study table niya, kumpleto parin.

“Ma, ano ba yung importanteng kukunin mo?”-biglang natanong ni Darius, napansin kasi niyang parang hindi naman naghahanap si Janica ng kung anong bagay. Tahimik lang siyang nagmamasid sa kwarto niya.

“H-Huh? A-Ah Ano teka hahanapin ko pa”-Janica said in a baffled way and she acted like she’s really finding something.

Then something caught her attention. Linapitan niya ito.

“kaya pala hindi ko kayang itapon to?”-nabulong ni Janica sa sarili habang hawak na niya ang isang manika.

“Yan ba yung kukunin mo?”-tanong ni Darius kay Janica

“H-huh? O-oo”-napaoo nalang si Janica, papalabasin nalang niyang yun talaga ang kukunin niya.

“you came back here for a doll Ma?”-parang matatawa naman si Darius sa asawa.

YOUNG DAD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon