CHAPTER 56-taking back

4.5K 67 17
                                    

jebemonster; patawad po kung sobrang natagalan yung update... ang dami ko po kasing kachuvachuchuan sa buhay hahahahaha!!!! eto na basahin nalang. magulo po yong update na to.. parang kasi pati ako nawawala sa sarili kong story hahahaha... THIS MAYBE THE PRICE TO PAY FOR NOT HAVING A STORY PLOT! hahahahahahaha pakibatukan ako please! hahahaha

********************************************

CHAPTER 56

Irene’s POV (w/n: sa mga matataas ang blood pressure, pag-isipang mabuti kung itutuloy pang basahin hahaha)

Para klaro na sa lahat. Isa akong anak sa labas.

Anak ako ni Benjamin Cajigal sa dati niyang personal assistant na si Lenny Santinez.

Sila naman talaga dati ang magkasintahan, o mas magandang tawagin na lihim na magkasintahan. Dahil si Benjamin, may ipinagkasundo sakanya, at nakatakda na niyang pakasalan. Oo Benjamin, I don’t call him with respect, hindi siya ang nagpalaki at nagpakain sa akin sa loob ng labing walong taon, kaya wala siyang karapatan makatanggap ng respeto ko.

Galit ako sa pamilya niya. Lalo na sa mga anak niya. Lalo na kay Janica.

Masasabi man na ang bata ay wala pang muwang, pero hindi ko makakalimutan ang nakaraan kung paano naipamukha saakin na kahit ako ang mas naunang naipanganak, ako yung walang karapatan na mabigyan ng buong kalinga at atensyon, anak ako sa labas eh... Ako yung naunang anak ng tatay kong si Benjamin, pero parang ako yung nagmukhang umaagaw, dahil siyempre anak ako sa labas. Nakakagago lang isipin na kahit mas mahal niya ang nanay ko, mas pinili niya ang nanay ni Janica, dahil dun hindi siya mapapahiya at bababa ang tingin ng tao sakanya, kasi sino nga lang ba naman ang nanay ko? Di hamak na personal assistant lang.

Janica has been a sister to me before, but I don’t know what happened. Bigla nalang siyang nakalimot. Akala ko pa naman nun, siya yung magiging kakampi ko. But what to expect?? Siyempre magmamana yun sa tatay at nanay niyang matapobre.

Ang pinakamasaklap sa lahat, ay nung nagkasakit ang nanay ko ng lung cancer, nagkaroon kasi siya ng bisyo nun na paninigarilyo, madalas din maglasing sa gabi, bagay na tinatago niya sakin. Pag nag-umaga na kasi dati, makikita ko nalang yung mga bote ng alak na nagkalat sa kwarto niya, kasabay nun ng pag-labas niya papunta sa opisina.

My Mom was a strong woman. Hindi niya pinakita saakin na nahihirapan siyang igapang akong mag-isa. I never saw her cry. Ni hindi niya siniraan saakin ang tatay ko. Parang pinalabas niya na isang malaking pagkakamali ang nangyari sakanila, ngunit hindi niya kailanman pinagsisihan na ipinanganak niya ako. At lahat ng yun, naging dahilan ko para mas kamuhian ko pa si Benjamin. Wala siyang karapatang ipagtanggol ng nanay ko, knowing the fact that he left us, and backed off from his responsibility to me. At alam niyo kung anong masakit? Nung namatay ang butihin kong ina... Umasa ako nun ng kahit konti, na baka mabalitaan niya at kahit masilip man lang yung babaeng minsan ay minahal siya... Pero ni anino niya hindi nagparamdam... Sino nga lang ba naman kasi ang nanay ko? Isang lang namang dakilang alalay na naanakan niya... At... Sino nga lang ba ako? Isa sa mga nakakahiyang pagkakamali niya.

Pinangako ko sa sarili ko, na darating yung araw, makakaganti din ako...

***************

“so kumusta naman ang Vrand?”-pangungumusta ko sa kaibigan kong si Leila

“Gosh Dear!!!! Can you believe it? The handsome guy I’ve mentioned to you na nakatabi ko sa plane when I went home from America, classmate ko siya, seatmate ko pa! Yiiiiiiiiiii grabe, na-love at first sight kaya ako dun”-pagkukwento naman ni Leila sakin. Nasa isang cake house kami malapit lang sa Vrand University na pinapasukan niya.

YOUNG DAD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon