.1

6K 115 30
  • Dedicated kay Sungnee Kim
                                    


.1


"Sigurado ka bang kaya mo? Iba ito sa mga madalas mong gawin." 

"I can handle" 

Tinignan niya ito ng matagal. Alam na niya na sa simula pa lang ay may iba na sa bagong misyon na ibinigay at sa totoo lang ayaw niyang ipagawa ito sa kanya dahil alam nyang hindi maganda ang magiging resulta pero wala siyang magagawa dahil utos ito ng nakatataas. 

Bumuntong hininga lamang ang matanda.  Ang tanging kaya nyang gawin ay ipagdasal na hindi mangyari ang kanyang mga kinakatakutan. Tinignan muli ng matanda ang binatilyo.

"Bibigyan kita ng sampung linggo. At sa oras na hindi mo pa natapos ang iyong misyon sa takdang araw ay magpapadala na ako ng ibang tatapos ng misyon. Ako ba'y naiintindihan mo?"

Natawa ang binata sa sinabi ng matanda dahil sa kayang kaya niyang tapusin ang misyon na ito na wala pang sampung linggo. Hindi na niya pinatulan ang mga sinabi ng matanda dahil alam ng binata na sa larangang kanyang tinatahak.. siya ang pinaka kinakatakutan. 



***


Hindi ako halos nakikinig sa klase dahil sa mas naririnig ko pa ang protesta ng aking tiyan kesa sa sinasabi ng aking Professor. At pabalik balik rin ang tingin ko sa aking relo dahil sa mga oras na ito ay gusto ko ng takbuhin ang school cafeteria dahil sa gutom.

Pero laking tuwa ko naman ng maaga kaming i-dismissed ni Professor Castillo. Halos hindi ko na pinapansin ang mga nakakasalubong ko dahil sa mas gusto kong may laman ang tiyan ko bago ako kumausap ng tao, mahirap na baka makain ko lang sila. 

"Hi Skyla!" 

"Shhh!" I motioned to Alexavia to keep quiet as I stepped into the lunch line. She rolled her eyes at me. 

"Nawala ka lang ng isang linggo gumaganyan ka na ha! Sige ganyan tayo eh" 

"Wag kang maingay gutom ako" 

"Pero Sky, please tell me kung anong nangyari doon sa conference na dinaluhan mo." 

Last week, dumalo ako sa International Youth Conference on Energy. Nandoon ako para idokumento lahat ng mga nangyari para sa school publications, isa rin ako sa mga official photographer ng school at napili rin ako maging representative ng University namin. 

"Wala naman masyado. Ayun mga Nuclear fission & fusion, Thermodynamics & thermohydraulis, mga ene--- " 

"Hindi ako interesado sa fission fusion at kung ano pa yan. Alam mo kung saan ako interesado?" Umakbay si Alexavia sa akin saka bumulong "Interesado akong malaman kung may mga gwapo ba? May nakilala ka ba? Hiningi mo ba number?" 

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay ni Alexavia sa akin at mas piniling tinignan ang mga pagkain na naka-display sa araw na ito. Oo, aaminin ko marami ngang gwapo noong conference pero hindi naman yun ang pinunta ko, nandoon ako para matuto hindi para lumandi. 

Mas pinili kong hindi pansinin si Alexavia dahil naguguluhan ako kung anong masarap na ulam at kung ano ang magandang panghimagas. 

"Hoy Skyla! Pansinin mo naman ako.. ito naman ang damot ayaw mag share." 

Nang makapili na ako ng kakainin ko para sa tanghalian ay dumiretso ako isang vacant table at agad namang sumunod si Alexavia. Kahit kailan talaga sakit siya sa ulo at paniguradong hindi ako titigilan nito hangga't hindi ako nagku-kuwento sa kanya. 

My Lover is the Son of a Mafia LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon