.27
Why am I doing this? Why am I even here? Kanina pa ako napapagalitan ng trainer, hanggang ngayon kasi ay hindi ko makuhakuha ang tamang timpla ng cappuccino. I never worked in my entire life, and taking this job is stressing me out already.
The training is rigorous too. Kahit itong nagtuturo sa akin ay nawalan na ng pasensya. Di ko naman akalain na ganito pala kahirap ang gumawa ng kape.
"Ano ba naman yan, Skyla! Simpleng instructions hindi mo magawa," pabulyaw nyang sabi sa akin. Nakatingin sa amin ang ilang trabahante ng coffee shop.
"Sorry," ani ako at yumuko ako sa kahihiyan.
"Sorry? Hindi mababalik ng sorry mo ang mga nasayang na kape," halos matunaw na ako sa tulis ng mga tingin nya sa akin, she threw the towel at the sink and walked out.
"Hala, okay ka lang?," tanong ng isa kong kasama. Tinignan ko ang nameplate nya, 'Leah'.
Ngumite ako kay Leah, "Yeah, okay lang ako. Sorry ah."
"Ano ka ba! Wag kang mag-sorry. Inggit yun sayo kasi maganda ka," ngumise sya sa akin, "The manager hired you right away eh."
Hindi ko alam kung komplemento ba yun o insulto, halata siguro sa mukha ko kaya nagsalita sya agad, "Not in the bad way! Ang gusto ko lang naman sabihin is baka may nakita sayo si manager kaya ka nya ni-hire."
If this were a normal situation, I would have felt insulted kasi ayoko rin naman malaman na nakuha ko lang ang isang trabaho dahil sa itsura ko, but this isn't a normal situation.
"Hayaan mo, Skyla. Tuturuan kita! May technique kasi dyan pero bago yan tuturuan muna kita kung paano maging cashier, mas madali kasi yun!" ani ni Leah. For some reason, she reminds me of Alexavia.
"Salamat, Leah. Medyo slow ako kaya sana hindi ka rin mawalan ng pasensya sa akin," I joked on her.
"Mas mahaba pa sa Nile River ang pasensya ko!" agad nya akong hinila papunta sa POS. She turned it on, "So, kung credit card ang ibibigay ni customer may dalawang ways ka para i-process 'to. It's either manually or from the linked up system." Sabay turo nya sa credit card machine na nasa gilid ng POS.
I watched Leah do all the work and talk, and I kept nodding my head pero sa totoo lang ay hindi ako nakikinig sa kanya. May ibang bagay akong iniisip. Binaling ko ang mga tingin ko sa mga customer na nasa loob ng shop ngayon.
May ilang mga estudayante mula sa kalapit na school, ilang mga office workers at couples. Sa pag-uusap naming kahapon ni Detective Michaels, madalas na customer dito ang pakay ko pero hindi pa naming matukoy kung anong oras ito darating. Muli kong binalikan ang usapan naming ni Detective Michaels mula sa aking isipan.
May coffee shop sa loob ng Odysse Suites, tahimik akong naupo at naghihintay kay Detective Michaels. I ordered for some chamomile tea to calm my nerves kasi hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga tuhod ko.
I remember that Detective Michaels told me that I might be caught in the middle of something, and I wanna know what that is. I also wanna learn some information regarding Costa Mafia, kung totoo ngang nasa panganib ang buhay ko, I want to know who is after me, and I think Detective Michaels has an idea.
Detective Michaels arrived earlier than I expected, he's wearing his grey 3 pc suit na madalas nyang suotin. I waved my hand to him at agad nya naman akong nakita, if I'm not mistaken he's around 30. He has solved a lot of cases around our city, and he's quite famous around here.
BINABASA MO ANG
My Lover is the Son of a Mafia Leader
RomanceSkyla loves her family and they would never betray her. She's wrong. The man she loves will stay with her forever. She's wrong again. Skyla's perfect life is shattered when she uncovers the truth about her family secrets. Her parents' death and...