.4
We arrived at Silantro Fil-Mex, quarter to one. Puno ang restaurant nang dumating kami, mabuti nalang at Anthony made reservations. Madalas kaming kumain dito ni Anthony at ni Uncle Bern. This restaurant is really special to us.
"Wala kang pasok?" I ask as I was eyeing the menu.
"Wala. Maaga natapos yung meeting kanina pero I'll go back to the office after this." he sighed. "3 weeks is so long"
Anthony is one smart man. At the age of 24, he graduated at Rosekelt Academy with masters. He was 18 when he left to study abroad. I remember kung paano ko iniyakan ang pag-alis niya pero lagi nya akong tinatawagan, umuuwi rin siya during holidays.
Now at 26, siya ang nagpapatakbo ng business ni Uncle. Vielle Enterprises is dominating here and internationally. Vielle Automobiles is also leading here in our little city. At ngayon balak nila pasukin ang Hotel Industry. How my Uncle and Anthony manage everything? I don't know.
Dahil sa sobrang busy ni Anthony ay hindi kami nagkita ng 3 weeks. Kahit gaano siya ka-busy ay lagi syang may oras para sa akin, ngayon lang nangyari na 3 weeks na hindi kami nagkita.
"I know. Bisitahin mo naman kasi ako minsan sa apartment ko." ngumuso ako sa kanya.
"I will. Soon. My offer still stands why don't you live with me instead?"
Anthony thinks that hindi ko pa kayang mag-isa kaya naging against sya sa ideyang kumuha ako ng apartment malapit sa University. He was very proud of me nang malaman niyang I am going to college, but when Uncle called him one night and told him that I'm moving out and renting an apartment he threw a fit.
Gusto niya mag-book agad ng ticket para umuwi. While Uncle Bern thinks it was a good idea, Anthony thinks it was rubbish. Pero in the end, wala rin naman siyang nagawa.
"A, I can handle myself. I'm 21, I'm a big girl now. Sa apat na taon ko dyan sa apartment ko ay wala naman masamang nangyari sa akin, right? How will I survive the real world kung nakadepende ako sayo at kay Uncle?" he sighed. Alam niya kasing tama ako at wala na siyang magagawa pa para baguhin ang isip ko.
"You will call me if something happens, right?" I smiled at him.
"Of course. Saka kaya ayokong tumira kasama ka kasi baka mamaya ma-meet ko yung mga one night stands mo. Awkward lang" humalakhak ako. I was only kidding when I said it but his face grew serious so I added "Joke lang. Pero kasi don't worry about me."
Puberty has been good to him. And Anthony knows it. Umuwi siya when I turned 18. He said he can't miss my 18th birthday. Bago siya bumalik abroad ay lagi nya akong hatid sundo sa Uni.
The funny thing was sinugod ako ng isang babae paglabas ko ng University, saying that inigaw ko raw ang boyfriend niya. And when I asked her who the hell is her boyfriend she said that it was Anthony.
Tinawanan ko yung babae and I told her that I'm his sister and there's no need for her to throw a fit. Galit na galit si Anthony nang malaman niyang inaway ako ng babae niya.
"Dapat sinabi mong girlfriend talaga kita" napangiwi ako sa sinabi niya, ginagamot niya ang mga kalmot sa braso ko nun. "Para tigilan nya na ako"
"Adik ka ba? Kung sinabi ko yun baka hindi lang kalmot inabot ko baka may pasa na ako"
Simula noon pag may nagtatanong kung kaano-ano ko si Anthony. Lagi kong sinasabing magkapatid kami kahit hindi naman talaga.
Tinawag ko ang waiter and he wrote our orders down. Anthony sighed again. I know for a fact that he is one busy man at I am very thankful na kahit ganoon ay may oras pa rin sya sa akin at kay Uncle.
"Mag-girlfriend ka na kasi, A" panunukso ko sa kanya. I know for a fact na inaasar na rin sya ni Uncle dahil gusto na ng apo nun.
"You know I'm a busy man. Laro laro lang" I rolled my eyes at his answer. Boys.
"Baliw. Maghanap ka at ligawan mo yung babaeng masarap magmahal, hindi yung masarap kaya mo mahal"
Natawa at umiling-iling siya sa sinabi ko at hindi na sumagot pa. Dumating na ang mga order namin at kinamusta niya ang studies ko at kung saan ko balak mag OJT. Balak ko sa company namin pero for sure hindi na ako idadaan ng HR sa interview makita lang resume ko kaya baka mag-apply ako sa iba.
"Kailan uwi ni Uncle?"
"This Friday, I think? Well, that's what he said when I called him"
Uncle Bern went abroad for an important business to attend. And I really miss him. Kung sa Friday nga uwi nya doon muna ako matutulog sa bahay para may kasama siya at nakaka-suffocate din mag-isa sa apartment. Staying with Uncle is not a bad idea.
"Naku, pag nakauwi na sya sa bahay muna ako matutulog para may kasama siya. At pagsasabihan ko na rin na bawas bawasan nya ang pagiging gala niya at mahirap na"
Ngayong tumatanda na si Uncle ay humihina na rin ang katawan niya that's why when Anthony and I found out that he needs to fly internationally for business, I told him na ako ang pupunta but he refused. Mas matigas pa ang ulo ni Uncle kesa sa amin. Kung kailan pa tumanda dyan pa naging pasaway.
Dahil sa wala na rin akong klase ngayong hapon ay nagpahatid ako kay Anthony sa apartment. Inimbita ko siya na magpahinga muna pero he refuse kasi kailangan niya ng pumunta sa office at may gagawin pa sya.
Hinahanap ko ang keycard ko sa bag habang naglalakad "Asan na ba yun?" I muttered to myself. I really need to organize my stuff para hindi ako mahirapan sa susunod. Sigh.
I heard a door closed at nang tumingala ako ay iba ang nahanap ko.
Megan. Not just any Megan. But Megan Blake. She is standing outside the apartment room in 1021. Ito yung room na may bagong lipat at katabi ko lang. She looks flushed. She looks like she just rolled out of bed. No. Scratch that. She looks like she had the greatest sex of her life. Nahahawa na talaga kay Alexavia. Madumi utak.
What is she doing here?
She noticed that I was looking at her at siya pa ang may ganang magulat but she covered it up immediately. Megan is really pretty. Like pretty pretty pretty. At isa siya sa mga popular figures ng Welston University.
She raised her eyebrow at me. I looked away at bumalik sa paghahanap ng keycard ko.
BINABASA MO ANG
My Lover is the Son of a Mafia Leader
RomanceSkyla loves her family and they would never betray her. She's wrong. The man she loves will stay with her forever. She's wrong again. Skyla's perfect life is shattered when she uncovers the truth about her family secrets. Her parents' death and...