.14

2.3K 88 26
                                    

.14


Simple lang ang pamumuhay nila Jake pero ganoon pa man ay masaya sila at kumpleto ang pamilya. Noong araw na nakilala ko sila 7 eleven ay nalaman kong madalas pala silang tumatambay doon bago umuwi. Dahil sa malapit lang ang convenient store na iyon ay madalas rin ako doon.

Wala akong kapatid kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na kinukulit ka ng kapatid mo o kaya naman pag may mga simpleng bagay ngayong pinag-aawayan. Marahil isa sa mga rason na naging malapit ako kay Jake. Ian, Clarence at Tasha ay dahil sa kapatid ang turing ko sa kanila kahit hindi naman kami magkadugo. 

Naalala ko noong unang beses akong tumambay kasama sila. Kakatapos lang ng midterms noon, summer vacation at wala si Alexavia dahil nag out of the country, and I was so bored. Hindi ko alam ang gagawin. Wala rin si Anthony ng mga panahon na iyon at nang makabalik sya ay hindi nya rin naman sinabi kung saan sya galing. 

"Kamusta araw nyo?" nagulat si Ian ng makita ako. 

Hindi lang si Ian ang nagulat pati na rin sina Clarence at Jake. Akala siguro ng mga ito ay galit pa rin ako sa kanila dahil sa ginawa nila noon. "Hindi ako galit. Wag kayong mag-alala, wala rin akong boyfriend na aabangan kayo sa labas kaya chill." ngise ko sa kanila. 

Napansin ko ang isang batang babae na katabi ni Jake. Maiksi ang buhok nito at medyo chubby. She's so cute. She saw me looking at her kaya nagtago sa braso ni Jake. I think she's 6. 

"Anak mo?" nanlaki ang mata ni Jake sa tanong ko at halos halakhak naman ang narinig ko kay Ian at Clarence. 

"Ano? Hindi po! Bata pa ako! Kapatid ko po yan si Tasha" nakakatawa ang itsura ni Jake habang dinidespensahan ang kanyang sarili. 

"Alam ko! Joke lang ito, naman" ani ko. 

Buong summer vacation akong tambay sa 7 eleven kasama ang mag-babarkada, minsan kasama si Tasha. They're all classmates at ngayon ay nasa 3rd year high school na sila. 

"Ano plano nyo after graduation? Ilang taon nalang bye bye high school na. May mga napili na ba kayong kurso?" tanong ko isang hapon at nakatambay pa rin kami sa 7eleven. 

"Gusto ko maging surgeon" ani ni Clarence. Napakamot sya ng batok "kaso hindi naman namin kaya yun.. hindi naman din ako matalino para makakuha ng scholarship" ani pa nito. 

"Wala naman imposible eh." sabi ko. 

"Gusto maging architect" ngiteng sabi ni Jake. 

"I want to be a teacher" medyo nahihiyang sabi ni Ian. "Nakaka-inggit ka nga Ate Skyla eh." dagdag naman ni Ian. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. 

"Huh? Ano naman nakaka-inggit sa akin?" 

"Kasi maganda po pamumuhay nyo tapos for sure maganda na po ang future nyo" sabi ni Jake. 

Nakaramdam ako ng lungkot sa mga sinabi nila. Oo nga't hindi kami salat sa pera sa dami ng business ni Uncle at sa dami ng nagtratrabaho sa kanya, pero kailan man ay hindi ko naisip na ganoon kaganda ang buhay ko. 

Yes, I could possibly travel around the world anytime I want to. I could eat in any fancy restaurants, buy branded clothes, buy gadgets that I don't probably need, spend my nights in many luxury hotels and resorts pero that won't make me utterly happy. At hindi porket maganda ang pamumuhay ko ay maganda na rin ang future ko. 

Hindi maganda ang buhay ko. Halos hindi ko maalala ang kabataan ko, even the night of the accident that killed both of parents. But I guess, I'm still blessed. I have Uncle Bern, Anthony, Alexavia at now ang tatlong makulit na ito. 

My Lover is the Son of a Mafia LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon