.18
Ilang araw na pinag-usapan ang nangyari sa Grand Pavillion may isang newspaper ako nakita at ang headline nito ay "The Tragedy of Grand Pavillion Massacre".
It's all over the news, every time I switch channels ang nangyari sa Grand Pavillion ang nakikita ko. That night, there were over 800 guests, 256 died and 149 are injured.
Ayon sa mga nabasa kong news report, wala pang may nakakaalam kung sino ang nasa likod ng mga nangyari. May ilang articles na nagsabi na may family feud daw, may isa rin naman akong nabasa na ang mga Mafia ang nasa likod ng mga pangyayari ng gabing iyon.
May mga report din na nagsabi na may kinalaman ang nalalapit na eleksyon, at ilan pang haka-haka. Ayon rin sa mga witnessess, nakasuot ng clown mask ang mga suspect. Kagaya ng lalakeng pinatay ni Polina.
Halos isang linggo na ang lumipas simula mangyari ang insidente pero hindi pa rin ako makatulog ng maayos, iniisip ko pa rin ang mga nangyaring gabing iyon. Iniisip ko rin ang misteryong bumabalot kay Ivo at Polina. At hindi pa rin matukoy kung sino ang naglagay ng sunog na pugot na ulo sa loob ng condo unit ko.
Nakakapagtaka lang ay hindi ko nakita si Tia Constanza, if I remember correctly she's here because of the Charity Ball, but I didn't see her, and she's not here at Uncle's house too. When I asked Uncle about it, he told me that he doesn't know where Tia is.
"Skyla"
"Skyla"
"Skyla," a hand touched my shoulder and I looked at Alexavia, she's frowning at me.
"Yes? Sorry, what were you saying?" wala sa sarili kong tanong.
"Okay ka lang? You didn't touch your food" sa bleachers namin napiling kumain ng lunch ni Alexavia pero hindi ko naman halos nagalaw ang pagkain ko.
Alexavia is worried about me, she knows what happened that night dahil sa mga balita at dahil na rin kay Anthony. After Ivo and Polina left, Anthony found me in the corridor standing all alone. He described me as tuliro at wala sa sarili to Uncle and Alexavia. I don't blame him tho, a man was killed right before me and I can still hear the gunshots, the screams and the pleas of the guy every time I close my eyes.
"I'm okay, wala lang akong gana kumain" she frowned at me, I can see the worry in her eyes. I didn't tell anyone about what I saw, nilihim ko iyon sa sarili ko. Hindi ko rin sinabi kanino man na hindi ako makatulog ng maayos tuwing gabi. Ang ayoko sa lahat ay ako ang dahilan nag pag-aalala ng ibang tao. So I forced myself to smile and pushed all my worries and questions away. "but I'm craving for some matcha cheesecake" I said and smiled to Alexavia.
Umismid si Alexavia sa sinabi ko, "Matcha? Ano ba meron dyan ang gustong-gusto mo yang color green na yan?"
"Masarap kasi yung matcha kung open minded ka lang sana, Alexavia, for sure you'll like it too."
"Wow naman, ako pa hindi open minded. Sure ka dyan?" tinawanan ko lang sya at pinisil ang pisnge nya, "araaay naman" at lumayo sya sa akin, at lalo akong natawa sa kanya. She looked behind me and I looked too, nakita naming palapit si Detective Michaels.
I closed my eyes, wishing na sana mali ang nakikita ko. Alam kong may kailangan sa akin si Detective, for sure, he'll ask me few questions about what happened that night and I can't answer him, not because I don't want to but because everything seems too much now.
"Good afternoon, Detective Michaels." ngise ni Alexavia sa kanya. He only nodded at her and looked at me.
"Miss Vielle, can I talk to you?" wala na akong lusot ngayon, gumawa man ako ng rason na hindi pwede ay paniguradong babalikan at hindi rin ako titigilan ni Detective. "Alone" he emphasized.
BINABASA MO ANG
My Lover is the Son of a Mafia Leader
RomanceSkyla loves her family and they would never betray her. She's wrong. The man she loves will stay with her forever. She's wrong again. Skyla's perfect life is shattered when she uncovers the truth about her family secrets. Her parents' death and...