.2
Boses ni Megan ang una kong narinig Tuesday morning. Nasa hallway ako on my way in my next class ng ang matinis na boses ni Megan na galing sa intercom. Napatigil rin ang ilan sa paglalakad para pakinggan ang kanyang sasabihin.
"Hello, my name is Megan. Megan Blake, for those of you who don't know who I am. I am running for Supreme Student Council President and hopefully, with your help, I can make this school almost as amazing as you guys"
Next week pa ang campaign pero hindi ko inaasahang aagahan ni Megan, but what can I expect from her? Sigurista siya.
"To accomplish this you need a voice to represent you, I will be your voice. And together we will be heard."
"If you empower me with your confidence, I will do everything but the impossible to represent your interests and achieve our common goals and ideals. I am sure that our aims will coincide - we are all here to obtain an education that will teach us how to make the world a slightly better place. If you empower me with your trust, we will start with solving problems and making our university a little better place. Thank you very much for your attention. I'll be looking forward to your votes!"
Sa ginawa niya sana ay sinabi nya rin kung anong mga objectives nila. May ilang humanga sa narinig nila at may ilan rin na walang pakealam at meron ding hindi nagustuhan ang mga sinabi ni Megan.
Kaklase ko si Alexavia sa Literature at halata ngayon sa mukha niyang hindi niya nagustuhan ang munting palabas ni Megan kanina.
"Akala niya siguro makukuha niya yung loob ng mga estudyante sa ginawa niya. Ang dumi niya talaga maglaro kahit kailan" tumango tango ako sa mga sinabi ni Alexavia. "Kung pwede lang na hindi bumoto" dugtong pa niya.
Malas lang ni Alexavia dahil required lahat na bumoto at kailangan namin ipakita ang aming voters slip sa mga Professor namin para sa extra points. Ang mahalagang parte daw nito ay we exercise our right to vote na sa tingin namin ni Alexavia ay kalokohan lang.
Ngayon tatalakayin namin ang Life and Works of Hemett. Nagbigay si Prof ng mga trivia na ikinamangha, kinagulat at kinuwesyon ng ilan. One is, there is some speculation that Hemett's mother could have been the illegitimate child of Alonso Vigar and Brilenya Quintos.
May ilan na sumangayon sa sinabing speculation at may ilan ding nagsabi na hanggang hinala lamang ito. Habang natutuwa ako sa debate ng aking mga kaklase si Alexavia naman ay walang ginawa kundi humikab.
"Sabihin mo nga sa akin, Skyla. Ano sa tingin mo ang pinaglalabanan nila? Sus itong ilan pakitang gilas. Pwe" Natawa ako sa sinabi ni Alexavia halata sa kanya na hindi siya interesado sa mga ganitong bagay.
"Alam mo ikaw ang dami mong reklamo makinig ka na lang kaya ng may matutunan ka naman"
"Sus mas gusto ko pang makinig ng music kesa makinig sa mga sinasabi nila" umiling iling nalang ako sa kanya dahil alam ko rin namang hindi ko makukubinsi si Alexavia na makinig sa klase.
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone sa jeans pocket ko, agad ko itong kinuha at binasa ang text message sa ilalim ng upuan ko.
From : A
Lunch? Are you free?
Agad akong nag-reply.
To : A
Yup. Where to?
BINABASA MO ANG
My Lover is the Son of a Mafia Leader
RomanceSkyla loves her family and they would never betray her. She's wrong. The man she loves will stay with her forever. She's wrong again. Skyla's perfect life is shattered when she uncovers the truth about her family secrets. Her parents' death and...