#JTO1 Chapter 1
2 months later.
"Nathalie!" Sigaw ni Nanay Sol pagkakita niya sa akin.
I didn't know what to expect pag-uwi ko dito sa bahay. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula noong huli kong punta dito. And honestly, I expected the worse... Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong ngumiti. And this time, totoong ngiti na. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng luha ko nang yakapin ako ni Nanay Sol. And it felt really good seeing a familiar face around.
Sandali kong inikot ang tingin ko sa bahay, nagbabakasaling may iba pang naghihintay sa pag-uwi ko pero wala na akong nakita pa. Only her. And just like that, my smile faded.
"Nanay, I know you've missed me pero wala po muna sanang makakaalam na nandito po ako."
She nodded. "Gagawin ko yan dahil ang importante ngayon ay nandito ka na. Pero saan ka ba nagpunta, anak? Sabi ng kaibigan mong si Sam wala ka na rin sa condo mo. Naibenta na daw ang tinutuluyan mo. Totoo ba 'yon? Alalang-alala kami sayo. Dalawang buwan kang nawala, anak. Wala pang nakakaalam kung nasaan ka,"
I bit my lower lip. "Hayaan na po natin 'yon. It's all in the past now. I'm already here, nay. And I promise na aayusin ko po lahat ng naiwan ko."
"Anak, hindi naman 'yon ang inaalala ko. Ikaw mismo... 'Wag na wag mo ng uulitin 'yon bata ka ha!"
I nodded.
"Magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa mga gamit mo. Nasa kotse ba?"
"Nasa kotse po. But I won't stay here. Just a day, nay." Sabi ko. Halata sakanya ang pagpoprotesta pero ngumiti lang siya.
Kahit walang dala ay sinamahan pa rin naman niya ako sa kwarto ko habang nagke-kwento sa mga nangyari simula noong umalis ako pero wala doon ang atensyon ko. Nabaling 'yon sa dalawang picture frame sa bedside table ko. The first one is me and Evo, he's staring at me intently. This photo of us is one of my favorite shot in our prenup photos. At sa sobrang pagkagusto ko ay kumuha na agad ako ng mga kopya.
I sighed. Dalawang buwan palang ang nakakalipas, pero sa dami ng nangyari sa akin pakiramdam ko napakatagal na panahon na 'yon. Hindi ko na nga rin alam kung paano siya haharapin sa oras na magkita ulit kami dahil wala naman akong mukhang maihaharap sa kanya. But still, gusto ko pa rin siyang makita. In fact, sabik na sabik.
At ngayong nakabalik na akong Pilipinas hindi na malabong hindi kami magkita lalo pa't hanggang ngayon ay may share pa rin ang pamilya niya sa kumpanya nila Mommy at doon pa rin siya nagtatrabaho.
"Nanay Sol, si—Evo po, hinahanap niya po ba ako noong umalis ako?"
Nilingon ko siya at nakita ko agad ang awa sa kanyang mga mata. Hindi siya nakasagot. Inaasahan ko na 'yon dahil sa pang-iiwan ko sakanya pero hindi ko akalain na ganito pala 'yon kasakit. Ni hindi manlang niya ko sinubukan hanapin para manlang sa explanation ko.
"Ali, anak. Ano bang nangyari sainyong dalawa ni Evo? Hindi ba dapat ikakasal na kayong dalawa? Kung hindi pa siguro sinabi sakin ng kaibigan mo na hindi matutuloy ang kasal, iisipin kong nagpakalayo-layo na kayo ng nobyo mo. Lalo na sa nangyari nitong mga nakaraang buwan."
"What about Sam? Hinanap niya ba ako?"
"Madalas tumawag ang kaibigan mo dito para makibalita sayo. Minsan dumadaan din. Wala naman akong maisagot dahil wala rin akong alam."
"Thank you, Nanay Sol. Pero gusto ko po muna sanang magpahinga. Pwede niyo po bang iwan muna ako?" Nag-aalangang tumango siya.
"Ipagluluto kita ng pagborito mo ha." Nakangiti niyang sabi sakin bago isara ang pinto ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Just This Once [KYRU]
RomanceNathalie thought she had found the man she would spend the rest of her life with. And at a very young age, she already experienced being left behind but she still chose to leave him. Does she deserve a second chance, even though she's the one who le...