#JTO7 Chapter 7
I left the conference room earlier than expected. Sinama ako ni Rafael sa meeting niya with his new client. Thankfully, maagang natapos.
Napalingon ako nang bumukas ang pinto ng office ni mommy.
"Ms. Ali, just an update regarding the food trays. It's already on the way,"
I smiled and nodded. I'm planning on surprising Evo para sana makabawi sa paghanda ng breakfast niya sakin kanina at sa pag-aalaga. Pagtapos niya kasi akong ihatid dito ay umalis na rin siya dahil may site visit siyang naka-schedule ngayon. Pinagtalunan pa namin kanina ang pagpasok ko dahil ipinipilit niyang hindi pa ako magaling which is totoo naman pero hindi ko na sinabi. Ayokong maiwan sa unit niya dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako ng tuluyan dahil sa sobrang pag-iisip.
"And as for Mr. Garcia, he filed an indefinite leave." She added.
"What? When?! I mean no one informed me?" Inis kong tanong. "I'm supposed to be the first person to know his whereabouts and you're just telling this to me now?" Naiinis kong tanong.
Napayuko naman siya dahil doon.
I sighed. This is not her fault.
"I'm sorry, Anne. Hindi mo kasalanan pero pwede bang iwan mo muna ako?" She immediately nodded bago tuluyang lumabas.
For a few seconds, hinayaan ko muna ang sarili kong kumalma. This is not the right time to stress myself about Greg especially na pupuntahan ko si Evo. And if he ever planned on getting out of the country I'll know it. Sigurado ako doon. I'll just deal with him pagbalik ko.
I looked at myself at the mirror. I'm wearing a bodycon dress and a blazer pero dahil site naman ang pupuntahan ko at siguradong mainit ay tinanggal ko ito, revealing my bareback. I also re-applied my brown lipstick at nang makuntento ay bumaba na ako.
Ginamit ko muna ang kotse ni Rafael and the food trays are already on the backseat kaya hindi na ako nahirapan pa.
Saktong lunch time naman ng makarating ako kaya halos nagtitipon-tipon na ang mga trabahador sa isang sulok.
"Saan ka po Ma'am?" Tanong ng isa sa mga nakasalubong kong trabahador.
"I'm looking for Engr. Monteverde. Nandito ba siya?"
"3rd floor po, Ma'am."
Nagpasalamat ako.
Dahil hindi pa raw gumagana ang elevator ay sa hagdan muna ako pinadaan. Hindi ako nagreklamo kahit nakakapagod ang pag-akyat especially I'm wearing heels. Nanginginig na ang mga binti ko at gusto ko nalang umupo na pero konti nalang ay nasa pangatlong palapag naman na ako. And when I finally on my last five steps, narinig ko ang boses ni Evo. At nang tatawagin ko na siya ay naagaw agad ang pansin ko sa babaeng kausap niya.
Parang may pinaguusapan silang seryoso kaya itinikom ko ang bibig ko. I just stayed at my position.
I checked my phone sa bag para sana pampalipas ng oras pero hindi ko 'yon nakita. Naalala ko nalang na naiwan ko sa lamesa sa pagmamadali.
Sandali ko ulit tinignan sila Evo. His arm was already wrapped around her waist na parang bang 'yon talaga ang pwesto and as for the girl she's with she smiled at him. Napansin ko naman ang pamamaga ng mga mata ng babae. Parang galing sa iyak.
Who's this girl? They're talking about business, right?
Sa pag-aakalang lalayo na sila sa isa't-isa ay mas inilapit pa ito. And at this moment, sigurado akong hindi na ito business. Kahit ata sino makakita nito ay iisiping hindi lang ito business. It's palpable. Kasi even if this is his friend, hindi siya ganito. Hindi siya ganito kay Sam considering she's my closest friend and even his.
BINABASA MO ANG
Just This Once [KYRU]
RomanceNathalie thought she had found the man she would spend the rest of her life with. And at a very young age, she already experienced being left behind but she still chose to leave him. Does she deserve a second chance, even though she's the one who le...