#JTO2 Chapter 2
Sam says nothing but obviously surprised. Halatang hindi siya makapaniwala sa nasabi ko. Maski rin yata ako ay hindi makapaniwala sa mga salitang binitiwan. Kilala ko ang sarili ko— hindi basta bumibitaw especially with Evo. We've been through a lot like any other couple pero kahit minsan we never let go because we still both want to be in this relationship. I admit I still wanted us pero I don't think he still wanted me at sa ngayon my mom is my top priority. Pero hindi na ko nagpaliwanag pa kay Sam. At kung meron man akong dapat paliwanagan at si Evo 'yon.
Instead of entertaining my thoughts, nag-ayos nalang ako ng sarili. I need to be in the office para makakuha ng kahit anong impormasyon tungkol kay mommy. I wasted a lot of time when I left. Kaya dapat kumilos na 'ko.
No one knew that my mom's missing except Tito Lorenzo— mom's brother. Siya at ako lang ang nakakaalam. Kahit yata ang iba pa nilang kapatid ay wala ring alam. And his reason was he doesn't want to alert everyone especially now that the company's not stable and having some sort of financial crisis.
"Saan ka pupunta?" She asked.
"Mom's office."
I just wore a white button down shirt and paired it with converse and ripped jeans. I also put my hair into a messy bun. Hindi na ako nag-abalang maglagay ng makeup kaya ng makita kong papasa naman ang itsura ko ay kinuha ko na ang car keys' at cellphone ko.
Sumalubong agad sa amin si Rafael—my cousin. Halatang nagulat siya sa presensya ko pero hinalikan at niyakap niya pa rin ako.
"You're here." Hindi makapaniwala niyang sabi. He even looked at me from head to toe. Hindi naman nakatakas sa akin ang pag-iling niya.
"What are you doing here, Ali? Seeing you here was the last thing on my mind."
Iniripan ko siya. "You're not going to ask me my whereabouts, Raf? Himala ata." I teased knowing that he's chismoso.
"Para saan pa? Eh, hindi ka naman sasagot. I'll just wait for you to open up." I rolled my eyes. Hindi naniniwala. "You're not following the dress code, Ali."
"I'm not working here."
He rolled his eyes naman. "Ano bang sadya mo dito?"
"May kailangan lang ako sa office ni mommy. Is it open?"
"That's it? Mawawala ka ng dalawang buwan tapos magpapakita ka na parang walang nangyari. Nababaliw ka na ba, Ali? And now is not the best time visiting the company." I groaned. Minsan ang cute din nitong pinsan ko.
"What happened to the “I'll just wait for you to open up?” I sarcastically asked.
He sighed.
Pagdating naman namin sa tamang palapag ay bigla akong natigilan sa paglabas.
Biglang hindi na ako makagalaw.
Nanikip ang dibdib ko sa nakita.
Maging siya ay natigilan.
Fuck. Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan kami magkikita at lalong hindi ko naisip na pwedeng magkita agad kami lalo pa't dito siya nagtatrabaho. Ang tanging naisip ko lang kanina ay si mommy. Hindi ang posibilidad na nandito siya.
They should've warned me! Gustuhin ko man makipagtalo sa mga kasama ay hindi ko na sila nagawang lingunin.
I'm finding myself hard to breathe.
BINABASA MO ANG
Just This Once [KYRU]
RomanceNathalie thought she had found the man she would spend the rest of her life with. And at a very young age, she already experienced being left behind but she still chose to leave him. Does she deserve a second chance, even though she's the one who le...