Chapter Fourteen

250 9 0
                                    


#JTO14 Chapter 14



Evo went to Boracay for Riva's party at hindi na ako sumama pa. Ayokong magkaroon na naman ng gulo dahil sakin kaya humingi ako ng tulong kay Tito Lorenzo para mailayo kay Evo pansamantala. Of course, he insist na hindi na siya pupunta pero sa huli ay nakumbinsi ko siya. Ayoko rin madagdagan pa ang tampo nila kay Evo dahil sa hindi niya pagsama ng dahil sakin. Ginamit ko na lang na opportunity ang pag-alis niya para makapag-isip ng hindi ako ang aalis. It's just a day at kulang yon kaya pinakiusapan ko pa si Tito. Tito gave an immediate order na mag-site visit siya sa Cebu. Sakto namang nagkaroon ng emergency ang engineer na naka-assign doon kaya may kailangang pumalit pansamantala. And it will last for a week na sobra kong ipinagpasalamat.



Pabagsak akong naupo sa couch sa living room pagtapos kong maligo. And over the past few days, painting keeps me occupied. Bumili lang ako ng mga ilang gamit para kahit papaano ay may pagkaabalahan naman ako bukod sa pag-iyak. Pero simula nang magpinta ulit ako ay wala akong nagagawang maayos. Hindi ko alam kung dahil ba sa dami kong iniisip o dahil sa matagal na nang huli ko itong ginawa kaya wala akong nagagawang maayos.



Wala namang alam si Evo sa pinagkakaabalahan ko ngayon. He's been away for three days now. Of course, he also wanted me to come pero hindi ako sumama. Alam ko namang natatakot siya na baka iwan ko ulit siya dahil sa nangyari pero sinigurado kong pagbalik niya ay nandito pa rin ako and just to be sure he'll always going to call me even facetime and I agreed immediately. Pero nang tumawag na siya sa facetime hindi ko siya sinasagot. Ayoko muna makita niya ko lalo pa't hindi maayos ang pakiramdam ko.



Inikot ko na ang tingin ko sa living room ng condo niya. It's a total mess as usual dahil sa mga nagkalat kong gamit sa pagpipinta. Habang sa kusina at dining ay nagkalat din ang pinaglutuan at pinagkainan ko mula umagahan pero hindi ko muna 'yon pinansin. I still have time to clean everything dahil dalawang araw pa naman bago siya umuwi.



Lumapit ako sa natapos kong painting.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Wala naman sa sariling hinawakan ko ang bawat detalye nang natapos kong portrait. Actually, sa lahat ng ginawa ko ito ang nakaagaw ng atensyon ko. A portrait of a mother and child... And while staring at the painting it's giving me so much emotions na hindi ko mapangalanan at kahit sa sarili ko wala akong maintindihan. At ayoko ng ganitong pakiramdam. I feel so helpless, powerless... Hindi ko ma-control ang emotions ko. Suddenly, tears came out of my eyes but I immediately wiped it away.

Just This Once [KYRU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon