Chapter Three

501 15 3
                                    

#JTO3 Chapter 3


No one dared to speak habang nasa byahe kami. Gustuhin ko man siyang paulanan ng mga tanong pero wala akong lakas ng loob. Hindi ko rin alam kung saan o paano magsisimula at isa pa nararamdaman ko na ang sobrang pagod. Gusto ng pumikit ng mga mata ko pero pinipigilan ko.


Hindi na ako nagtaka na dito niya ako dinala sa condo niya. Gusto ko sanang magprotesta dahil hindi naging maganda ang huling ala-ala ko dito pero sino ba 'ko para magreklamo kung ako naman mismo ang may kagagawan. Pagbaba ay inalalayan niya ko, kahit pagtanggal ng seatbelt ko ay siya na ang gumawa.


Pagdating naman sa tamang palapag ay agad niya kong pinapasok. Hindi pa rin siya nagsasalita. At sa nakikita ko he's trying to calm himself. Gusto ko man siyang lapitan pero natatakot ako. I don't even know what to say.


Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mukha ko. Pinigilan ko na ang sarili kong umiyak pa para makapagusap kami at magkaintindihan. Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan nito pero ang importante masabi ko lahat. After all he deserves an explanation.


Sinamahan niya lang papasok ng guest room ng condo.


"You need to rest. Sabi ni Sam you just arrived this morning. Let's just talk kapag nakapagpahinga ka na." sabi niya pagbigay sa akin ng baso ng tubig.


I drank it pero hindi ko naman naubos. He tucked me into bed after that. Nakaramdam naman agad ako ng takot ng makita kong iiwan niya ako dito.


So without thinking I grabbed his hand.


"C-Can we talk now?"

"You need to rest, Ali. Hindi makakabuti kung ipipilit mo. Let's just talk when you wake up." Umiling ako. I don't think makakatulog ako pagtapos ng mga nakita at nangyari ngayon. Yes, I'm tired pero naiisip ko palang na palagpasin ang pagkakataon pakiramdam ko sobrang mahuhuli na ako. Ang gusto ko lang ay magpaliwanag. And maybe in that way, maging okay ako kahit papaano.

"Please, Evo."

"No. Rest then we'll talk." He said in his authoritative tone. Saka tinanggal ang pagkakahawak ko sakanya.


Hindi ko pinahalatang naapektuhan ako sa ginawa niya. Iniwas ko na rin ang tingin ko para hindi ko makita ang paglabas niya.


Pagkasara naman ng pinto ay bumuhos na ulit ang luha ko.


Wala akong planong tanungin siya kung sino ang kasama niya kanina. Pero hindi maalis sa isip ko ang nakita kanina. I can't be jealous. I'm not entitled to be jealous, but it fucking hurts. Nasasaktan ako kahit hindi naman dapat kasi ako ang nang-iwan.


Hindi ako makatulog sa kakaisip. My mom, Greg, company, Evo. Hindi ko na alam saan magsisimula. I feel so helpless.


Alam kong nasaktan ko siya sa ginawa ko at kahit anong gawin ko hinding-hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. Hindi ko na kayang bawiin ang nagawa ko. I should move forward and not backwards kasi wala namang mangyayari. Kahit naman hindi niya ako patawarin, tatanggapin ko. Kahit na mukhang may iba na siya, tatanggapin ko. Hindi man agad but I wouldn't interfere. I should be contented and just hearing my explanation is enough. I mean sobra sobra na. Tanggapin niya man o hindi at least pinakinggan niya ko.


Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto niya dahil kahit anong pilit kong matulog ay hindi ko magawa. Hindi ako matahimik.


Hindi ganoon kalakihan ang unit ni Evo kaya madali ko siyang nakita. Lalapit na ko sa veranda ay nakita kong may kausap siya sa cellphone. Nakasara ang glass door ng veranda kaya hindi ko marinig ang pinaguusapan nila ng kung sino mang nasa kabilang linya but he seems happy kaya kahit hindi ko marinig ay alam kong masaya siya kausap niya. Bahagya akong napaatras dahil doon. Kung noon, hindi ako nagdadalawang isip na lapitan siya kahit na anong ginagawa niya ngayon ay nag-aalangan na ako.


Just This Once [KYRU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon