Chapter Eleven

285 10 5
                                    

#JTO11 Chapter 11


My phone kept on ringing. As much as I wanted to answer it ay hindi ko magawa. Evo's staring at my phone.


"Hindi mo ba sasagutin?" tanong niya at agad naman akong umiling.

"We need to talk, di ba?" tanong ko at itinuon ko na ang atensyon sakanya.

"Yes, but it looks like it's urgent. Kanina pa yan." I gulped.

"I'll just call him back after we talk."

Kumunot ang noo niya. "Him?"

"I just guessed. Unknown number eh."

"Then don't answer it. If it's really urgent he'll text you first. Where do you want to eat?" He asked nang makalabas kami ng building. We're just waiting for his car.

"Don't you have work?" Ma-ingat kong tanong. "W-We can always talk after your work naman. I can wait sa office mo or I can come ulit sa site," Sandali niya kong tinignan bago umiling.

"I already talked to Wade. Kaya 'wag mo ng intindihin. Where do you want to eat?" Napanguso ako. There's no way I can delay this 'talk', Pinaghandaan ko 'to at alam ko namang darating din talaga kami sa puntong ito pero kinakabahan pa rin ako.

"Can we just go to your condo?" I suggested. In that way, I can still think and prepare. "Or pwede rin sa bahay nalang," Pahabol ko pa.


Nang dumating ang kotse niya, agad niya akong pinagbuksan. I quietly sat down while waiting him. Hindi ko nga lang sigurado kung saan kami pupunta dahil hindi naman siya sumagot.


Sa buong oras ng biyahe ay tahimik lang siyang nagmamaneho. Hindi ko rin naman nagawa pang magsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin. Kung dati, we're both comfortable kahit walang pinaguusapan ngayon ay tanging tensyon nalang ang nararamdaman ko at hindi dapat ganito.


Binaling ko nalang ang tingin ko sa bintana. I know a lot had change in the past week. Wala pa man akong dalawang linggo pero sobrang dami na ang nagbago. Maybe Tito Lorenzo was right na nagbago na nga ako. Kasi ang isa sa dahilan kung bakit ako bumalik ay si Evo. Gusto kong magkaayos kami pero iba ang nangyayari. Mas lalo lang kaming napapalayo sa isa't-isa.


Nang makarating sa parking ng condo niya mabilis siyang bumaba. Akala ko ay iiwan niya na ako pero pinagbuksan niya pa rin ako.


"What do you want to eat?"

"Kahit ano nalang," Tanging nasabi ko. At time like this, hindi ko na maiisip pang kumain, specific food pa kaya.

"I'll just order Japanese then." Sabi niya na ikinagulat ko.

"You're not going to cook?"

"No. Pagod ako." Wala akong nagawa kung hindi ang tumango.


I sighed. Pabagsak akong umupo sa sofa niya pagpasok niya ng kwarto. Hindi na rin naman ako sumunod.


Tinignan ko ulit ang saradong pinto ng kwarto niya na halos kalahating oras ko ng tinititigan pero hindi pa rin siya lumalabas. Gustuhin ko mang katukin ay hindi ko na ginawa.


Inabot ko ang picture frame sa side table dito, it's a picture of us. Naalala ko ito. This photo was taken at our first year anniversary. Sobrang saya ko noong panahon na 'yon dahil napatunayan kong may kaya palang magmahal sa akin. At ang naiisip ko lang sa panahon na 'yon, he's the one I'm going to marry. Na wala ng makakasira sa amin. Pero nagkamali ako. Never kong naisip na ako pala ang magiging dahilan ng ikasisira namin. I gave up.

Just This Once [KYRU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon