Sino nga ba ako sayo
Tao lang naman na nagmamahal ng totoo
Pero pinaasa't iniwan mo
At itinaboy ang puso
Ngayon alam ko na
Ngayon masasabi ko na
Na ISA Ka palang miyembro sa grupo nila
Manloloko ang tawag ko sa kanila
Tuwing pumapatak ang luha sa aking Mata
Masasabi kong ito'y mahalaga
Subalit ako'y nagagalit at naiinis sa sarili
Kapag ikaw ang dahilan ng aking paghikbi
Kahit hindi naman ako ang dahilan ng iyong pagngiti
Balang araw masasabi kong ayoko ng magmahal
Nang lubos at banal
Na kaya kong paabutin sa kasal
Ayokong mangako sa sarili na ayoko na
Ayokong mangako sa sarili na hindi na talaga
Nais ko lang paalalahin ang pusong
Sana iba na
Iba na ang taong aking makakasalamuha
Ang taong ako ang dahilan ng pagluha
At siya ang dahilan ko ng pagkatuwa
Dahil isang araw masasabi ko nalang kapag ika'y aking nakita

BINABASA MO ANG
Spoken Poetry & Poem (Hugot)
PoetryGiving up is never easy But Holding is on is always hard....If your inlove or brokenhearted ..must read this