Nakalilitong pag-ibig

527 2 0
                                    

Ako'y nalilito sa aking nararamdaman
Puso at isip ay naglalaban
Hindi ko alam kung san pupuntahan
Ang sarili kong tila naguguluhan
Ako'y nalilito sa aking nararamdaman
Kung puso nga'y nararapat siyang pagbigyan
O ang utak kong nararapat na siyang pakawalan
Ano ba ang aking papakinggan
Ang pinaglalaban ng isip
O ang sinisigaw ng puso at ng mga nasa paligid
Totoo nga bang kakainin ko lang ang aking mga sinabi
Na hindi siya mamahalin at uunahin muna ang sarili
Subalit malaking impluwensiya ang kanyang nahatid
Hindi nga ba maapektuhan ang aking dibdib
Sa mga salita niyang tila akoy kinikilig
Subalit bakit tila hindi ko kayang suklian ang pag-ibig
Bakit tila parang may pumipigil
Bakit tila aking pinipigil
Kahit alam ko sa sariling ang tanging sagot ay masakit
Masakit , oo man o hindi
Nalilitong nararamdaman
Kailangan na ba ng kasagutan
O kailangan ko pang patunayan
Na ang pag-ibig ay hindi minamadalian

Spoken Poetry & Poem (Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon