Mahal nga ba talaga kita
O naaawa lang ako na saktan ka
Mahal nga ba talaga kita
O natatakot Lang na palayain ka
Ewan ko ba kung bat ako nalilito
Sa isang kompetisyong ako ang hurado
Isip at pusoy pagpipilian ko
Alin nga ba ang pupuntahan ko ?
Isip koy sinasabi na gawin ang tama
Na maging tapat at palayain ka na
Subalit puso'y tila nakokonsensya
Sapagkat mali ang saktan ka
Ipinaramdam mo sakin na ako'y mahalaga
Kung kaya't ang saktan ka ay hindi ko magawa
Subalit ang mahalin ka'y di ko rin magagawa
Sapagkat ako'y umaasa pa rin sa iba
Alin nga kaya ang aking pipiliin
Ang puso mo'y papasukin
O tangi nalang na tatanggapin
Na oo man o hindi ay masasaktan ka rin
Nais ko na sanang pigilan
Ang iyong kaadikan
At katangahan
Sa aking kagandahan
At kaugalian
Subalit ako'y nasasaktan ng sobra
Na ang desisyon ko'y isang panghuhusga
Sa iyong pagmamahal ng tapat at tama
Na Hindi masuklian ng isang tulad Kong tanga
Isip ko na nga'y nangingibabaw
Subalit puso'y patuloy na sumasawsaw
Kung kaya't ako'y tila natutunaw
Sa kompetisyong sing init ng araw
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry & Poem (Hugot)
PoetryGiving up is never easy But Holding is on is always hard....If your inlove or brokenhearted ..must read this