Hold on or Let Go?

634 3 0
                                    

hould I Hold on ?
Or should I let go?
Mga katanungang tila aking nabibigo
Sapagkat ako'y tila lubos na nagtatago
Sa mga katanungang papipiliin ang puso
Dapat na nga bang pakawalan ng puso
Ang nag-iisang taong nagngangalang 'mahal ko'
Nag-iisang taong tila binubuo ako
Subalit binubuo nga ba
O winawasak ng totoo
Ang mga kasinungalingan at pantasyang lumalabas sa isip ko
Magpapakatanga na nga lang ba
Sa kanyang mga katagang , alam kong wala lang sa kanya
Should I Hold on
Or should I move on
Masakit panghawakan ang taong hindi Ka kayang ipaglaban
Subalit para sakin mas masakit ang ipaglaban ang taong hindi ka kayang panghawakan
Tanga na nga Kung iisipin
Tanga na nga kung sasabihin
Bastat ang alam ko lang mahal ko siya ng buong dinggin
Kahit na wala siyang balak akong mahalin
Katangahan muli na aking maituturing
Ginusto ko naman Ito
Hahayaan ko nalang munang lasapin ng puso
Ang mapait na katotohanang tila ako lang ang bumubuo
Ako Lang ang bumubuo ng aking pagkatao
Sana isang araw
Ako'y matauhan
At handa ka ng pakawalan
Kahit na alam kong wala namang karapatan
Kahit na alam kong matagal ka ng may kalayaan
Subalit anong magagawa mo , minahal kita ng lubusan

Spoken Poetry & Poem (Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon