Kasalanan

196 1 0
                                    

Kasalanan nga ba na magmahal ang isang tao
Kasalanan ba mahulog ka at hindi sinalo
Kasalanan ba na umasa ka, kahit walang kayo
Kasalanan ba na mahalin mo siya ng buong-buo
Kasalanan na aking maituturing
Ang pag-ibig na aking ikinaduling
Kasalanan na aking iisa-isahin
Upang ang katangahan ay bigyang diin
Kasalanan ko ba
Kung may mahal siyang iba
Kasalanan ko ba
Na minahal ko siya ng sobra
Alam kong iba ang kasalanan
Subalit katangahan ko'y iyan ang ipapangalan
Kahit na alam kong isa lamang kamalian
Ang mahulog sa taong may ibang kinaadikan
Kasalanan ba na sa pag-ibig ay maging bobo
Kasalanan ba na dito tayo'y nagpapa-uto
Kasalanan ba na ginagawa natin itong bisyo
Kahit na sa huli alam nating tayoy talo
Kahit na sa huli alam nating isa lamang ang papatak
Nasa huli ANG puso'y masasaksak
Na ang mga luha ay tatagaktak
At ang puso ay mawawasak
Oo na , kasalanan na
Kasalanan na naman na umasa
Kasalanan na naman na pinaasa
Kasalanan na naman Kung kaya't nagmukhang tanga
Kasalanan ko na naman
Kung bakit sa laban
Ako'y uuwi ng luhaan
Kasalanan ko na naman
Kung bakit ang puso'y
MULING masasaktan
Lagi na lang bang mali
Lagi na lang bang magiging kasalanan
Lagi na lang bang ako'y masasaktan
Please lang Sana iba na
Sana wag ng magpakatanga
Sana yung hindi na paasa
Kahit alam kong sobra lamang na umasa
Dahil sa mga pantasya
Na aking nababasa
Kasalanan na
At nananalangin pa
Na sana iba na
Iba na ang taong mamahalin ko ng sobra
Yung karapat-dapat kong ikatanga
Yung nararapat sa puso kong mamon
Na ngayon ay aking inaahon
Sa karagatang nanglamon
Sa puso kong muling iniipon

Spoken Poetry & Poem (Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon