Sanay na kong hindi maging okay kaya okay lang
Sanay na kong hindi maging okay kaya sige lang
Sanay na kong hindi maging okay kaya go lang
Sanay na kong hindi maging okay kaya okay lang
Dahil Simula nung umalis ka ng walang dahilan
Umalis nang wala man paalam
Nang hindi man lang ako sinabihan
Nasanay na kong hindi maging okay kaya okay lang
Simula nung lumisan ka
na parang akala mo ay walang nag-aalala
Nandito ako sa tabi at nagluluksa
Nasanay akong hindi maging okay pero okay lang
Simula nung sinaktan ka niya
At nandiyan ako sa iyo pinupunasan ang iyong luha
Simula nung gumuho ang mundo mo
Nandyan ako sa tabi mo para pasanin ito
Nasanay akong hindi maging okay pero okay lang
SIMULA nung nagkaayos kayo
Yung bumalik ka na ulit sa dating palangiti at bibo
Nung nabuo ko na muli ang malungkot na sarili mo
Yung bumalik ka na sa kanya kasi siya ang mahal mo
Nasanay na kong hindi maging okay pero okay lang
SIMULA nung siya ang pinili mo
Kahit na sinaktan ka niya , pinaglaruan at niloko
Kahit na ako ang nasa tabi noong wala ka sa huwisyo
Simula nung inakala mong aabot kayo hanggang dulo
Nasanay na kong hindi maging okay pero okay lang
Tinanggap ko ang sakit
Ang pait at pagpupumilit
Tinanggap kong kaibigan ang turingan
Tinanggap ko ang sampal ng katotohanan
At doon nasanay akong hindi maging okay pero okay lang
Noong nagkalabuan kayo
At hindi na luminaw pa ang salitang TAYO sa inyo
Noong tuluyan nang naglaho
Tuluyang naglaho sa piling ko
Noong hindi na kita nakita
Umalis ka sapagkat nasaktan ka niya ng sobra
Noong lumuluha ka sa kanya
At ako naman ay nagluluksa sa iyong pagkawala
Tila nalimutan mo ko ganon kabilis
Tila walang naiwanan sa pag-alis
Mahal ininda ko lahat maging ang pagtitiis
Pero bakit ganun at siya pa rin ang iyong namimiss
Nasanay akong hindi maging okay pero okay lang
Nasanay akong nandyan ka kahit iba ang iyong kailangan
Mahal nasanay ako
Nasanay ako
Mahal nasanay akong malamig na ang gabi
Nasanay akong hindi ka na katabi
Nasanay akong may iba na saking ngiti
Simula nung nawala ka , hindi na tulad ng dati
Mahal nasanay akong mag-isa
Nasanay akong umiyak sa iyong pagkawala
Nasanay akong nasa kwarto at nilalamon ng lungkot
Nasanay akong palaging katabi ang unan at ang kumot na babalot sa bangungot
Pagkat umalis ka
Umalis ka ng walang dahilan
Nang hindi ako sinabihan
Umalis ka at sinabing GUSTO MO KO
UMALIS KA AT SINABING AKO ANG GUSTO MO
pero bakit, bakit umalis ka at hindi man lang sinabing hindi mo kaya
Hindi mo kayang panindigan ang iyong nadarama
Mahal nasanay akong bilangin ang segundo, minuto at oras
Nasanay akong mag-abang sa natatanging bukas
Nasanay akong umiyak sa naiwang bakas
Nasanay akong sisihin ang tadhana sa di pagiging patas
Nasanay na ko
Nasanay na ko sa bagay na di ko inaasahan
Nasanay na ko
Nasanay na kong umiyak sa kabila ng kasiyahan
Nasanay na ko
Nasanay na kong makipaglaro kay tadhana ng tagu-taguan
Nasanay na kong magtago sa sakit ng katotohanan
Nasanay na kong tumakbo at magbilang
Nasanay na ko
Nasanay na kong hindi maging okay pero okay lang
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry & Poem (Hugot)
PoesiaGiving up is never easy But Holding is on is always hard....If your inlove or brokenhearted ..must read this
