Tunay na kaibigan
Hindi dapat pakawalan
Kahit ano mang problema
Nararapat na magdamayan
Tunay na kaibigan
Hahayaan bang masira sa isang chismisan
Ang tunay na kaibigan
Hindi makikinig sa mga kaplastikan
Minsan rin ay nagkakaroon ng selosan
Subalit iyon ay dala ng pagmamahalan
Pagmamahalan bilang kaibigan
Sila ang mga taong pag nadapa tutulungan ka
Subalit tatawanan ka muna
Sila yung mga taong tuturing kang kapatid
Kung kaya't nakiki-nanay na rin
Sila yung mga taong masasabihan mo ng problema
Kahit na alam mong nakakahiya
Sila yung mga taong iiyakan mo
Kapag nasira na ang iyong mundo
Sila yung mga taong panghahawakan mo
At ang magiging isang dahilan mo
Kung bakit laging mahalaga ang buhay ng tao
Tunay na kaibigan
Wag na dapat pakawalan
Ito'y nararapat ipaglaban
Kaysa sa pag-iibigan
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry & Poem (Hugot)
PoetryGiving up is never easy But Holding is on is always hard....If your inlove or brokenhearted ..must read this