Sana ikay aking makausap
Na sa twing ikaw ay makakaharap
Sana hindi na pigilin ang matang kumislap
Na sana matupad ang aking pangarap
Ang pangarap na ikaw ay mayakap
Nung ikay aking nakilala
Hindi na mawala sa utak ang iyong mukha
Nung sinabi mong akoy gusto mo na
Tumalon ang puso sa sobrang sigla
Pero bakit tila torpe mo'y nanguna
At hanggan tingin lang ang aking nakukuha
Sa twing ikaw ay nakakabangga
Bakit tila hindi mo ko kausapin
At sabihin ang sinasabi ng damdamin
Bakit hindi mo ko kayang tunay na mahalin
Puro salita nalang ba? At hindi mo gagawin
Sana ikaw ang aking makatuluyan
Na ang pag-iibigan ay mauwi sa kasalan
Hindi lang sa kasalan kundi sa anakan
Na magiging alamat ng ating pagmamahalan
Ikaw ang nais na mapangasawa
Sana mahalin ako ay iyong magawa
At mangangakong hindi magsasawa
Sa hirap man o sa ginhawa
Sana lahat ng iyon ay magkatotoo
Upang ang puso koy hindi mabigo
Sa mga negatibong nasa isip ko
Na hindi kayang pigilan ng pusong ito
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry & Poem (Hugot)
PoetryGiving up is never easy But Holding is on is always hard....If your inlove or brokenhearted ..must read this