Tatlo ang iniibig

192 2 0
                                    

Tatlo ang kanyang iniibig
Ang sarap buhusan ng mainit na tubig
Ang kalandian niyang namunga sa dibdib
Sa dibdib nga ba o Sa bibig
Sa bibig niyang puro kasinungalingan ang hatid
Sa bibig niyang ginagamit pangtitig
Kung kaya't hindi niya makita ang tunay na umiibig
Hindi niya makita akong patagong tumitig
At hindi niya naisip na nais kong matulog sa kanyang bisig
Subalit gusto Kong itigil
Ang dati kong ninanais
Sapagkat ngayon aking ito'y nakamit
Nakamit subalit napakasakit
Na isa Ka sa tatlong kanyang iniibig
Gusto kong itigil
Gusto kong pigilin
Gusto kong bumalik
Sa nakaraan na aking tinangkilik
Sapagkat masakit ang may kahati
May kahati sa iyong Pag-ibig
Tatlo ang iniibig
Sana'y isa na lang
ISA na lang at sana ako na lang

Spoken Poetry & Poem (Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon