Ano kaya ?
Ano kaya ang totoo
Ang positibong sinasabi nila
O ang negatibong iniisip ko
Ano kaya?
Ano kayang paniniwalaan ko
Ang tinitibok ng puso ko o
Ang sinisigaw ng isip ko
Minsan aking iniisip
Kung Mahal mo nga ba talaga ako ?
Napaparamdam mo nga ito
Subalit kulang pa para sa puso ko
Sapagkat kailangan ko ng kilos at gawa mo
Na tila kayang ipagmalaki ako
Minsan aking iniisip
Kung ano kayang ginagawa
Ng nasa likod ng aking kausap
Bakit hindi niya magawang ako'y iharap
Sa lahat ng taong gusto siyang mapangarap
Minsan rin ay aking iniisip
Kung magtatangahan o isusuko na ang pag-ibig
Sapagkat puso mo'y tila Kay manhid
Upang hindi maramdaman ang aking nais ipabatid
Minsan iniisip ko
Kung ako nga ba'y sayo
Sapagkat Hindi mo maiwasan ang mga bagay na ayaw ko
Hindi mo kayang umiwas sa mga ito
At huli na noong ginawa mo Ito
Kailangan pa bang sabihin sayo
Ang nararamdaman ng puso kong totoo
Kailangan pa bang magalit sayo
Upang maparamdam mo lang ang ninanais ko
Kailangan pa ba ?
Sapagkat para sakin ay hindi na
Hindi na kakayanin pang maulit
Ang mga pait at sakit
Na iyong hatid sa damdamin
Ngayon aking babalaan ang sarili
At pangangakuan ang sarili
Na isang pagpaparamdam mo lang
Na ako'y walang silbi
Maaari ko na talagang sabihin
Ang katagang AYOKO NA , I SET YOU FREE
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry & Poem (Hugot)
PoetryGiving up is never easy But Holding is on is always hard....If your inlove or brokenhearted ..must read this