Aking mahal (spoken poetry)

393 1 0
                                    

Eto na naman ako
Binabasa ang mga katha na ginawa ko
Nais ko sanang iaalay to sayo
Subalit ano nga ba't umaasa pa rin ako
Umaasa na magiging tayo
Umaasa na mapapasayo
Umaasang mabubuo
Muli ang puso na iyong ginulo
Mahal ,oo Mahal kita
Mahal kita ng sobra at higit pa
Subalit ako'y Mahal mo nga rin ba ?
Sapagkat sa iyong kataga'y ako'y umasa ng sobra
Mahal sinabi mong gusto mo ko
At ang tanga ko na Mali ang pagkakaintindi ko
Na magkaiba ang gusto sa salitang mahal ko
Ayan tuloy humabol
Nagmukhang aso ang bobo
Mahal alam mo bang sa tuwing nababanggit ang iyong pangalan
Dalawa lamang ang pumapasok sa isipan
Kung iiyak ba ? O kikiligin na
Dahil hindi ko alam kung anong ganap na
O Kung may ganap ba talaga
Mahal ..
Oo Mahal kita
Oo tanga na
Dahil ako'y nagpaniwala
Sa iyong mga salitang
Wala naman palang halaga
Mahal parang ako lang yung salitang sinabi mo
Gusto Kita
Parang ako ang iyang mga kataga
Dahil sakin ito'y mahalaga
Subalit sa iyo'y normal Lang pala
Ang tanga ko .. oo
Ang bobo ko .. oo
Mahal kita .. g*go
Walang ganun sa mundo
Pasensya na kung namura kita
Ginaya ko lang ang iyong ginawa
Wala akong halaga diba
Ganun ka rin kasi mura Ka nga
Mahal bitter ako alam mo ba
Kahit ilang ampalaya pa pakain mo
Hindi ko Yan kakainin g*go ka ba
Magbibigay ka na nga lang ng regalo
Ampalaya pa
Mahal .. hanggang litrato na lang kitang nasisilayan
Nakaraang pagkikita natin noong mukha ko'y super saiyan
Bwisit na tadhana yan
Lakas makipag-asaran
Ganun na ba siya kasweet para tayo ang paglaruan
Mahal
Sa huling kataga na aking sasabihin
Sanay ito'y yong seryosohin
Sapagkat ang mga katagang ito'y matagal kong dinidibdib
Hindi Lang halata
Kasi wala akong ganun
Mahal
Mahal kita
At alam kong ikaw lang talaga
Dahil kapag may ibang unaaligid
Sa aking paligid
Natatakot ang puso na baka ikay magalit
Ganun ako katapat
Na tipong ang dagat na maalat
Ay kaya kong patamisin
Na may kasamang lambing
With matching dancing
Mahal
Nasasaktan ako
Nalulungkot ako
At Ewan ko kung bakit
Na ang simpleng pang-aakit
Ng mga taong nasa yong paligid
Ako'y nagagalit
Alam kong selosang tao ay pangit
Subalit isang pangloloko mo iyong mararamdaman ang sakit
Sakit dahil sa iyong pagdikit
Sa mga babaeng aking ikinaiinis
Mahal
Konti na lang ang tsansang natitira
Ito'y aking iipunin muna
Sapagkat ako'y naniniwala ng sobra
Na ang relasyon natin ay mamumunga
Mahal
Ito na ang katagang nais Kong sabihin.
Sanay iyong ibigin at gawin
Sapagkat sakin lamang Ito manggagaling
Ako bilang babaeng nagustuhan mo
Na nahulog ng sobra sayo
Kulang nalang ay gawing subject ko
Subject sa aking puso
Na nangangako
Na ikaw lang
Ikaw lang talaga
Kahit na hindi na ako
Pero sana ako pa rin
Lagi mong tatandaan
Na binago mo ako
At pinatunayan kung sino ako
Ikaw lang ang Mahal ko
Kahit iba na ang gusto mo
Mahal
Pasensya kung ang tanga ko
Upang hindi maintindihan ang gusto sa mahal
Pasensya kung nahulog ako
Nahulog ako kung kelan hindi mo na gusto
Yan tuloy walang sumalo
Iiyak nalang muli ang puso
Mahal
Ang Katha Kong Ito ay nagmula sa puso
Kung kaya't nais kong mabasa mo ito
Sapagkat ang tulang Ito ay may kasamang paghikbi
Pagngiti
At pagnanais na ikaw ay makatabi
Mahal
Ayaw kitang sukuan
Ayaw kitang palayain
Sapagkat ang puso ay magiging sakitin
Subalit anong magagawa ko iyo Ng tinigil
Ang koneksyong aking ninanais
Mahal pasensya
Mahal paalam
Mahal kita
Pero titigil na
Mahal kita
Ayun ay sobra
Aking Mahal

Spoken Poetry & Poem (Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon