Magkaibang kamay na sa atin nagmula
Hindi maipaghihiwalay nang sinumang kontrabida
Magkaibang kamay na ating dala-dala
Na tila kinakaway sa agos ng tadhana
Magkaibang kamay na hawak ng bawat isa
Subalit ating gagawin na isang lasa
Lasang matamis ang pagkakatimpla
Sintamis ng mga kataga
Katagang saksi sa ating dalawa
Magkaibang kamay ating panghawakan
Upang hindi mauwi sa sukuan
Ang kinabukasan
Ng ating pagmamahalan
Magkaibang kamay , magkaibang puso
Kapag pinagsama matatawag na kapuso
Ang mga taong sa ati'y suportado
Ngayoy Kapamilya na para palakpalakan ng HURADO
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry & Poem (Hugot)
PoetryGiving up is never easy But Holding is on is always hard....If your inlove or brokenhearted ..must read this