"Anak dito ka lang ha? Wag kang aalis. Babalik lang si mama."Iling ako ng iling.
"Mama! Wag nyo po akong iwan. Natatakot po ako."
"Shhh. Babalikan lang ni mama si papa anak ha. Wag kang matakot. Nandyan naman si anna para bantayan ka. Basta wag kang aalis dito anak. Mangako ka."
Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko man gaanong naiintindihan si mama, alam kung iiwan nya ako sa masubak nga kagubatan.
Tinignan ko lang si mama habang tumatakbo pabalik sa nilakad namin. Takot akong nakatingin sa paligid ko. Gusto ko ng umuwi.
"Anna! Wag mo kung iiwan ha." Sabi ko sa batang dragon na natutulog sa aking tabi.
Natatakot na ako sa paligid dahil sa subrang dilim. Kaya, iniwan ko si anna na natutulog at tumakbo pabalik sa bahay.
"Patayin ang mga salut na yan. Patayin!" Rinig kung sigaw ng mga tao sa labas ng bahay.
Nakita ko si mama na ginapos sa isang kahoy na may mga nakapalibot na maliliit na sanga. At nakita ko rin si papa na nakahandusay sa lapag.
"Huhu mama!" Iyak ko habang nakatanaw sa malayo.
Bago pa ako makalapit ay napalibutan na ng apoy si mama.
"Mama!" Sigaw ko at tatakbo na sana ako ng humarang si anna sa akin.
"Umalis ka anna. Si mama sasaktan nila. MAMA!" Iyak ko.
Umalis na ang mga taong pumatay sa mama't papa ko. Kitang kita ko ang walang malay kung ama, naka dilat pa ang mga mata at malungkot rin ang mga mata nito. Bakit nila pinatay si papa? Dahil ba nag mahal siya? Nag mahal siya ng isang witch? Ang dark witch kung ina?
Bakit ganun! Wala naman ginawang masama ang mama ko sa mga tao, dahil hindi niya kayang manakit sa katulad ni papa. Bakit sila ganun? Dahil sa kanila, wala na akong tinuturing na mama at papa. Patay na sila. Wala man lang silang awa sa amin. Bakit ganun sila?
Ngayon mag isa na lamang ako, pati bahay namin wala nah. Walang wala na.
BINABASA MO ANG
The Deity Of Magical World
FantasyShe's the goddess that everyone doesn't know. A goddess that people hated for. A goddess that wants to be happy, but distined by a nightmare. Can this goddess became bad or not? -Abangan-