Chapter 1

63 4 0
                                    


Naglalakad ako papasok sa guild, habang kumakain.

Ako nga pala si Aphrodite Jade Potter. Isa sa guild member ng Meiro. Ang Meiro ang nasa lowest rank na guild sa mundo. Hindi naman kasi lahat malalakas dito eh, hindi katulad ng ibang guild.

Ang 1st rank sa Magi ay ang mga Royal Guild. Sila yung mga prinsesa at prinsipe na may kapangyarihan at gustong tumulong sa Magi world.

Ang 2nd rank ay ang G&G guild, o tamang sabihin ay God and Goddess Guild. Mga assumera at assumero nila noh? God and Goddess, pwehh. Eh mukha nga silang palaka eh. Hahaha! Lahat nandyan sa guild nayan ang kina iinisan ko. Kasi naman, napakayabang ng mga tao dyan.

Next ay ang Roses Guild. Mga babae lang pwede dyan maka pasok, bawal mga lalaki. Lahat din sila maganda kaya kung sasali kaman ay talagang maganda ka at malakas.

Pang 4th ay ang Lux Guild. Mga white Witch lang ang nandiyan. Mga witch na gumagawa ng potion, nakaka predict ng future events, nakaka heal din sila. Kaya hindi sila gaanong known sa pakikipaglaban.

At ang pang huli ay kami, ang Meiro Guild. Hindi kami sumasali sa mga event sa Magi kasi naman. Hindi naman kami gaanong magaling makipag laban. Hindi kami malakas, at talagang sa maliliit lang na mission ang kaya namin. Well! Kasi naman lahat ng nasa low class na nag-aaral nun sa magical academy dito napupunta.

May galit yata ang ilan sa guild. Hahahaha! Hindi kasi kami nakikinig, at hindi sumusunod sa mga rules. Well! Kasalanan ba naming hindi kami ng eenjoy basta may mga bawal bawal. Pero hindi naman kami masamang tao eh, kahit kaylan ay wala pa kaming dinamay na tao.

=_=

Mga taong mapanghusga. Kung hindi dahil sa kanila ay buhay pa sana ang mga magulang ko. Marami rami narin ang nangyari sa buhay ko ng nawala sila. Gusto kung magalit ngunit ay hindi ko magawa.

Isa akong batang pinagpala. Nag iisang goddess na nabubuhay sa mundo.

Noong bata pa ako ay matagal na daw walang god or goddess na pinanganak. Akala nila na wala na, dahil 300 years na rin ang nangyari na may pinanganak na god, ang huling pinagpala. Ngunit hindi nila alam ay sa 300 years na yun ay nabuhay ako, isang goddess na pinagpala. Makikita ang isang crown na simbolo sa parte sa akin. At yun ay nasa ulo ko, hindi makikita dahil sa mga buhok na nakatabon duon. Nakita ito nila mama ng pinanganak ako, at nilihim nila ito dahil isa nga akong anak ng dark witch. At baka dahil duon ay mapahamak ako.

May ginawang seal sa akin si mama para hindi ko malabas ang lahat kung kapangyarihan. Dahil muntikan na ako makapatay dahil sa lakas na kapangyarihan na hindi ko macontrol. Kapangyarihan ng isang goddess at witch na nakuha ko sa aking ina.

"Aph!" Sigaw ng isang meiro.

"Bakit?"

"Pinapatawag ka ni head master. May mission ka yata"

Tumango ako at naglakad na papunta sa office ni master. Tinapon ko muna ang stick bago ako pumasok sa luob.

"Master pinapatawag nyo po ako?" Tanong ko.

"Ma-upo ka muna aph!" Sabi ni master Yan.

Umupo ako sa harap nito, at tinignan ako ng seryoso.

"Sasali tayo sa gaganaping battle of the highest rank."

"What? Bakit master? Diba sabi nyo wala tayong paki alam duon, dahil alam mong malakas talaga tayo ngunit hindi pa lumalabas ang totoong kapangyarihan namin."

"Tatanggalin tayo kapang hindi  na naman tayo sasali aph. Alam kung mahihirapan tayo dito, pero ang gusto kung gawin ay mag saya tayo sa laro, kahit hindi nananalo." Pahayag nito.

"Okay po master. Naiintindihan ko kayo."

Si master yan ang tinuring kung ina, ng nawalan ako. Siya ang bumuhay sa akin, nag aruga, binihisan at nagpabago ng pananaw ko. Laking pasasalamat ko sa kanya kaya hanggang ngayon ay nasa tabi parin ako, kahit marami ng humuhusga sa kanya. 10 years narin siya walang kapangyarihan. Oo wala nag powers si master dahil sa lage nitong ginagamit, at may limit ang ilang mga kapangyarihan at isa siya sa meron nito.

"Ika isa mo ang lahat aph, at duon ko sasabihin sino ang kasali. Makaka alis kana."

Tumango na lamang ako bago umalis. Hindi ako papayag na mawala ang guild na ito. Ito na ang bahay ko at pamilya na naiwan.

Tinawag ko ang lahat at pinapuntang sa activity area kung saan nagaganap lage ang kasiyahan.

"Pinatawag ko kayo lahat, dahilan ay kaylangan nating sumali sa paligsahan ng rankings sa guild. Kung hindi ay mawawala na ito, at hindi na muling susubong pa." Umingay ang nasa paligid at parang hindi sila makapaniwala sa nasagap na balita.

"Kaya ay sa anim na grupo na sasali ay pipili ako para sa paligsahan." Tumahimik ang nasa paligid para alamin kung talagang makakasali sila.

"Ang makaka sali ay sina, Shanny Len Astin, ( omo! Kasali ako?) Spring Sy (what the!) , Dark Loise Castro ( seryoso?), at ang tatlong S class natin nasi Lara Suarez, Eino Lavender at Aphrodite Jade Potter. Wag nyo sana akong biguin Member of Meiro."

"Gagawin po namin ang lahat master" sabay naming sabi ng taga S class.

Ang S class ang pinaka mataas na rank sa guild at dahil sa mahirap itong abutin ay tatlo lamang kami, sunod ang A class na malalakas din at ang B class na pang huli sa rank, malakas rin naman sila ngunit hindi pa nakakalabas ang tunay nilang kapangyarihan. Kunti lamang kami sa guild, ngunit kami ay nagkaka isa.

May Isang buwan kami para maghanda sa laro.

=_=

Sabi ko na nga ba kasali ako eh.

Tinitignan ko ang hawak kung kwentas. Nabigay ng taong una kung minahal at huli kung mamahalin.

"Rafh! Sana ay magkita ulit tayo."

The Deity Of Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon