Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.
Tinignan ko ang nasa paligid, at nakita ko ang tulog na si spring, dark, shan, at si eino. Habang umiinom naman ng tea si lara.
"Morning" sabi ko
"Gising kana pala aph, gusto mo tea?" Sabi nito.
Umiling ako at napahawak sa ulo ko. Nabagok yata ito nang tumilapon ako. Damn! Ang tanga ko kasi eh!
"Mabuti naman walang masyadong nangyari sayo, nahimatay kalang dahil na bagok yung ulo mo pagtilapon mo. Mabuti nalang may healing seed pa tayo"
Ngumiti ako dito.
"Ok na ako. So anong nangyari sa laro?" Tanong ko
Nagbuntong hininga ito " Tayo yung pinaka mababang score na nakuha. Yung na una ay yung Royal Guild na may 28 points, ang 2nd naman ay ang G&G Guild na may 20 points, tapos yung Lux Guild na may 18 points, ang Roses Guild naman ay 14 points at ang pang huli ay tayo, na may 10 points." Sabi ni lara
"Marami pa namang laro ang mangyayari hindi dapat tayo ma lungkot. Hmm" ngiti kung sabi.
"Nga pala aph, pinagtataka ko lang eh! Bakit hindi ka umilag ng paparating na ang prinsesa? Saan kaba kasi nakatingin aph?"
"Wala yun lara" sabi ko sabay tayo at pumasok sa cr.
Hahaysss! Nakaka distract talaga ang pogi na yun.
Ginawa ko na ang ritual ko every morning, sabay labas ko sa cr. Nakita kung gising na silang lahat.
"Aphhhhhh!!!" Sigaw ni shan
Nag teleport ako sa tabi ni lara, nang tumakbo ng mabilis si shan upang ako ay hagkan. Embis na ako yung ma hug nya, ay ang floor ang kayakap nya haha.
"Ouch! Bat ka nag teleport, sakit nun ah" sabi ni shan.
"Hahahahaha!" Dark
"Wala bang masakit sayo aph?" Ngiting sabi ni spring.
"Wala naman, ok na ako" sabi ko
"Ito!" May nag abot naman sa akin ng inumin.
Napatingin ako kay eino nang binigyan nya ako ng tea.
"Kaylangan mo yan dahil sa nangyari" sabi nito sabay lakad pa labas.
"Ayieeee!!!" Shan
"Ang sweet talaga hahaha, bagay kayo" sabi ni spring.
"Tao sila no" dark
"Che!" Spring
"Hehehe" lara
Nagbuntong hininga na lamang ako sa mga kalukuhan ng kasama ko.
——-
NAGLALAKAD AKO pag katapos ko uminom ng tea, wala daw paligsahan ngayon dahil nga marami rin ang may mga sugat na natamo at nag papagaling pa yung ilan.
Nasa market ako ngayon, may tinitignan lang, pag gusto eh bibili.
Nagulat ako ng may biglang humila sa akin, sa subrang sakit ng pagkakahila nya ay napaaray pa ako at muntik ng masubsub kung hindi lang ako hawak sa humila sa akin.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako" sabi ko
Tinaas ko ang aking paa upang ito ay masipa, ngunit parang bato lang ito kasi hindi man lang natinag sa ginawa ko. Lintek! Sino ba tong bwesit na ito.
Pinagsusuntok ko sya kahit alam kung impossible na masaktan ang may hawak sa akin. Nagulat na lamang ako ng bigla nya akong itulak, kaya na pasubsub ako sa lupa. Takte naman ohh!
Talim ang binigay ko sa may gawa nun sa akin, ngunit nung na pag tanto ko kung sino ang saralin ay naglalaki ang mga mata kung nakatingin sa kanya.
"A-anong kaylangan mo?" Tanong ko.
Kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"Hindi ko gusto ang ginawa mo kahapon" sabi nito.
"Mahal na prinsepe ano naman ang ginawa ko sa inyo?" Sabi ko kay rafh
"HINDI MO ALAM ANONG GINAWA MO? ANG GINAWA MO LANG NAMAN AY SIPAIN ANG PINAKAMAMAHAL KO" na pantig naman ang tinga ko sa sigaw at sinabi nya.
Yung masaya kung mukha naging sakit sa salitang iyun.
"L-laro lang naman yun prince rafh"
"Kahit na hindi mo dapat sya sinaktan, alam mo bang muntikan na syang mabali dahil sa sipa mo babae." Napapikit naman ako, dahil subrang sakit na talaga ng ginagawa nito.
"Hindi ko na-"
"Manahimik ka!" Galit na sabi nito.
Damn! Bigla namang tumulo yung mga luha ko, kapag sya ang may gawa talagang subrang sensitive ako.
Napansin kung kumalma ito, at hindi na galit ang nakapaskil sa mukha.
"Patawarin mo ako, p-pero g-ginawa ko lang kung ano ang tama. Kasi kung hindi ako lalaban, paano naman ako? Ako lang yung masasaktan, ako lang yung kawawa. Hindi naman patas kung pagbibigyan ko sya, hindi ko naman sya kamag anak kahit kaibigan" sabi ko sa kanya, habang pinipigilan kung hindi na naman umiyak.
Nakatingin lang ito sa akin, at parang may kung ano sa kanyang mga mata. Parang nasasaktan rin ito, kaso nga lang impossible yan mangyari. Dahil hindi na ako nakilala sa taong pinapahalagaan ako at mahal ko.
"Tsk!" Sabi nito sabay lakad paalis.
Tinaas ko ang mga kamay ko upang sya ay mahawakan ngunit nakalayo na ito sa akin, at iniwan akong nag iisa.
Flashback
"Aph! Aph! Aph!" Nagising naman ako sa isang sigaw, kaya tumayo ako at sinilip ang taong tumatawag sa akin.
"Rafh!" Ngiti kung sabi.
"Hayy! Mabuti na lamang nakita ko ang bahay mo"
"Pasensya na rafh ha? Nakita ko lang kasi ang bahay na ito, wala na ang may ari kaya dito na lamang ako tumira. Sira sira na rin ito, wala akong up-"
"Shhh! Ok lang aph. Ito oh may dala ako."
"Wow! Ang dami naman nitong dala mong pagkain" sabi ko sa kanya.
"Para yan sayo, kain kana" sabi nito.
Kinain ko nga yung mga dala nya, pero hindi ko yun uubusin para may makain ako bukas.
"Dahan dahan lang aph" sabi ni rafh sabay hawak sa braso ko.
Napa aray naman ako dahil dun. Nagulat si rafh at tinignan ang braso ko.
"Aph anong nangyari dito? Bat ang daming pasa?" Galit na sabi nito.
"Kasi ano rafh eh, kumuha ako ng pagkain sa isang manung. Muntikan na ako mahuli, nahawakan kasi nya ako ng mahigpit kaya nakapasa ako rafh. Pero hindi naman gaanong masakit eh, nakatakas pa nga ako." Ngiti kung sabi.
Kita ko ang pag didilim ng mga mata ni rafh, at galit na galit rin sya.
"Hindi ko gusto ang ginawa mo aph, pano kung mapahamak ka? Diba sinabi ko sayo na hintayin mo ako. Ako ang magdadala sayo ng pagkain."
"Ngunit rafh, hindi mo naman ako responsibilidad eh. Ayaw kung dumepende sa ito, baka! Baka iwan mo lang ako bigla" sabi ko.
Tumayo ito at niyakap ako ng mahigpit.
"Ngunit gusto kung dependent ka lang sa akin aph, dahil mahalaga ka sa akin. Hindi kita pababayaan, proprotektahan kita sa abot nang aking makakaya."
Tumingala ako dahil sa kanyang sinabi. Ngumiti sya at hinalikan ako sa noo.
"Rafh"
"Hmmm!"
"Gusto na yata kita" deretsang sabi ko
Nakita ko pa kung panong pumula ang kanyang mukha.
Hehehehe
FLASHBACK ENDS
Tumingala ako para hindi na bumuhos ang mga luha ko, sabay tayo ko sa pagkakaupo ng lupa. Tingnan ko ang daan kung saan dumaan si rafh, bago ako nagpasya na bumalik sa mga kasamahan ko.
BINABASA MO ANG
The Deity Of Magical World
FantasyShe's the goddess that everyone doesn't know. A goddess that people hated for. A goddess that wants to be happy, but distined by a nightmare. Can this goddess became bad or not? -Abangan-