It was June 2000, start na naman ng klase, First Year High School ako noon sa isang co-ed school sa isang bansa sa Middle East. By the way I’m Carlo Gabriel Santos, Gab for short. My family migrated to this country noong 1996. Actually my father started working in this country noong 1989 pero it was only nung 1996 when he decided to bring me and my mom here para naman daw mabuo ulit ang family namin at hindi yung twice a year lang kami kung magkita.
Gab’s POV
Katulad ng curriculum sa Philippines ang sinusunod na curriculum ng school kung saan ako napasok. Lahat ng students dito ay anak ng mga Filipino workers sa bansang ito. At that time, sobrang konti lamang namin, I mean as far as I can remember ang school population ay less than 400, from Nursery to Fourth Year High School na yun kaya kung bago kang student, alam ng halos lahat including ng mga parents namin.
I arrived sa classroom namin 20 minutes before the class starts. While I was looking for a seat, I saw a girl sitting quietly sa third row. Ang amo amo ng mukha niya, ang puti niya at ang ganda niya. Para siyang isang angel, alam kong bata pa ako at that time, pero parang kinilig ako ng makita ko siya. I think this is what they call as Crush. Naghanap na din ako ng upuan ko, at ang pinili kong chair ay yung kitang kita ko siya pero hindi naman magmumukhang obvious na tinitingnan ko siya. As I look at her, napansin ko yung mark niya sa may labi, light brown siya na para bang natuyong champorado at parang nagcompliment pa nga yung mark na yun kasi mas lalo siyang gumanda. Ang sarap niyang tingnan, I mean siya yung tipo ng tao na kahit tingnan mo ng matagal, hindi ka magsasawa.
Dumating na si Ma’am kaya natigil ako sa kakatingin kay New Classmate. I still don’t know her name kasi nahihiya naman akong lumapit para magpakilala. Baka kasi isipin pa niya na mayabang ako which is ayaw kong mangyari kasi kailangan good ang first impression niya sa akin kasi noong panahon na yun, most of my classmates first impression on me is either snob, suplado at mayabang. Sinabi ko na lamang sa sarili ko na nevermind, malalaman ko din ang pangalan ni New Classmate kasi tatawagin siya ni Ma’am sa unahan para ipakilala ang sarili. For the mean time, I will call her Joy kasi sa tingin ko siya ang magbibigay ng ligaya sa buhay ko.
Hindi nga ako nagkamali kasi after maggreet ni Ma’am at magbigay ng kanyang welcome speech including yung mga expectations niya sa amin, tinawag na niya yung mga transferees at new students para ipakilala ang sarili nila. They were like 5 at si Joy yung pinakahuling nagpakilala. Her true name pala is Jessica Dominique Samaniego, but her nickname is Nikky, like us, dinala din sila ng daddy niya para makasama dito. Her family is from Laguna and later on, I found out na yung flat na tinitirahan namin ay nasa baba lamang ng kanila. Her voice is like music to my ears, ang sarap pakinggan and at that moment, I know, siya ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko.
After niyang matapos magpakilala, sinabi ni Ma’am na magkakaroon daw kami ng seating arrangement. And I think this is my lucky day kasi ang seating arrangement ay alphabetical, meaning since Samaniego ang apelyido niya at Santos naman ang sa akin, magkatabi kami. I was so happy and as we all settle down dahil nga nagkakagulo lahat sa pagpunta sa kanilang seating arrangement, I introduced myself to her, I said, “Hi! I’m Carlo Gabriel but you can call me Gab.”
Nikky’s POV
Andito ako sa isang lugar kung saan bago ang lahat para sa akin. Bagong bahay, bagong buhay, bagong school, bagong schoolmates, bagong culture at bagong atmosphere. My dad decided to bring us here para magkasama sama kami kasi ayaw niyang lumaki kami na hindi man lamang niya nagagabayan. I’m the second to the eldest at apat kaming magkakapatid, lahat babae kaya naintindihan ko na lamang ang kagustuhan ni dad na makasama kami. Mahirap sa simula pero alam kong kailangan kong kayanin at itry kasi after all, ito din naman ang gusto ko, ang mabuo ang family namin at makasama ang dad ko sa mga special occasions tulad na lamang ng birthdays, Christmas, New Year at iba pa.
First day sa school, at since bago pa nga lamang ako, wala pa akong kakilala. My dad dropped us early kasi maaga ang pasok niya. Hinanap ko ang room namin at ng makita, umupo ako sa may third row. Halos kakaupo ko pa lamang ng may pumasok na lalaki, hindi man lamang siya bumati o kaya naman ngumiti kaya ang unang impression ko sa kanya ay suplado at mayabang. Nakatayo lamang siya sa may pintuan at parang may hinahanap, naghahanap siguro ng mauupuan naisip ko. At hindi nga ako nagkamali kasi after a couple of seconds nakita ko siyang umupo sa isang upuan na nasa right ko pero 2 rows behind.
After kong magpakilala sa harap, sinabi na ni Ma’am na ang seating arrangement at nagulat ako kasi nung lumapit na ako sa seat ko, nakita ko si Boy Suplado na umupo dun sa katabing chair. Paglapit ko sa chair ko, tumayo si Boy Suplado at nagpakilala may kasama pang ngiti. Ang cute ng ngiti ni suplado kasi may dimples siya pero the way na magsalita siya ay parang may halong yabang kaya nasabi ko na lamang sa sarili ko na tama nga ang first impression ko sa taong ito, mayabang na suplado.