Chapter 10. I'll Be the Greatest Fan of Your Life

10 1 0
                                    

Gab’s POV

I felt something heavy in my stomach, I thought I am dreaming, but when I opened my eyes, I saw an angelic face at bigla kong naalala na dito nga pala natulog si Nikki. Naguluhan ako kasi ang pagkakatanda ko, nasa left side siya ng kama kagabi samantalang ako naman ay nasa right side. First time kong makatabing matulog si Nikki at ngayon alam ko na kung gaano siya kalikot matulog. Her head is in my stomach, perpendicular ang position namin ngayon unlike nung natulog kami na parallel ang pagkakahiga. Natatawa na lamang ako nung makita ko ang position naming dalawa pero naging seryoso ako nung mapagmasdan ko ang mukha niya. Perfect na perfect talaga para sa akin si Nikki at hindi nakaligtas sa aking mga mata ang mala-champorado niyang mark sa may labi niya. Hinayaan ko na lamang na ganon ang position namin, kasi alam ko sa sarili ko na kahit kailan, hindi ako magsasawang titigan ang mukha ng babaeng mahal ko. I slowly brushed her hair using my fingers and while I do that, I can feel my heartbeat becoming stronger and I can feel the sudden rush of blood inside my body. I don’t want to wake her up but I have to because the longer that we stayed in this position, God knows what I can do.

“Bes, gising na, ginawa mo namang unan ang abs ko,” Natatawa kong sabi sa kanya habang tapik tapik ang balikat niya.

“Bes maaga pa, masyado ka namang excited sa contest, tulog pa tayo,” sabi niya habang nakapikit

“Bes, it’s past 12 na, gutom na din ako at isa pa, puno na ng laway mo yung damit ko,” biro ko sa kanya.

“Gago ka talaga Bes, hindi kaya ako tulo laway at isa pa Bes, sorry pala kung ginawa kong unan yang bilbil mo ha, kakahiya naman sa iyo, alam mo na tuloy na malikot akong matulog,” nakatawa niyang sabi.       

Sabay na kaming bumangon at inayos ang pinaghigaan namin. Lumabas kami ng kwarto at pumunta sa dining table. Nakita ko ang note ng Mom ko na huwag kaming makakalimot kumain at they will be coming sa school mamaya to watch me sa contest. Napangiti ako sa note ng Mom ko at kumuha na ako ng pinggan para makakain na kaming dalawa. Pagkatapos kumain at mahugasan ang pinagkainan namin, nagpaalam na si Bes na uuwi para maligo at magprepare. Sabay na kaming pupunta sa school para sa contest. Actually, sasabay ako sa kanila. Kaya pagkaalis na pagkaalis niya, dali dali akong pumunta sa room ko para ayusin ang mga gagamitin ko mamaya. Afterwards, I went straight to the bathroom to take a shower.

The Contest Proper

Gab’s POV 

Kabadong kabado ako habang nasa likod kami ng stage at any moment ay magsisimula na ang program. My parents dropped by earlier to wish me luck and I saw them na nakaupo around 5 rows from the stage. I can see in their eyes that they are very proud of me and they told me to enjoy the moment, na huwag kong iisipin na isa itong contest kung hindi isa itong way para maipakita ko ang talent ko sa ibang tao. As for my bestfriend, she took the job of being my personal assistant. She was at the backstage and siya ang nag-aasikaso sa akin. She is telling me which one to wear and siya ang nag-aayos. She suddenly became my Mother/Mentor/Stylist rather than my bestfriend.

“Bes, mukhang mas tensyonado ka pa kaysa sa akin ha,” biro ko sa kanya

“Siyempre naman Bes, kailangan manalo ka dito and tandaan mo, ako ang iyong Number 1 fan at isa pa pagnanalo ka, itretreat mo ako ng kahit ano. Kayang kaya mo yan at Bes parang awa mo na, ayusin mo yung kanta mo, huwag kang masisintunado kung ayaw mong batukan kita mamaya,” natatawa niyang sabi.

“Guys ready, we will start in 2 minutes.” Narinig kong sabi ng isa naming teacher.

“Bes, Goodluck and bring home the bacon ha,” sabi niya sa akin sabay kiss sa cheeks ko

“Thanks Bes and para saan naman yung kiss na yun,” nakangiti kong sabi, pilit na tinatago ang pagkakilig

“Goodluck kiss yan Bes, yan ang magpapanalo sa iyo,” nakatawa niyang sabi.

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon