Gab’s POV
Nang ma inlove ako sa'yo
kala ko'y pag-ibig mo ay tunay
pero hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay
ang iyong kilay mapag-mataas at laging namimintas
pero sarili kong pera ang iyong winawaldas
“Bes, is that you? At bakit ang aga mong mambulabog?” inaantok kong sagot sa telepono. Kasalukuyan akong natutulog ng bigla na lamang nagring ang telepono sa kwarto ko. Kahit inaantok pa ako, pinilit ko pa ring sagutin ito dahil wala naman akong naiisip na taong tatawag ng ganoong kaaga kaya akala ko importante yung tawag. Laking gulat ko na lamang na bigla na lamang nagrap yung nasa kabilang linya pero ang boses niya ay napakafamiliar.
“Yes bes this is me, I’m back, oh c’mon gumising ka na at tanghali na, bilis may pasalubong ako sa yo,” masaya niyang sabi sa kabilang linya.
“Bes maaga pa, pwede mamaya na lamang, antok na antok talaga ako eh and by the way welcome back,” sabi ko sa kanya.
“Bes, hindi mo ba ako namiss kasi ikaw miss na miss ko na, sige na please, gusto kitang makita ngayon na. Ano ba ng ginawa mo kagabi at puyat na puyat ka?” pagpipilit niya.
“Wala naglaro lang ako ng playstation and I miss you too bes but I really have to sleep kasi antok na antok ako, please mamaya promise babawi ako sa yo,” sagot ko sa kanya, pinarinig ko pa yung hikab ko para lamang makumbinsi siya na inaantok pa ako.
“Too late bes, kailangan mo ng gumising kasi may surprise ako sa yo in 3, 2, 1, Surprise bes,” sigaw niya sabay pasok sa kwarto ko at diretso sa kama ko.
"Bes bakit ka naman bigla biglang pumapasok, buti na lamang hindi ako nakahubad matulog kung hindi nakita mo na ang aking magandang katawan,” pabiro kong sabi sa kanya
“Gago ka talaga bes, at isa pa alam ko naman na hindi ka hubad matulog kaya never na mangyayari yung sinasabi mo hahaha,” natatawa niyang sabi. “At since ayaw mong bumangon sige tatabihan na lamang kita at kakantahan para naman makabawi ako sa ginawa mo noon sa akin bago ka umalis,” dagdag pa niya.
Nagulat na lamang ako at tinabihan niya ako sa kama pero siya ay nakaupo habang nakasandal sa headboard samantalang ako naman ay nakahiga. Sinabi niya na sa lap na lang niya ako umulo at matapos kong gawin yun ay nilaro laro niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.
“Uhm bes tuloy ko yung kanta ko kanina sa telepono ha, alam mo ba minemorize ko yan ng todo todo,” masaya niyang sabi sa akin.
“Ah bes, pwede bang iba na lang na kanta kasi I don’t like the song at isa pa bes bakit mo naman minemorize eh ang baduy baduy kaya ng kanta,” sabi ko sa kanya
“Mr. Carlo Gabriel Santos are you implying na baduy ako ha,” pakunyaring galit niyang sabi.
“Hindi po Ms. Jessica Dominique Samaniego but what I’m trying to say is ang baduy baduy ng kanta and hindi ko magets ang dahilan kung bakit minemorize mo yun,” sagot ko sa kanya.
“Eh sikat siya and besides, okay naman yung kanta eh,” dagdag pa niya.
“Please bes, you can sing any song you want but not that one, please I beg you,” sabi ko sa kanya.
“Sige na nga bes pero mamaya ha, papakinggan mo yung pagkanta ko ng Stupid Luv pagkatapos mong matulog,” pagpipilit niya.
“Yes bes, promise,” sagot ko para lamang tumigil siya kasi antok na antok pa talaga ako.
Ikaw na ang may sabi na ako’y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo’y ‘di magbabago