Gab’s POV
Simula nung sinagot ni Nikky si Nathan, bihira na kaming magkita sa labas ng school, syempre naiintindihan ko naman yun, may boyfriend na siya at ang pangit nga namang tingnan na sama pa siya ng sama sa akin. Pero kahit ganon ang situation namin, hindi pa rin niya nakakalimutan na tawagan ako tuwing gabi para tanungin kung kamusta ang araw ko at sabihan ng goodnight.
Walang nagbago sa friendship namin ni Nathan, masakit para sa akin na makita ang bestfriend ko at ang babaeng pinakamamahal kong magkasama pero kailangang pangatawanan ko ang naging desisyon ko. Hindi naman sa inilalayo ko ang sarili ko sa kanila, pero alam ko na kailangan ko din silang bigyan ng space, kailangang bigyan ko sila ng time na magkasama. Hindi na pwede yung sabay sabay kaming kakaing tatlo o kaya naman ay sabay sabay na gagawa ng assignment. Aaminin ko, sa simula naninibago ako, nahihirapan akong tanggapin kung bakit kailangan ko pang maramdaman ito, pero alam ko na ito yung pinakatama kong gawin.
March 2001
Start na ng summer vacation namin, kaya heto kaming tatlo nina Nathan at Nikky nasa airport, masakit mang tanggapin pero hindi namin hawak ang plano ng mga magulang namin. May kailangang magpaalam at may kailangang maiwan. Hindi kami pwedeng magsama samang tatlo, kahit gustuhin namin, hindi talaga pwepwede.
Napatingin ako kay Nikky, makikita mo sa mukha niya ang lungkot, kung titingnan mo ang mga mata niya, halos mamula na sa kakaiyak.
“Salamat dahil naging kaibigan ko ikaw at maraming maraming salamat sa pagmamahal na binigay mo, hindi man ganoon kahaba ang panahon na magkasama tayo, pinaramdam mo pa rin sa akin ang iyong pagmamahal,” mangiyak ngiyak na sabi ni Nikky.
Tiningnan ko si Nathan, tahimik lamang siya at alam kong pinipilit niyang pigilan ang pag-iyak. Maski ako, pinipigil kong umiyak, hindi dahil ayaw kong makita nila akong umiiyak, pero kailangan kong maging matatag. Naalala ko yung mga panahong magkakasama kami, maikli nga lamang iyon pero puno ng saya, sayang nga lamang at kailangan may isang magpaalam sa amin.
“Mag-iingat kayo, lagi niyo tatandaan na kahit hindi tayo magkakasama, yung pagkakaibigan natin, anjan lang, kung kailangan niyo ako, isang tawag lamang ako,” sabi ko sa kanila.
“Bro, magkakalayo na tayo pero alam ko na kahit hindi naman kitang kasamang personal, andyan ka lagi para suportahan ako,” malungkot na sabi ni Nathan sa akin.
“Alam mo bro, pwede ka na palang mag-artista, magaling ka ng magdrama,” nangingiti kong biro kay Nathan.
“Gago, pag ako sumikat sikat, hindi kita papansinin,” sagot ni Nathan, habang tatawa tawa.
Pinilit kong paga-anin ang pag-uusap naming tatlo, ngunit kahit anong pilit ko, nanatiling tahimik at mangiyak ngiyak si Nikky.
Hanggang sa tinawag na kami ng mga magulang namin, kailangan na naming magcheck-in para sa flight namin, aalis kami ni Nathan, ako pupunta sa US kasama ang parents ko para magbakasyon samantalang si Nathan naman ay pupunta na sa Canada para manirahan doon kasama ng magulang niya. Si Nikky ay maiiwan pero after one week, uuwi sila ng family niya sa Pinas para magbakasyon.
Sa huling pagkakataon niyakap ni Nathan si Nikky ng mahigpit, “sorry kung kailangan nating maghiwalay hindi ako maaaring magpaiwan dito, pero ito ang tandaan mo, kahit sandali lamang tayo, mahal na mahal kita, pasensya na kung ang unang boyfriend mo, 3 months lang ang tinagal, you deserve someone who will stay with you forever, you deserve someone who will not leave you behind and you deserve someone who is much better than me, I’m really sorry that we have to end like this, but I think long distance relationship is not for us, I will always love you and you will always be in my heart, for the last time Nikky, I want to say I love you and thank you very much for loving me. Narinig kong sabi ni Nathan kay Nikky.
Walang nagawa si Nikky kung hindi umiyak. Nilapitan ko siya at niyakap na din, “Bes I will see you in May, don’t worry, babalik naman ako, I will miss you! Try to enjoy your vacation, when I see you after the break, we have some catching to do,” sabi ko sa kanya ng nakangiti, pilit na pinapagaan ang kalooban niya.
“Pasok na kayong dalawa, maiwan pa kayo ng eroplano,” malungkot na sabi ni Nikky, “Thank you Nathan and I love you too at ikaw Gab ingat ka doon, baka pagbalik mo dito hindi ka na marunong magtagalog,” pabiro pa niyang habol.
Kumaway kami kay Nikky at naglakad na papunta sa check-in counter kung saan naghihintay ang mga magulang namin. Sabay ang flight namin ni Nathan. Pero pagdating ng London, maghihiwalay na din kami kasi papunta kaming New York City samantalang sila naman ay papuntang Calgary, Canada. Mahirap magpaalam sa isang taong malapit sa iyo, hindi namin alam kung kalian ulit kami magkikita, pero ang mahalaga, alam namin sa isa’t isa na kahit magkakahiwalay kami, yung pagkakaibigan namin ay mas magiging matatag at nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan niya ako ng isang kaibigan na katulad ni Nathan.
Pagkatapos naming magcheck-in, dumiretso na kami sa Immigration hanggang makarating kami sa Gate. Habang iniintay ang boarding call, biglang nagsalita si Nathan.
“Bro, ikaw na ang bahala kay Nikky ha, bantayan mo siya para sa akin, siguraduhin mong hindi siya masasaktan at iiyak,” sabi niya sa akin.
“Oo naman bro, kahit hindi mo sabihin sa akin, gagawin ko kasi para ng kapatid ang turing ko sa kanya,” nakangiti kong sabi sa kanya.
“Salamat bro. At isa pa pala maraming maraming salamat dahil hindi ka nagbago, alam kong mahal mo si Nikky ng higit pa sa isang kaibigan at kapatid at nararamdaman ko na nagseselos ka sa amin, pero kahit ganoon ang nararamdaman mo, hindi mo sinira ang pagkakaibigan natin. Bro, kung magiging kayo ni Nikky, ang masasabi ko lamang magiging masaya ako, kasi hindi man kami nagtagal dalawa, alam ko naman na ang nagmamahal sa kanya ay yung taong mahal na mahal siya at hindi siya lolokohin,” natatawang sabi ni Nathan.
“Bro, paano mo nahalata, oo mahal ko si Nikky ng higit pa sa isang kaibigan at kapatid, pero ayaw ko namang sirain ang pagkakaibigian natin, natuto akong magparaya kasi nauna ka namang manligaw, natuto akong itago ang nararamdaman ko kahit na masakit kasi ayaw kong pareho kayong mawala sa akin, at bro, salamat sa blessing mo,” natatawa kong sabi sa kanya.
“Bro, pareho tayong lalaki, alam ko, ayaw nating pareho ishare kung anuman ang nararamdaman natin, pero ramdam ko na mahal na mahal mo siya, kaya sana bro, huwag mo siyang lolokohin at iingatan mo siya, hindi para sa akin kung hindi para sa iyo,” nakangiti niyang pahabol.
“Salamat bro, yaan mo, hinding hindi ko papaiyakin si Nikky,” natatawa kong sabi.
Naputol ang pag-uusap namin kasi nagsimula ng mag-announce ang Ground Staff tungkol sa boarding procedure. Sa lahat ng magiging bakasyon ko, dito ko lamang naramdaman ang pinaghalong lungkot at excitement.