Gab’s POV
Heto ako, nakatayo sa harap ng salamin, tinitingnan kung ayos na ba ng itsura ko, sinusuklay ko ang bago kong paligong buhok. Ngumiti at tiningnan ang aking pantay pantay at mapuputing ngipin. Napansin ko ang dalawa kong dimples, tuwang tuwa ako, iniisip na sana, mapansin ni Nikky ito. Tiningnan ko ulit ang mga nagungusap kong mata, siniguradong wala man lamang bahid ng anumang muta. Kailangan kong maging gwapo, mabango at perfect sa araw na ito. Ito ang first day ng pagiging magkaibigan namin ni Nikky.
Napatingin ako sa side table ng kama ko, nakita ko ang oras, 4:45 am. Napangiti ako at napailing, dati, bago ko makilala si Nikky, tanghali na akong magising, nag-aalarm ako ng 5:30 am pero pagnaririnig ko na ang alam, pinapatay ko lamang ito. Kadalasan pinapasok pa ako ni Mom o ni Dad sa kwarto at ginigising,,kalimitan, sinasabi ko lagi sa kanila na may 5 minutes pa ako. Pero, iba itong araw na ito, 4:00 am pa lamang, gising na ako, nagexercise ng konti pagkatapos ay dumiretso na sa banyo para maligo. Hindi ko alam kung anong meron sa araw na ito, pero ang pakiramdam ko, inspired na inspired akong pumasok. Nagulat pa nga sina Mom at Dad ng makita akong nakaayos na. Tiningnan pa nga ni Mom kung may lagnat ako kasi first time kong bumangon ng maaga. Ang nasabi ko na lamang, it’s part of growing up. Nakita ko yung loaf bread sa dining table, kaya nagpasya akong magpalaman, bale 2 ang ginawa kong sandwich, isa para sa akin, ang isa naman ibibigay ko kay Seatmate.
Since maaga akong nag-ayos, maaga na din akong hinatid ni Dad sa school. Habang naglalakad ako papunta sa room namin, lalong lumalakas ang tibok ng puso ko, nakakaramdam ako ng pinaghalong kaba at excitement at higit sa lahat, hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Ng malapit na ako sa room, tumigil ako muna at kinuha ang bote ng pabango ko, naisip ko, kelangan mabango ako pagpunta ko sa room kasi kakahiya naman kay Nikky kung amoy kama ako. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang babaeng kanina pa naglalaro sa isip ko, nakaupo siya sa kanyang upuan at parang may binabasa. Lumapit ako sa kanya at bumati,
“Hi! Good morning!” masaya kong bati sa kanya.
“Hi! Good morning din, mukhang maaga ka ngayon,” sabi niya
“Ay oo, kailangan kasi ni Dad na maaga sa office kasi pupunta pa siya sa site,” sagot ko. “Siya nga pala Nikky, sandwich oh,” sabi ko sabay abot sa isang sandwich na ginawa ko.
"Salamat ha, pero bakit mo binigay ang baon mo sa akin,?” Nagtatakang tanong niya.
“Hindi, dalawa talaga ginawa ko, para tig-isa tayo, syempre diba magkaibigan na tayo, kaya kailangan may konti tayong celebration,” nakangiti kong sabi. Pilit kong tinatago ang kilig na nararamdaman ko.
“Thanks ha, I never thought na may pagkasenti ka din pala, which I find cute,” sabi niya ng nakangiti.
“Thanks ha, by the way, yung sinabi mong cute, does it only refer sa pagiging senti ko or sa buong pagkatao ko?” tanong ko sa kanya. Shit! Bakit hindi ko maitago yung ngiti at pagkakilig ko.
Nikky’s POV
Second day ng school, unlike kahapon na may mixed feeling akong nararamdaman, ngayon napakacomfortable ko, may bago akong friend na bukod sa seatmate ko, kapitbahay ko pa. As usual, ako na naman ang nauna sa classroom. Pagkaupo ko sa aking upuan, nilabas ko yung novel na binabasa ko, A Walk to Remember ni Nicholas Sparks.
Nagulat na lamang ako ng biglang bumukas yung pintuan ng room at nakita ko si Gab. Parang may kakaiba sa kanya, ngayong araw na ito pero hindi ko masabi kung ano iyon. Umupo siya sa tabi ko at binati ako. Ang nakakagulat pa niyan, binigyan niya ako ng sandwich dahil daw icecelebrate namin ang start ng friendship namin.
Sweet naman pala si Seatmate, nakakatuwa siya, konting bagay lang, nagpapakita na ng affection. Hanggang ngayong nga, hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa niyang pag-alalay sa akin kahapon sa pag-upo sa hagdan sa harap ng building namin. Ang sarap pala ng feeling na may nag-cacare sa iyo na ibang tao. Ang pakiramdam ko, para bang napakacomfortable ko kay Gab, para bang ang tagal tagal ko na siyang kakilala.
Nagulat ako sa sinabi ko, sinabi ko ang word na cute sa kanya, ngayon, iniisip niya tuloy kung I find him cute, although in real life naman talaga, bukod sa gwapo na si Gab, ang cute at ang bango pa niya lagi. Pero what I really like about him is yung pagiging caring niya, hindi ko na nga din alam kung nagiging crush ko na itong si Seatmate o normal lamang itong pakiramdam ko, kasi I’m longing for a brotherly love.
“Ang sabi ko, I find it cute yung pagiging senti mo, wala naman akong sinabi na cute ka ah, ngayon ko lamang nalaman na may pagka-assuming ka pala,” natatawa kong sabi
“Kaya nga po nililiwanag ko sa inyo mahal na prinsesa, kasi syempre baka i-assume ko na you find me cute, siyempre kasunod na nun yung sasabihin mong crush mo ako,” nakangiti niyang sabi, hindi pa rin mawala yung ngiti niya sa labi habang kausap ako.
“Assuming ka nga talaga ano, hindi mo ba naramdaman, bigla atang lumamig ang panahon at lumakas ang hangin,” sabi ko sa kanya. Napansin ko na hindi pa rin mawala wala sa mga labi niya yung ngiti at ang mata niya ay parang tuwang tuwa.
“Okay lamang po yun, hindi naman kita pagbabawalan na maging crush ako, kasi sa totoo lang, sanay na ako, pero eto tandaan mo, kahit maging crush mo ako sa mga susunod na araw, hinding hindi pa rin ako magbabago, ako pa rin yung Gab na nakilala mo nung unang araw ng pasukan,” sabi kniya sa akin na paseryoso, pero hindi pa rin nawawala yung ngiti sa labi niya.
“Hay naku Gab, tama na nga yan, umagang umaga kung ano ano pinagsasabi mo, inaantok ka pa ata,” natatawa kong sabi sa kanya.
Magsasalita pa sana siya ng biglang pumasok yung dalawa niyang kabarkada, sina Dan at Randolph at tinawag siya. Nagdatingan na din ang iba naming mga kaklase at may lumapit din sa akin para kamustahin ako.
“Nikky, puntahan ko lamang sina Dan at Randolph, thank you for sharing your time, I enjoyed our mini breakfast,” paalam niya ng nakangiti.
Doon ko mas lalong nakita ang mukha niya, alam ko na kung anong kakaiba kay Gab, yung mata niya parang buhay na buhay at masayang masaya, yung ngiti niya ay umaabot hanggang sa tenga at yung dimples niya, parang mas lalong lumalalim, alam ko, masayang masaya si Gab ngayong araw na ito, ang hindi ko na lamang alam ay ano o sino ang nagpapasaya sa kanya.
Gab’s POV
Hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko kanina while talking with Nikky, I can feel that there is something between us. Nakuryente ako ng mahawakan ko yung kamay niya nung inabot ko yung sandwich na ginawa ko para sa kanya. Sa tuwing naririnig ko yung boses niya, parang nagiging automatic yung mga labi ko na ngingiti at higit sa lahat, nararamdaman ko na everytime na magtatama ang mata namin, mas lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ko. Shit! I hate to admit it pero inlove na talaga ako kay Nikky. I know what I’m feeling right now is more than infatuation; I know that the care and attention I’m giving to her is more than that what is usually given to friends and classmates. I know it, and I can’t deny the fact that I have fallen in love with my Seatmate.
Asar na asar ako kina Dan at Randolph, panira sila ng moment, kilig na kilig ako sa nagiging usapan namin ni Nikky ng bigla na lamang nila akong tawagin. Naputol tuloy yung pag-uusap namin tungkol sa pagiging cute ko, ay mali pala, pagiging cute tingnan ng pagsesenti ko kanina. Iba talaga pag siya ang nagcompliment, ibang kilig ang dala, don’t get me wrong but ang dami ko ng narereceive na compliment, yung iba tuwing sinasabihan ako it’s either thank you o kaya naman nangiti lang ako to acknowledge them pero yung galing kay Nikky, I felt the sudden rush of blood sa mukha at tenga ko, tingin ko nga para akong kamatis na hinog na hinog sa pula tapos pakiramdam ko pa, parang sinusundot sundot ako, nakakakiliti na ewan ko.