Chapter 7. Trying to Heal a Broken Heart

14 2 0
                                    

Gab’s POV

Malapit ng magstart ulit ang klase. Kababalik lamang namin galing sa US. In totality, I really enjoyed our family’s vacation. Minsan lamang kami magkaroon ng ganitong time kaya my Dad and Mom made sure na magiging worth it ang trip namin. As for Nathan naman, I just received an email from him telling me na he is slowly adjusting sa new place nila and he thinks that he can manage there, yun nga lamang malungkot siya kasi hindi na niya kami makakasama ni Nikky. And for Nikky naman, I haven’t heard anything from her since the last time we spoke at the airport, I tried sending emails and calling their landline pero she is not answering. I still think that masakit pa rin para sa kanya yung pag-alis ni Nathan. I have to give her space and time to heal, I don’t want to push her too much kasi baka bigla siyang sumabog. I was just sitting in the couch in our living room watching television when I heard someone knocked on the door. Tumayo ako at tinungo ko ang pinto para tingnan kung sino ang kumakatok and I was so shocked to see Nikky standing in front of the door.

 “Hi Bes, kamusta?” masaya niyang bati, sabay yakap sa akin.

“Oh bes, I’m good how about you?” nakangiti kong sabi sa kanya habang yakap yakap niya ako.

“Okay naman, kakarating lamang namin kagabi, medyo pagod sa biyahe kaya ngayon lamang ako nakapunta dito, sorry pala kung hindi ko nasagot yung mga emails mo ha, it is not my intention not to answer your emails but I just needed time para naman makapagreflect, masyadong maraming nangyari during the past few months and I thought I needed a break kaya hindi muna ako nag-internet, I mean this is a new school year meaning new start. Bes, dito na lamang ba tayo magkwekwentuhan sa may pinto niyo?” natatawa niyang tanong

“Sorry bes, I didn’t mean to be rude, it just slipped on my mind, I was so happy to see you, I thought you already forgot me because you are not answering any of my emails, I was so paranoid that I keep on thinking that you are avoiding me,”  paliwanag ko sa kanya. “Come in, let’s talk in the living room, please feel free to sit anywhere, I’ll jut go to the kitchen to prepare some snacks,”pahabol kong sabi sa kanya

“Grabe bes, mukhang malakas ang tama ng States sa iyo ah, simula nung dumating ako kanina, hindi ka pa nagtatagalog,” natatawa niyang sabi.

“Sorry bes, hindi naman, nasanay lang, alam mo naman ako, masyadong mabilis makaadapt, natatawa kong paliwanag

“Bes, will it be okay kung dun na lamang tayo sa tambayan natin mag-usap, mas comfortable kasi ako doon eh and besides bes, busog pa ako,”sabi niya na parang nahihiya.

“Sure why not, wait lang kukuha lang ako ng softdrinks sa ref para may mainom tayo,” nakangiti kong sabi.

Pagkakuha ko ng softdrinks, lumabas kami ng bahay at pumunta sa aming tambayan, ang hagdan sa harap ng building namin. Tulad ng dati inalalayan ko siya sa kanyang pag-upo. At habang ginagawa ko yun, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ng hawakan ko ang siko at beywang niya, nakaramdam na naman ako ng kuryente, naamoy ko ang mabango niyang buhok at bigla ko na lamang naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Sobrang namiss ko itong taong ito, nagulat nga ako nung niyakap niya ako kanina, pero higit sa gulat na naramdaman ko, ibang saya ang aking naramdaman sa muli naming pagkikita.

Nikky’s POV

Kababalik lamang namin mula sa bakasyon at sa muling pagbalik ko sa lugar na ito, bigla na namang bumalik ang mga masasayang alalala namin ni Nathan, tama siya, sayang at 3 months lang ang tinagal ng relationship namin, pero para sa akin, yung tatlong buwan na kasama siya ang ilan sa pinakamasasayang araw sa buhay ko. He is my first love and my first heartbreak but it does not necessarily mean that he will also be my last. Malaki ang naitulong ng reflection na ginawa ko sa Tagaytay last summer. Doon ko narealize na talagang may mga taong dumadating at umaalis sa buhay natin, iyong iba, para lamang dumaan samantalang yung iba naman, nag-iiwan ng something special sa buhay natin. Si Nathan ay hindi ko masasabi na napadaan lamang, bagkus siya yung tao na naging dahilan para mas maging mature ako, siya yung dahilan kung bakit mas matatag ako at siya rin ang dahilan kung bakit ako natutong umibig at magbigay ng pag-ibig sa taong hindi ko kamag-anak.

Pagkagising ko, dali dali akong kumain at naligo, nagbihis at nagpaalam kina Dad at Mom na pupuntahan lamang si Gab at makikipagkwentuhan. Namiss ko ang loko, hindi ko alam kung may nagbago sa kanya pero kahapon pa lamang sa eroplano, iniisip ko na kung mas lalo ba siyang naging mapagbiro at bigla kong naalala yung dimples niya, yung mga mata niyang laging nakangiti at ang ngiti niya na abot hanggang tenga.

Kumatok ako sa pintuan nila ng kakaba kaba, hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin, kung babatiin ko ba siya o magsosorry kasi hindi ko nasagot yung mga email niya. Sa totoo lamang, natutuwa ako kasi kahit nasa States siya, hindi siya nakalimot magpadala ng email araw araw, mula sa simpleng kamusta hanggang sa mga kwento niya tungkol sa bakasyon niya, nakakatuwa siya, para bang pakiramdam ko ginagawa niya ang lahat lahat para mapatawa ako. Nasabi ko na lamang sa sarili ko na napakaswerte ko kasi nagkaroon ako ng kaibigan na katulad ni Gab. Hindi ko alam kung ginagawa ba niya iyon dahil binilinan siya ni Nathan or kusang loob niya yun, kaya nung nakita ko siya, hindi ko napigilang yakapin siya ng mahigpit. Sobra ko talagang namiss ang bestfriend ko, mas lalo siyang gumwapo, bumalik na din yung mga ngiti sa mata niya at higit sa lahat, nakita ko ulit ang dimples niya at ang kanyang mga ngiti na abot hanggang tenga. 

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon