Chapter 8. The Story of a Guy Who Fell in Love with His Bestfriend

17 1 1
                                    

Gab’s POV

Heto kami ni Nikky, parehong nakaupo sa hagdan sa harap ng building namin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na niyakap niya ako. Kung para sa kanya yakap ng pagkakaibigan iyon, para sa akin, yakap iyon ng pagmamahal. Ibang klaseng saya ang naramdaman ko ng muli ko siyang nakita at mas lalo akong naging masaya nung yakapin niya ako. Alam ko na mali na bigyan ko ng kahulugan yung mga pinapakita niya sa akin pero tao lamang ako, hindi ko maiiwasan habang buhay na itago kung ano ang nararamdaman ko kay Nikky. Hindi ko din naman iisipin na pagtratraydor ito sa kaibigan ko kasi maski si Nathan, binigyan niya ako ng blessing kung sakali man ligawan ko si Nikky.

“Alam mo bes, nagpapasalamat ako kasi naging kaibigan kita,” pasimula niya. “Dahil sa iyo natutunan kong tanggapin ng mas maluwag yung naging outcome ng relationship namin ni Nathan. Napakasakit niya pero alam mo, sa mga ginawa mo, unti unting nawala yung sakit na nararamdaman ko, kaya maraming maraming salamat talaga, sana huwag kang magbago at sana kahit magkahiwalay pa tayo, magiging kaibigan pa rin kita.” Mangiyak ngiyak niyang sabi.

“Alam mo bes, nagiging madrama ka na ha, kaya nga tayo pumunta dito diba para magkuwentuhan para maging masaya, tapos ikaw babanatan mo ng drama,” natatawa kong sabi sa kanya.

“Sorry naman bes, alam mo naman na may pinagdadaanan ako, hahaha.” Sabi niya ng nakangiti. “Oo nga pala bes, alam mo kanina, may nagforward sa email ko nitong love story kaso ang tragic niya pero gusto ko pakinggan mo ha, ayaw ko kasing magkaganito tayong dalawa,” pahabol niya.

“Tungkol saan ba yan bes at bakit naman tayo matutulad sa kanilang dalawa?” Naguguluhang tanong ko sa kanya.

“Tungkol ito sa dalawang magkababata, isang lalaki at isang babae, nagkita sila nung 8 years old pa lamang sila at sabay na lumaki, kaso kailangan mong making sa buong kwento kasi kung sasabihin ko sa iyo kung tungkol saan siya, hindi ka na makikinig, eh kilig na kilig pa naman ako dito kaso at the same time naiiyak din ako sa story nila,” nakatawa niyang sabi.

“Eh bes alam mo naman na hindi ako mahilig sa love story at sa mga fairy tale fairy tale na yan,” nakatawa kong sabi sa kanya.

"Eh bes hindi naman ito fairy tale at isa pa maganda ito, kaya sa ayaw o sa gusto mo makikinig ka, minsan lamang ako humingi ng favor sa iyo, tapos hindi mo pa ako pagbibigyan,” nakangiti niyang sabi.

“Sige na nga bes ha, pero huwag kang magagalit kung makakatulog ako o kaya naman ay maghihikab, pero promise papakinggan ko na yang kuwento mo,” nang-aasar kong sabi sa kanya.

Sinimulan na ni Nikky na basahin ang kwento na kanina pa niya gustong ishare sa akin. Ako naman ay napatulala kasi nakakarelate ako dun sa lalaki sa kwento. Ang story ay tungkol sa isang magkaibigang lalaki at babae, una silang nagkita noong 8 years old pa lamang sila, bagong lipat yung family ng babae at kaagad napansin nung lalaki yung batang babae. Sa unang tingin pa lamang niya dito, nafall in love na kaagad siya. Naging close sila nung babae at naging best of friends’ hanggang sa naghigh school na sila, sila pa rin ang magbest friend. Ang hindi alam nung babae, patago na siyang minamahal nung lalaki. Hanggang sa dumating ang senior prom nila, nagdecide si lalaki na sasabihin na niya sa araw na ito kay babae yung nararamdaman niya. Dahil sila din ang date ng isa’t isa, sinundo niya sa bahay nila yung babae at nung makita niya itong ayos na ayos, mas lalo niya itong minahal. Gusto na niyang sabihin dito kung gaano niya ito kamahal pero pinili niya na mamaya na lamang habang sumasayaw sila. Sabay silang umalis papunta sa school at katulad niya, hindi rin makapaniwala yung mga kaklase niya sa kakaibang ganda ng kaibigan niya. Marami ang nagyaya ng sayaw sa kanya ngunit tinanggihan niyang lahat ito. Tuwang tuwa yung lalaki kasi akala niya, siya lamang ang gustong makasayaw ng kaibigan niya, tumayo siya at nagpaalam sa kanyang kaibigan na pupunta lamang sa banyo. Ang hindi alam ng kaibigan niyang babae, kumukuha lamang siya ng tamang tiyempo para sabihin kung gaano niya ito kamahal ngunit pagbalik niya galing sa banyo, nakita niya yung kaibigan niyang babae na kasayaw yung campus heartthrob nila at kitang kita sa mukha niya na masayang masaya siya, hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman, parang gumuho ang langit at lupa, sa sobrang sakit, umalis na siya sa school nila at iniwan yung babae. Mula nung mangyari yun, sinimulan na niyang iwasan yung babae, pero habang umiiwas siya, mas lalo siyang nasasaktan kaya nagdecide siya na lumipat ng ibang lugar at kalimutan yung kaibigan niyang babae na minahal niya. Umalis siya sa lugar nilang iyon ng walang paa-paalam sa kanyang kaibigan at unang babaeng minahal. After niyang makatapos ng college, bumalik siya sa lugar nila, habang naglalakad siya nakasalubong niya yung kapatid ng kaibigan niya dati. Ang sabi sa kanya, matagal na siyang hinahanap ng kapatid niya pero hindi siya mahanap at nagbilin ito na kung sakali mang bumalik siya sa lugar na ito,  pakidala siya sa lugar kung saan niya ito hihintayin. Dahil naguguluhan, sumama yung lalaki sa kapatid ng kaibigan niya, habang nasa daan tahimik lamang sila pero nagulat siya nung pumasok sila sa sementeryo. Lumakad sila paloob hanggang sa marating nila ang isang headstone. Naguguluhang tiningnan niya yung headstone at nagulat siya ng mabasa ang pangalan ng dati niyang kaibigan. “Matagal ka niyang iniintay, simula nung umalis ka, araw araw siyang pumupunta sa inyo, nagbabakasakaling bumalik ka, pero araw araw umuuwi siyang bigo. 6 months ago, nadiagnose siyang merong Stage IV Breast Cancer, hanggang sa huling araw niya, ikaw pa rin ang iniisip niya, heto ang sulat na ginawa niya para sa iyo.” Sabi nung kapatid sabay abot ng isang sulat, “maiwan muna kita,” pahabol nito. Dahan dahang umupo yung lalaki sa harap nung puntod nung babae at habang binubuksan niya yung sulat, hindi niya mapigilang umiyak. Binasa niya ito at doon niya nalaman ang kwento ng kanilang pagkakaibigan at pagmamahalan ayon sa point of view ng babae. Ang simula nung sulat ay, Alam ko na kapag nabasa mo ito, wala na ako sa mundong ito, pero kahit wala na ako, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita ng higit pa sa isang kaibigan. Alam ko na kaya ka lumayo ay dahil nasaktan ka sa nakita mo, pero gusto ko lamang sabihin sa iyo na kaya ako pumayag na makipagsayaw noong araw na iyon ay para tigilan na niya ako, hindi ko siya kayang mahalin kasi may mahal akong iba. Mahal na mahal kita at hinding hindi kita makakalimutan. Sayang lamang kasi hindi mo ito narinig mula sa akin at hindi ko rin ito narinig mula sa iyo. Ng matapos na niyang basahin ang sulat, hindi niya napigilang humagulhol ng iyak. Sorry at nagpadala ako sa galit ko, mahal na mahal kita. Yun lamang ang nasabi nung lalaki sa puntod nung babae. Magmula nung araw na iyon, araw araw niyang binibisita ang puntod ng kanyang kaibigan at unang mahal, dinadalhan ng bulaklak at kinukuwentuhan kung anong nangyari sa kanya sa araw na iyon. Alam niyang hindi na niya maibabalik ang panahon pero alam niya na kung nasaan man ang unang babaeng minahal niya, masaya na ito.

“Bes, okay ka lamang ba, bakit ka umiiyak?” nagtatakang tanong ni Nikky.

Bigla akong nagulat kasi tapos na pala yung kwentong binabasa ni Nikky, hindi ko man lamang namalayan at ang masama pa dito, hindi ko maitagong natouch ako sa story na binasa ni Nikky.

“Okay lamang ako bes, magaling ka palang magbasa ng kwento, pwede ka na sa Maalaala Mo Kaya,” pagbibiro ko para lamang maitago yung tunay kong nararamdaman.

“Niloloko mo naman ako bes eh, aminin mo nagustuhan mo yung story ano? Kitang kita sa reaksyon mo na dalang dala ka,” natatawa niyang sabi.

“Magaling ka kasi magkwento puno ng emosyon kaya napaiyak ako,” natatawa kong sabi sa kanya.

“Bes, huwag naman sana tayong magkaganyan ha, ayaw kong lumayo ka sa akin at bes sana huwag kang maiinlove sa akin, kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung malalaman kong maiinlove ka sa akin,” nahihiya niyang sabi.

Sa narinig kong iyon, bigla na lamang akong nalungkot. Ayaw niya pala akong mainlove sa kanya pero paano iyon, sa unang araw pa lamang naming magkakilala, ginawa ko na iyong ayaw niya. Ayaw kong matulad sa amin ang nangyari doon sa dalawa na kailangan pang magkalayo at magkasira pero sa bandang huli puno ng pagsisisi. Papaano ko sasabihin sa bestfriend ko na matagal ko na siyang mahal kung siya mismo, ayaw niyang marinig ito. Kung noon mahirap ang naging sitwasyon ko kasi mahal ko ang girlfriend ng bestfriend ko, ngayon naman mas naging mahirap ito kasi ayaw ng bestfriend ko na mahalin ko siya ng higit pa sa pagiging kaibigan. Papaano ko ito itatago, kailangan ko na naman bang isakripisyo ang kaligayahan ko para lamang hindi mawala ang isang taong napakaimportante sa buhay ko? Bahala na, saka na lamang ako magdedesisyon kapag andon na ako, sa ngayon, kailangan ko munang sulitin mga oras na kasama ko siya. Bahala na, iyon na lamang ang sinabi ng isip ko.

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon