Chapter 9. No Ordinary Love

7 0 0
                                    

Gab’s POV

Days passed by at nagsimula na ulit ang klase. Katulad dati kamustahan at kwentuhan ang nangyari, kami pa rin ni Nikki ang magkatabi sa upuan at habang lalong tumatagal na kami ay magkasama, mas lalong nahuhulog ang loob ko ngunit I decided to hide it since nalaman ko sa kanya na she does not approved na mafall in love ako sa kanya. Mahirap at masakit sa simula pero natutunan ko na ding mahalin ang bestfriend ko ng patago kaysa naman mawala siya sa akin dahil ipinakita ko na higit pa sa magmamahal ng isang kaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya. At some point of my life, I felt guilty dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako 100% honest sa bestfriend ko but sabihin man nilang selfish ako, I can’t see her far away  from me.

Dumating ang Foundation Day namin at bilang part ng celebration magkakaroon ng Mr. and Ms. Contest at ako ang napiling magrepresent sa klase namin kasama ang isa pa naming classmate na si Alexandria. At first I was hesistant to join the said contest not because I am not good looking nor I lack the confidence but because I just don’t want to shove into their faces that I’m handsome enough to be part of the contest but it was Nikki who convinced me to join and she even suggested that I should be singing while playing the piano in the talent portion. After classes we decided to search for the right piece, we were searching and searching until she suggested the song Heaven Knows by Rick Price. Actually I d not know the song but she sang it and I immediately fell in love with the song. I don’t know if it was because of the lyrics or if it was her voice that made me fall in love.

One day before the contest, we were in my room practicing the song when suddenly she said, “Bes, bakit wala ka pang nililigawan, eh ang dami namang nagkakacrush sa iyo?”

Napangiti ako sa kanya at sinagot ko siya, “Bes, I don’t want to court a girl just because I know that she is interested in me, I mean madaling manligaw at magpasagot ng isang babae pero ang mahirap is kung kaya mong mahalin ang babaeng iyon ng higit sa pagmamahal na ibibigay niya sa iyo.”

“Ang drama mo naman Bes, sige na, tulungan kitang manligaw, natotorpe ka lamang ata,” natatawa niyang biro.

“Bes sa gwapo kong ito, matotorpe pa ako?” Nakatawa kong tanong sa kanya. “And besides Bes, kahit hindi mo ako tulungan mapapasagot ko yung babae, and besides kung magkakagirlfriend ako, ibig sabihin, mababawasan ang time ko sa iyo tapos baka magtampo ka sa akin, ayaw ko namang magtampo ka sa akin. Bes, ayaw mo na ba akong kasama kaya tinataboy mo na ako palayo?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Do not take it the wrong way Bes, I am so thankful that lagi kitang kasama, na lagi kang andyan sa tabi ko but Bes, as your bestfriend, I want to see you happy, may mga bagay akong hindi maibibigay sa iyo and besides iba ang happiness na kaya kong ibigay sa kayang ibigay ng isang girlfriend,” paliwanag niya.

“Bes, thanks sa concern, but malaki na ako, I know right now kung ano ang pwedeng magpasaya sa akin and besides, I’m enjoying my life, not that I don’t want commitment, it’s just that, I can’t force myself to fall in love with someone I don’t love, kahit pa sabihin natin na natututunan ang pagmamahal, sooner or later, you will meet someone who will not teach you to love them but rather you will just automatically fall in love with them,” nakangiti kong sabi sa kanya.   

Wala na siyang nagawa kung hindi idrop ang topic namin, we were practicing so hard that we hardly notice the time. I saw her yawn and I said, Bes let’s call it a night, inaantok ka na.

“Oo nga, Bes okay lamang ba na dito na ako matulog sa inyo, nagpaalam naman ako kina Mom kanina na baka umagahin tayo sa practice,” sabi niya na parang nahihiya

“No problem Bes, since wala kaming extra na room, you just sleep in my bed, I will sleep na lamang sa living room,” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Bakit naman sa living room ka pa matutulog eh malaki naman itong kama mo and besides Bes I treat you na as my brother so walang malisya kung magkatabi tayo sa kama and also hindi mo naman ako gagapangin at pagsasamantalahan diba?” Natatawa niyang biro sa akin.

“Bakit naman kita pagsasamantalahan eh hindi ka naman kanasa nasa,” natatawa kong sabi sa kanya.

“Gago ka talaga Bes, sige na sleep na tayo,” sabi niya sabay higa sa left side ng bed.

“Sige, mauna ka na, ayusin ko lamang itong mga gamit, goodnight Bes.” sabi ko sa kanya.

Hindi ko na siya narinig sumagot, ng tingnan ko siya, nakapikit na at parang tulog na. First time naming magtatabi sa kama and I can feel a sudden rush of emotion, I can feel happiness and at the same time excitement pero alam kong kailangan kong magbehave, napakalaki ng tiwala ng bestfriend ko sa akin at ayaw kong sirain lamang iyon dahil sa lust. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina, kumuha ng baso at uminom. After kong mahugasan ang baso, pumasok na ako sa kwarto at muli kong tiningnan ang bestfriend kong mahimbing na natutulog sa kama ko. Lumapit ako sa kanya at kinumutan ko siya. Bes sorry, I didn’t mean to lie to you but I think lying is much better than telling you the truth. Hindi ako nanliligaw kasi ang babaeng gusto kong ligawan ay ayaw magpaligaw at mas magiging masaya ako kung hindi ko ipagpipilitan sa sarili ko na magmahal ng iba. Ikaw Bes ang gusto kong ligawan, mahal na mahal kita at minahal na kita simula pa lamang nung una kitang makita, mahina kong sabi sa kanya habang nakaluhod at nakatingin sa maamo niyang mukha. Pagkatapos, dahan dahan akong tumayo at humiga sa kabilang side ng kama. Hindi ko mapigilan na tumulo ang luha sa mata ko, masakit para sa akin ito pero kailangan kong tiisin ang sakit kasi alam ko na mas higit pa ang sakit na mararamdaman ko kung pati siya ay tuluyang mawawala sa akin.

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon