Gab’s POV
It’s 3:30 pm, tapos na ang first day of classes. Alam kong uuwi ako ngayon sa bahay ng masayang masaya. Masayang masaya kasi sa araw na ito may nakilala akong isang tao na alam kong magiging parte ng buhay ko.
Nakita ko ang sasakyan ni Dad sa labas ng gate, kaagad akong naglakad papunta dito at sumakay na din. Habang nasa daan, nagtatanong si Dad kung kamusta ang unang araw ng klase, ako naman sagot lang ng sagot. Kahit madaming tanong sa akin si Dad, hindi pa rin mawala sa isip ko yung mukha ni Nikky, yung ngiti niya, yung parang champoradong mark niya sa mukha, yung labi niya, yung mata niya tapos parang naririnig ko pa rin ang kanyang matamis na boses at sinasabing salamat ha, ikaw ang hero ko sa araw na ito. Sa sobrang kakaisip ko, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Nagulat na lamang ako ng sabihin ni Dad na kung wala pa akong balak bumaba sa sasakyan.
Bumaba ako sa saksakyan at sabay naming nilakad ni Dad ang building kung saan kami nakatira. Pagkapasok sa bahay, dali dali akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis. Pagkabihis, tumingin sa salamin kung gwapo pa rin sabay spray ng cologne. Ng sa tingin ko ay ok na ang itsura ko at mabango na ako, lumabas ako ng room ko at nagpaalam kina Mom at Dad na lalabas lamang sandali. Babalik na lamang ako bago magdinner. Pagkarinig ko ng pagpayag nila, hinalikan ko lamang sila sa cheeks at pumunta na ako sa main door para lumabas.
Wala naman talaga akong pupuntahan, balak ko lamang tumambay sa harap ng building at magbakasakaling makita ko si Nikky. Para malaman niya na magkapit bahay kami at para naman may inspiration na din ako mamaya pagtulog.
Umupo ako sa hagdan na nasa harap ng building namin sabay lagay ng earphone sa tenga ko. Habang nakikinig ng music, patuloy ko pa ring iniisip si Nikky, Shit! Nikky! Bakit ang lakas ng tama ko sa iyo, sabi ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa kalsada ng bigla akong nakakita ng isang pamilyar na mukha, hindi ako maaaring magkamali, si Nikky yun, naglalakad papunta sa building namin, kasama ang kanyang mga kapatid pati na rin ang daddy niya.
Napangiti ako at napatayo, ng malapit na siya sinabi ko na lamang na, “Hi Nikky!”
“Hi din!” Anong ginagawa mo dito? Tanong niya na parang naguguluhan
“Ah dito ako nakatira, sa Flat No. 2 ang bahay ko,” sagot ko naman sa kanya, hanggang ngayon, hindi ko pa rin maalis yung mga ngiti ko, gusto ko talagang mapansin niya yung dimples ako at pati na rin kung gaano ako kasaya kasi nakita ko siya.
“Ah, akalain mo yun, magkapareho pala tayo ng building na tinitirhan,” sabi naman niya.
“Oo nga, hindi ko akalain na ang seatmate ko pala ay kapitbahay ko rin,” sabi ko ng nakangiti pa rin. “”Ako nga pala po si Gab, kaklase ni Nikky,” pakilala ko sa daddy at mga kapatid niya.
Binati din nila ako at nagpakilala, nagpaalam na yung dad ni Nikky pati na rin yung mga kapatid niya na mauuna na silang pumasok sa bahay.
“I did not expect na kapitbahay kita, by the way salamat ulit sa papel kanina ha, una na muna ako kasi kailangan ko pang magpalit ng damit.” Paalam niya sa akin.
“Sige, you go ahead, ingat ka,” sabi ko naman sa kanya, nakangiti pa rin at pilit na tinatago ang pagkakilig.
Nikky’s POV
Katatapos lang ng klase, dumiretso ako sa gate ng school kasi alam kong nasa labas na si Dad at ang mga kapatid ko. Pagkakita ni Dad sa akin kumaway siya at lumapit naman ako, ang mga kapatid ko naman ay ayun, nakaupo na sa likod ng sasakyan lahat tulog. Pumasok na din ako sa kotse at umupo sa passenger seat. Pinaandar na ni Dad ang sasakyan, habang paalis kami, nakatingin pa rin ako sa school namin, hindi ko akalain na magiging madali ang paglipat namin dito sa school. Wala akong problema sa klase maliban na lamang kay Nathan, yung kabarkada ng seatmate ko na suplado pero mabait naman pala. Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko yung sinabi ni Nathan kanina nung nagpakilala, seryoso kaya yung taong yun o pinagtritripan lamang ako.