Gab’s POV
Ilang araw na ding tapos yung contest pero hindi pa rin mawala sa isipan ko yung mga panahon na nakanta ako sa stage, kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi mangyayari yung mga iniisip ko nung mga panahong iyon, hindi pa rin kumbinsido ang aking isipan. Sa tuwing maaalala ko iyon, bigla na lamang may tumutulong luha mula sa aking mga mata, minsan naisip ko, kung sakali bang magkahiwalay kami ni Nikki, darating kaya yung panahon na magkikita ulit kami at kung darating kaya yung panahon na yun, magiging happily ever after na ang kwento namin? Thinking about it makes me weak, I don’t know what to do, I am so confused, I want to elevate our relationship into something much better but deep inside, I can feel hesitation, that maybe, it will only be much better for my side but it will be hell in her side. I can’t be selfish and I cannot see that my bestfriend is hurting just because of me.
One weekend, nasa room ko kami ni Nikki at nagawa ng assignment.
“Uhm Bes, tanda mo ba pa yung tanong mo sa akin noon nung nagprapractice tayo para sa talent ko?” Nag-aalangan kong tanong sa kanya
“Eh Bes, ang dami ko kayang tinatanong noon, alin ba doon?” Nagtataka niyang tanong
“Uhm Bes, yung bakit wala pa akong nililigawan,” nahihiya kong sabi sa kanya
“Ah oo, Bes, hindi mo naman diretsong sinagot yung tanong kong iyon,” nakanguso niyang sabi sa akin.
“Uhm, kasi Bes, may gusto talaga akong girl, tapos gusto ko siyang ligawan kaso lamang, nag-aalangan ako,” nahihiya kong sabi.
“Bakit naman Bes eh gwapo ka naman, mabango ka naman, matalino ka, magaling sa sports, eh nasa sa iyo na nga lahat lahat ng hinahanap ng isang girl sa kanyang prospective boyfriend, tapos nasasabi mo pa yan,” nagtataka niyang tanong.
“Yes I know Bes, but the problem is yung girl na gusto kong ligawan is hindi naman yun yung hinahanap niyang qualities eh,” malungkot kong sabi sa kanya.
“Well Bes, eh mabait ka naman, look Bes, if you will not try then you will never know, I mean, sumusuko ka na eh hindi ka pa naman lumalaban, c’mon, I’ll help you out,” nakangiti niyang sabi.
“Thanks Bes, pero kasi alam ko naman na wala akong pag-asa sa kanya and the sad thing about it is, at the end, I might lose her and both of us will end up hurting rather than happy,” malungkot kong sabi sa kanya.
“Eh sino ba yang babae na yan Bes, pakilala mo sa akin ng malaman ko ang chance mo?” nagtataka niyang tanong.
“Never mind Bes, let’s just drop the subject,” malungkot kong sabi sa kanya.
“Bes ayaw kitang nakikitang malungkot at nasasaktan, but sooner or later, you have to conquer your hesitation, sooner or later you have to be strong enough to express your feelings kasi kung hindi, baka ikaw ang magsisi sa bandang huli,” sabi niya sa akin habang yakap yakap niya ako.
“Thanks Bes, but I think it will be much better if I try to control my feelings for her because I know at this moment that we are not meant to be, that we are more better as acquaintances rather than lovers,” malungkot kong sabi sa kanya habang yakap yakap ko siya.
“Bes, remember, bata pa tayo, as we grow up, we will experience more painful and heartbreaking things, this is only the beginning, just be strong, I will understand kung ayaw mong sabihin kung sino siya, kaibigan kita pero irerespeto ko ang privacy mo, pero tandaan mo, kung hindi mo na kaya, nandito lamang ako sa tabi mo, kung kailangan mo ng balikat para iyakan, nandito lamang ako, hindi ko kayang alisin lahat ng sakit na nararamdaman mo, pero at least kahit papaano, kaya kong pagaanin ang loob mo,” naiiyak niyang sabi.
“Sorry Bes, I don’t want you to see me like this, but I just can’t help it, I’m sorry for being weak, I’m sorry that I am not man enough to accept that I can’t have all the things that I want in my life, I’m really really sorry Bes,” naiiyak ko na ding sabi sa kanya.
“Bes, real men cry, you have to accept the fact that you are also a human being, that you have feelings and crying is not a symbol of weakness rather, it is always a symbol of strength, remember nung mga bagong panganak lamang tayo, the doctors can tell that we are healthy just by the sound of our cry, so Bes, you don’t have to be sorry to me or to anyone because you are not weak,” naiiyak niyang sabi.
“Bes, yung sipon mo, kumakalat na sa tagiliran ng leeg ko,” mahina kong sabi sa kanya.
“Gago ka talaga Bes,” sabi niya sabay bitaw sa pagkakayakap sa akin.
“I just want to lighten the mood, I mean ang pangit pangit naman na nag-iiyakan tayo dito,” sabi ko sa kanya ng nakangiti. “But Bes, thank you very much, you are my angel,” pahabol kong sabi sa kanya.
“I have to go na Bes, it’s late na, but I enjoy our time together, thanks for always being there for me and tandaan mo lagi lang din akong andito para sa iyo,” sabi niya ng nakangiti sabay halik sa pisngi ko. “By the way remember you are my hero kaya kailangan ako ang anghel mo, huwag ka ng mag-abalang ihatid ako sa pinto kasi binigyan mo na naman ako ng susi sa bahay niyo, punasan mo na lamang yang sipon ko sa leeg mo hahaha,” pahabol niya bago siya lumabas ng kwarto.
Matagal na siyang nakaalis pero heto pa rin ako, nakatayo kung saan niya ako iniwan, hawak yung pisngi kung saan niya ako hinalikan. Tama, kailangan ko ng isuko ang laban ko kahit hindi pa ito nagsisimula. Kailangan makuntento ako kung anong meron kami ngayon ni Nikki kasi hindi ko siya kayang mawala. Masakit at mahirap pero kailangan kong simulang tanggapin. Napagdesisyunan ko na ding huwag na lamang manligaw sa iba kasi ayaw kong makasakit ng tao, ayaw kong magpa-ibig ng iba dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang mahalin yung taong yun dahil may mahal akong iba. Ayaw kong may masaktang iba pa, tama na yung ako na lamang ang nasasaktan. Mahirap pero alam ko kailangan kong kayanin.